Ikalawang Patak

181 84 47
                                    

Ang liwanag mula sa sinag ng araw na pilit na sumisilip sa mga kulay rosas na bintana ng aking kwarto ang nagpagising sa akin.

Dahan dahan kong iminulat ang dalawang mga mata na biglang kumirot dahil sa marahas na sinag nito.

Pumikit pikit ako at nang nakaadjust na ang mata sa liwanag ng silid, dahan-dahan akong bumangon at bahagyang nag inat ng dalawang braso.

Naririnig ko mula sa labas ng kwarto ang ilang ingay ng boses at tumutunog na plato, baso at kubyertos mula sa kusina.

Nanghihina at pagod pa mula sa emotional turmoil ng pagkawala ni lola.

Tahimik akong naglakad palapit sa pintuan. Wala akong planong magsuklay pa.

Suot ang kulay lavander na ternong pajama. Lumabas ako ng aking silid at nagpakita sa mga panauhing tiyak na ngayong araw ding ito ang alis sa amin.

"Magandang umaga, hija!" bati sa akin ni Mam Alisa. Nagulat ako dahil buong akala ko ay umuwi na siya sa kanila pagkatapos ng libing kahapon.

"Umuwi lang ako saglit sa bahay. Binalikan kita dahil baka kako wala kang makasama ngayong araw." sagot niya sa tanong ko sa isip. "Kumain ka na ba? Halika dito sa kusina at ipinagluto na kita ng almusal." magiliw niya akong iginiya at pinaupo sa hapag.

Sinandukan niya pa ako ng kanin at ulam sa platong nasa harap ko.

"Ma'am ako na po." pigil ko sa kanya.

Bahagya naman siyang natawa at umupo sa katapat ko at tinitigan ako ng mabuti. Wari ay tinatantya ang isip at damdamin ko.

Huminga siya ng malalim at parang problemado.

Natigil ang munting pagsubo ko ng pagkain.

May problema ba?

Nagkatinginan kami ni Mam Alisa at ngumiti siya sa akin para matabunan ang sumisilip na alinlangan kanina.

"Kumain ka Summer. Mamaya, mag uusap tayo anak." she smiled assuredly.

Napatingin ulit ako sa kanya at napaisip. Muling ngumiti sa akin si ninang at hinintay na matapos ako sa pagkain.

"Tapos na po ako." deklara ko.

Ngumiti ulit siya at bumuntong hininga. "Maligo kana, hija. May pag uusapan tayo ng mga kamag anakan mo sa sala pagkatapos mo."

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at tinitigan ng malungkot, "Sasamahan kita, Summer. Wag na wag mong iisipin na mag isa kana sa buhay, okay?"

Tumitig ako sa kanya at biglang nakaramdam ng kaba.

Masakit man ang katawan. Naging mabilis ang pagkilos ko para matapos sa pag ligo at nagbihis ng isang long printed white tee-shirt, black leggings at slippers.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan doon ang ilang mga pamilyar na mukha ng ilang kamag anak namin ni lola pati narin si Mam Alisa.

Maingay sila bago ako lumabas, parang may pinagtatalunan. Tumahimik lamang nung mamataan akong lumabas ng aking silid.

Nagkatinginan silang lahat bago may nagsalita.

"Since, nadito naman na si Summer. Umpisahan na nating pag usapan ang mga bagay na dapat nating talakayin." tumayo ang pamangkin ni lolang lalaki na nasa edad limampu. May hawak itong baso na may lamang alak.

I remember him as Tito Peping. He's an engineer.

"Summer, umupo ka." utos sa akin ng isa pang kamag anak namin na punong puno ng kolorete ang mukha. I know her as Tita Beatrice.

A Rain In My Summer Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz