Chapter Two

194 9 0
                                    

"Ano? Ba't mo sinabi sa kanila? Nag-iisip ka ba?" Frustrated na ani ni Carl Peralta, ang assistant ng kasalukuyang boss ng HMO na si Travis McCain.

"Tama si Oliver. Ngayong wala na ang bosses paniguradong ang mga bata ang isusunod nila." ani ni Mike Ferrer, ang assistant ni Clay Hayes habang naka-de-kwatrong naupo sa single couch sa harap ni Carl.

"'Yan na nga ang sinabi ko. Mapapahawak ang mga bata." ani ni Carl at pasalampak na upo.

"At hindi natin hahayaang mangyari 'yon." ani ni Mike habang nagsasalin ng whiskey sa baso.

"Oliver, anong update sa pinapagawa ko?" Baling ni Mike kay Oliver na seryosong nakatitig sa laptop nito.

"Tama ang hinala natin. Ang bosses ang target ng insidenteng 'yon. Planado ang lahat mula sa inbitasyon hanggang sa pagpasabog ng cruise ship." ani ni Oliver.

"Octonuous Organization. 'Yan ang nasa likod ng pagpatay kina boss." Lumapit ang dalawa kay Oliver at nakatitig rin sa laptop ng huli.

"Ang Octonuous Org. ay binubuo ng siyam  katao. Ang head, ang nagpaplano at ang walong galamay ang siyang kumikilos para rito. Walang nakakakilala sa naturang ulo at sa mga galamay nito maliban kay Brendan Agustin na ipinalandakan sa madla na kasapi siya sa grupong 'yon." Pagpatuloy ni Oliver.

"Brendan Agustin? Di ba siya ang kakatagpuin ng baboy na hapon na si Tabayoshi? 'Yong pupuntahan ng grupo ni Adam ngayon?" ani ni Carl. Tumango si Mike.

Si Brendan Agustin ay anak ni Maximo Agustin na pinatay ni Chris Calibre noon. Nang malaman nina Mike ang transaksyon nito kay Tabayoshi ay nagplano agad silang apat para makuha nila ang mga armas na ninakaw ni Agustin mula sa HMO.

Napalingon silang tatlo sa pinto nang biglang bumukas ito at iniluwa si Adam Ventura, ang assistant ni Trivor McCain. Dire-diretso itong pumasok at tinungo ang bar counter.

"Anong nangyari sa lakad niyo, Adam." Tanong ni Mike.

Inisang lagok ni Adam ang isang baso ng whiskey.

"Bangkay na nang naabutan namin si Brendan Agustin sa abandunadong gusali. May tama ito sa noo at may nakaukit sa dibdib nito gamit ang matulis na bagay. Dalawang letra B at F. Wala na rin ang mga baril." Pagbigay alam ni Adam.

"Diba tayo na ang may access ng system ni Agustin. Paanong may nauna sa atin do'n at kinuha pa nila ang mga baril." ani ni Carl.

"Unless may nag-hack din sa system natin." ani ni Oliver. Hindi niya lubos maiisip na may nakalusot sa system nila.

"Sinong pamangahas ang nag-hack ng system natin? Hindi naman basta-basta ang security ng system natin, a." ani ni Carl.

"Hindi na ngayon dahil bumalik na sila." Seryosong ani ni Mike.

"Sinong sila?" ani ni Adam.

"Ang Black Famiglia."

-----

Earlier that night.

"Siyete, Otso, alam niyo na kung saan kayo pupupwesto bilang mga sniper." ani ni Uno.

"Areglado boss." Sabay na ani ng dalawa na may kasamang hand salute.

"Tres, bantayan mo si Tabayoshi." ani ni Uno.

"Kwatro, Sinco, kayo ang bahala sa paligid ." Baling naman niya sa magkapatid.

"Yes boss." Masiglang ani ni Singko habang hinahasa ang dagger na gagamitin niya mamaya habang si Kwatro pinupunasan ang Gloc19 9mm semiauto pistol.

"Sais, sumama ka kina Kwatro at Sinco." ani ni Uno.

"Dos, Siyam, kayo ang mata naming lahat." Nakakuha naman ng thumbs up si Uno mula sa dalawa.

"Siguraduhin niyong wala kayong makukuhang daplis sa katawan hangga't matapos ang gabing ito kundi malalagot kayo sa akin." Paalala ni Uno sa grupo. Ayaw niyang may masaktan isa sa kanila kahit na sobrang delikado ng ginagawa nila.

Pagkababa ng pito ng van agad na silang pumwesto sa lugar habang sina Dos at Siyam ay naiwan sa loob.

"Tres, Tabayoshi's car is entering the premises." ani ni Dos mula sa earpiece habang nakatitig sa monitor.

No'ng hapon na 'yon pasekretong pumasok sina Dos at Siyam sa loob ng abandunadong building na pagmamay-ari ni Agustin at nilagyan ng security camera ang bawat sulok nito.

"Siyete, Otso, may isang sniper sa fourth floor. Sa tingin ko tauhan ito ni Agustin." ani ni Siyam mula sa earpiece.

"Tamang-tama nasa fifth floor ako at kitang-kita mula rito ang sniper na 'yon." ani ni Otso.

"Agustin's car is entering the premises." ani ni Dos.

"Guys, may mga tauhan si Agustin na nakapaligid sa buong building." ani ni Siyam.

"Paano mo nalaman na kay Agustin ang mga tauhan na 'yan?" ani ni Tres.

"Alam ko lang at saka tuso 'yang si Agustin. Lahat gustong angkinin kaya hindi malabong  walang hocus-focus ang transaksyon na 'to." ani ni Siyam. Ni-research niyang maigi si Brendan Agustin at hindi naman siya nabigo dahil ito rin mismo ang nagbigay impormasyon tungkol sa sarili nang magpanggap siyang taga-census.

"Mukhang mag-eenjoy ako ngayong gabi." ani ni Sais habang kinakasa ang kanyang M16A4.

"Kami na ang bahala kanila." ani ni Kwatro.

"Sali kami riyan." Sabay na sabi nina Siyete at Otso.

"Hintayin muna natin silang unang kumilos." ani ni Uno.

-----

"Mr. Tabayoshi, I'm sorry were late." ani ni Brendan Agustin sa matandang hapon.

"Okey. Okey. Here's the payment. Where are my guns?" ani ni Hayato Tabayoshi habang pinapakita nito kay Agustin ang pera.

Sininyasan ni Agustin ang isang tauhan na ipasok na ang mga kahon na naglalaman ng iba't ibang uri ng armas at inilapag sa harap ni Tabayoshi.

Napapalakpak ang matandang hapon habang pinapabuksan ang tauhan ang kahon.

Biglang natumba si Tabayoshi at may tama sa noo nang buksan ang pang huling kahon. Bubunot pa sana ng baril ang mga tauhan ni Tabayoshi nang mauna sila ng mga tauhan ni Agustin.

"Ang bilis namang patumbahain ng mga 'to hindi man lang ako pinagpawisan. Ibalik niyo na 'yang mga kahon sa van." Utos ni Agustin sa mga tauhan. Agad namang kumilos ang mga tauhan at ibinalik sa sasakyan ang mga kahon.

Kukunin na sana ni Agustin ang bag na may lamang pera nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.

Humahangos na bumalik ang isang tauhan ni Agustin.

"Boss, kailangan na po nating uma-" Naputol ang sinasabi ng tauhan nang may lumabas na dugo mula sa bibig na 'to.

Dali-daling tumakbo si Agustin sa likod ng building para tumakas nang bumagsak sa harapan niya ang tauhan.

"And where do you think you're going?" Naglakad si Uno papalit kay Agustin.

Agad itinutok ni Agustin ang baril niya kay Uno habang ito'y papaatras.

Isa-isang lumabas ang magpipinsan at pinapalibutan si Agustin. Palipat-lipat ang tingin nito sa pitong tao na nakamaskara.

"Si-sino kayo? Wala akong kasalanan sa inyo."

"Kami ang Black Famiglia at ako ang papatay sa'yo." Walang anu-ano'y binaril ni Uno sa noo si Agustin na agad namang ikinamatay nito."

-----
DKC

BLACK FAMIGLIAWhere stories live. Discover now