CHAPTER THREE

47 5 6
                                    

DALAT, VIETNAM.

"Hello, guys! It's me, Marose Adventurous. I am here in the beautiful city of Da Lat, Vietnam! It's 5 in the morning and the temperature is insane! 10 degrees Celsius. Kabababa ko lang sa sleeper bus nila galing Ho Chi Mihn City. Pasakay na ako sa mini-bus na maghahatid sa akin sa hotel. Grabe, sana magkaroon ng sleeper bus sa Pilipinas. Napakaganda at relaxing ng sleeper bus. Parang hindi ako nakasakay sa isang bus. Tapos napakaganda ng sistema nila, ihahatid ka nila sa destinasyon mo talaga. Napakalamig dito. So, if you plan to go and travel here, magdala kayo ng makapal na jacket o fleece o windbreaker. Mas malamig siya ng di hamak sa Sagada."

Marose paused her Canon 70D vlogging camera. She smiled contentedly. Her gut feeling was telling her that her Da Lat trip will be fun.

Binati siya ng mababait na staff sa kanyang hotel sa Pizza Tet Hostel. Ang Pizza Tet ang isa sa highest rated na hotel sa Booking.com. Sobrang mura ng hotel at napanganga siya nang makita ang kanyang kuwarto. Kasya ang limang katao sa luwang noon.

It was an elegant bed-and-breakfast room in the French model of the Napoleonic era. Beautiful old faded tapestry panels and some French provincial furniture were testaments that the city was once colonized by the French government in the early 1900s.

"Enjoy your stay, Ma'am" anang staff na tumulong magbitbit ng maleta niya.

Agad na tinanggal ni Marose ang sapatos at ginawa ang kanyang ritwal kapag nagtatravel – ang tumalon ng sampung beses sa kanyang kama. Ang sabi nila, iyon daw ang unang gawin kapag bagong pasok sa kwarto para maabot mo ang kagustuhan mong buhay sa next life mo.

"One, two three..." Gusto niyang maging prinsesa sa susunod na buhay niya. 'Yong siya naman ang prinoproblema ng pamilya niya.

'Yong sasabihin ng kanyang maid na, "Ma'am handa na po ang pampaligo ninyo."

Gusto niyang --- napanganga si Marose nang biglang may lumitaw na lalaking nakahubad sa harapan niya. Nagpupunas ito ng basang katawan.

Humiyaw siya at agad na tumalikod dahil ayaw niyang magka-'bunga' ang kanyang mga mata. "Sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko! Tulungan niyo ako! May rapist sa kuwarto ko! Tulong!"

"Sira ang heater ng shower room ko. Mamaya pa darating ang mag-aayos. At pinapasok ako ng staff dito dahil sabi nila walang tao rito," paliwanag ng lalaki.

Nahimigan ni Marose sa boses nito ang pagka-inis. Gusto niyang lingunin ang lalaki at hambalusin ngunit nangangamba siya na baka wala pang salawal ang lalaki. "Puwes ngayon alam mo nang may tao rito kaya umalis ka na!" bulyaw niya.

This is so unethical!

"I can't."

"At bakit!" nanggigil na saad niya.

"Nasa ulunan mo ang mga gamit ko."

Agad niyang nilingon ang mga damit na hindi niya napansin kanina. Kinuha niya ang mga iyon at initsa sa lalaki. "Hayan, makakaalis ka na! Bilisan mo!"

Nilingon ni Marose ang pintuan nang marinig niyang sumarado iyon. Ang walang modong lalaki, hindi man lang humingi ng sorry sa kanya! She locked the door and inspectioned the bath room. Baka nandoon pa ang lalaki. Nakahinga ng maluwag si Marose nang makita na bakante ang banyo niya.

Nanghihina na napahiga ulit siya sa kanyang kama.

"It's your first day, Marose. At ang sumalubong sayo ay isang lalaki na hubad ang katawan!" Marose screamed. "'Di na virgin ang mga mata ko!" nanggigil na saad niya.

Agad niyang tinawagan ang kanyang bestfriend na si Jowanamarie sa Messenger. Kinuwento niya rito ang nangyari sa kanya.

"Baka nga nagkamali ang staff, boo," ani Jowanamarie na naaaliw.

The Butterfly WhispererWhere stories live. Discover now