Teaser

237 12 9
                                    


"HINDI BA MALINAW ang sinabi ko na hindi ako intesado sa'yo? Offer yourself to another person on this island!" bulyaw ni Akihiro

Napatulala si Marose sa taong nasa harapan niya. Para siyang nakasakay sa isang mabilis na sasakyan, nalulula siya. Hindi niya nagpahandaan ang pagbukas ng pintuan at iluwa ang isang guwapong nilalang na hindi maipinta ang mukha sa pagkayamot. Doon nag-sink in ang mga sinabi nito sa kanya. Anong akala nito sa kanya? Isang pakawala?

"How dare you accuse me-"

"Then who are you and what are you doing here?!" he demanded.

May inis at nanginginig na tinanggal ni Marose ang salamin at brim hat. "Ako ito!"

Nagulat ito pagkakita sa kanya, na parang hinahabol ito ng multo ng kahapon. Of course, he knew her. Ngunit saglit lamang iyon at naging seryoso ulit ito. "A-at sino ka?" he coldly asked.

Napaamang siya rito. Ganoon ba siya kabilis makalimutan nito? Samantalang siya? "Da Lat, Vietnam. December last year," she reminded him.

"What do you want from me?" he asked

She stared at him. His squinty almond-shape eyes bore no emotion. She could see the storm in his eyes. Na kapag tinitigan mo ng matagal ang mga matang iyon ay mahuhulog ka sa isang lugar na walang katapusan. Isang limbo. He looked bored... and cold.

Akihiro Degyawi Tanaka, the half-Filipino half-Japanese who made her world turned upside-down. Ang taong iniligtas niya sa bingit ng kamatayan. Ang taong masarap pakinggan ang boses at tawa. Ang taong buong lambing siyang niyakap at nagsambit ang mga katagang, "don't leave me." Ang taong magpapabago ng buhay niya. Ang taong...

"Buntis ako, Akihiro."

The Butterfly WhispererWhere stories live. Discover now