Simula

347 105 92
                                    

Rain

All living things on Earth needs to have rain. A rain that will fall from above brought to us by our almighty God. It helps to nourish the land, makes the plants grow, and brings happiness to our kind.

In short, rain is indeed beneficial.

Sa katunayan, sa dami daw ng naitutulong at nadadalang swerte ng ulan sa mundo marami raw ang tao na naging mapalad at masaya dahil dito.

Nakakatawang isipin. Pero marami sa mga matatanda noon ang naging magkasintahan at nagkatuluyan ng dahil sa ulan na 'yan.

There is a local tale in my grandmother's town that says, the very first person you see nor bump into while the rain is pouring during the first rain of May will be your soulmate.

Ang sabi ng matatanda, sa oras na maglapat ang mata niyong dalawa habang bumubuhos ang unang ulan ng Mayo, para daw kayong hihigupin ng isang malakas na hipnotismo. May kung anong elemento na magkokonekta sa kaluluwa niyong dalawa.

It's like the connection of magnate and a coin. Subukan mang paghiwalayin at paglayuin, mananatiling magkadikit parin sa oras na sila ay muling pagtagpuin.

It's like a strong curse of love that no wizard could even break or lift.

Matutulala kana lang daw at hindi makakagalaw. Bibilis ang tibok ng iyong puso, kasunod ay ang nakabibinging katahimikan na kayong dalawa lang ang makaririnig sa unang paglalapat pa lang ng inyong mga mata.

Para daw kayong mapapapasok sa loob ng isang malaking bula na lumulutang sa alapaap. Wala kang ibang mapapansin at makikita kung hindi ang taong kaharap mo.

It's a perfect slow motion.. Just like the movies.

At mararamdaman mo na lang na tumitibok na pala ang puso mo para sa kanya. Mabilis, marahas, at masakit.

Maririnig mo daw ang tibok ng sarili mong puso. Hindi mo mamamalayan inlove kana pala sa taong nasa harapan mo.

Iyan ang kinagisnan kong kwento ng pag ibig mula sa lola Ising ko. Every month bago kami matulog, iyon ang paulit ulit na ikukwento niya sa akin.

"Apo, darating ang araw, isang ulan, at isang taong makikita mo sa unang ulan ng Mayo. Doon mag uumpisang umikot at umibig ang puso mo." si lola habang malayong nakatanaw sa malawak na bakuran ng kanyang bahay.

I always find her creepy everytime na maririnig ko iyon mula sa kanya. I was just 9 years old nang umpisa niyang sabihin 'yon sa akin.

Akala ko nga nung una, nag uuliyanin lang si lola. But when I found out from our distant relatives na sa unang ulan daw pala talaga ng Mayo unang nagkakilala ang lola at lolo ko.

Well, I started to believe with her stories.

Simula noon, lagi ko ng inaabangan ang unang ulan para sa buwan ng Mayo.

10 years old ako ng sinimulan kong gawin yung kinukwento ni lola.

Mag aabang ako sa balkonahe ng lumang bahay namin ni lola para sa unang patak ng mga ulan. And then kapag dumating na, tatakbo na ako sa gitna ng aming bakuran para salubungin at damhin ang bawat patak ng tubig na katumbas ay biyaya sa mundo.

Sa gitna ng buhos nito ay bibilang ka ng sampo at makapitong beses na iikot ng marahan kasabay ng isang taimtim na panalangin.

Hihingi ka ng gabay mula sa kalangitan.

At hindi nakalagpas sa mga pagkakataong 'yon ang araw na ito.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata na basang basa pa sa ulan. Tumingala ako sa kulay abong kalangitan na nagpapahayag lamang na hindi pa agad matatapos ang ulan.

"Yahooooooooo!!!!" malakas akong sumigaw at nagsimula ulit na magbilang at umikot habang nakadipa ang dalawang kamay.

In my 15 years of summer in this world, wala paring nagbabago sa mga routine ko. Patuloy at patuloy ko paring ginagawa ang mga naikwento ni lola.

Patuloy akong naghihintay sa lalaking maari kong makatagpo sa gitna ng ulan.

At ang exciting na parte? Hanggang ngayon, hindi ko parin siya nakikita sa gitna nang unang buhos nang ulan sa Mayo.

I am Summer Alvarez, and this is my story.


*****

#A Rain In My Summer

A Rain In My Summer Where stories live. Discover now