Prologue

706 16 2
                                    

Sa isang cruise ship na pagmamay-ari ni Thomas Nempril ginaganap ang isang malaking pagtitipon na siyang dinaluhan ng mga kilalang negosyante sa buong asya.

"Mr. Hayes, I'm glad that you make it." Sinalubong ni Thomas Nempril ang bagong dating na si Clay Hayes kasama ang asawa.

"And who's this beautiful lady?" Baling ni Nempril sa katabi ni Hayes.

"This is my wife, Suzanne Medina. Hon, this is Thomas Nempril the host of this party." Pakilala ni Clay sa asawa.

"And the owner of this cruise ship. Glad to meet you, Madam." ani ni Nempril saka hinalikan ang kamay nito. Napaismid naman si Clay.

Pagkatapos magbatian tinawag ni Nempril ang isang crew para i-assist ang mag-asawa sa kanilang mesa.

Sa kabilang daku, kausap ng mag-asawang Calibre ang isang negosyante na si Isagani Ledesma may ari ng isang pharmaceutical.

"Mrs. Calibre, If you invest in my business you will get triple in just a month." Pagmamayabang ni Isagani na hindi naman binigyang pansin ni Courage Hayes-Calibre.

"I will send you my proposal the day after tomorrow." Patuloy ni Isagani habang may ngiti sa labi. Sa isip niya nakabingwit siya ng napakalaking isda. Ang purpose ni Isagani sa pagdalo sa party ay ang makahakot ng mga bagong investor.

"I'm not interested in your d*mn business." Pagkatapos sabihin ni Courage ang katagang 'yon agad niyang tinalikuran si Isagani. Naiwan naman itong nakakatig sa papalayong Courage at nawala ang ngiti sa labi.

Agad namang sinundan ni Crisistomo "Chris" Calibre ang asawa.

"Mahal, ang harsh mo naman do'n sa tao."

Hindi na kumibo si Courage at nagtuloy-tuloy sa mesang naka-assign sa kanila. Nando'n na ang kambal na sina Trivor at Travis McCain kasama ang mga asawa na sina Mary Reena De Ocampo at Stephany Guevarra. At sina Clay at Suzanne Medina-Hayes.

Sa isang sulok may isang lalaking umiinom ng whiskey habang matamang nakatingin sa isang grupo na masayang nagkukwentuhan.

"Sulutin niyo na ang natitirang oras niyo sa mundong ito."

"Boss, ayos na po ang lahat. Tatlong-pong minuto na lang at sasabog na ang mga bomba sa bawat sulok ng barkong 'to." Bulong ng kanyang tauhan na siyang inutusan na maglagay ng mga bomba sa cruise ship.

"Mabuti. Ihanda niyo na ang yati. Aalis na tayo bago pa sumabog ang mga bomba."

...

"Good evening ladies and gentlemen. Thank you for-' Hindi natapos ni Nempril ang kanyang speech nang makarinig sila ng sunod-sunod na pagsabog.

Hindi magkamayaw ang mga bisita sa loob nang marinig ang pagsabog. Nag-uunahan sila sa paglabas ngunit bumungad sa kanila ang malaking apoy sa intrada ng function hall kaya na trap ang lahat sa loob. Puno ng iyakan at humingi ng tulong ang maririnig sa paligid habang unti-unting tinutupok ng apoy ang buong cruise ship.

"Sa wakas wala na sa aking landas ang Hayes-McCain Org." ani ng isang lalaki ang nakatanaw sa cruise ship na lumiliyab.

"Kayo naman ang isusunod ko Black Famiglia."

---
DKC

BLACK FAMIGLIAWhere stories live. Discover now