Chapter Eleven

1K 29 0
                                    

ANIBERSARYO ng Hendrix International University at naimbitahang sumayaw ang buong HID. Malaking selebrasyon ang nagaganap at dahil sanay na doon ang mga estudyante kaya hindi na sila nagugulat sa dami ng mga kilalang tao na nagpe-perform sa bawat araw.

May solo performance ang Tinkerbell at Beat Movers sa anniversary party. Bukod doon, may performance din sina Iane at Sean dahil hiniling ni Mr. Hendrix na muli silang marinig na kumanta nang magkasama. Pinagbigyan naman ito ni Sean dahil hindi niya magawang sumagot. Hindi kasi niya sigurado kung handa na ba siyang muling mangako pagkatapos ay hindi lang sisipot ang kasama niya.

Nang matapos ang performance nila ay dumeretso silang dalawa sa greenhouse kung saan naghihintay ang mga kaibigan nila. After lunch pa ang performance nila kaya may oras pa sila para magpahinga. Hindi na din naman kasi pinapayagan ni Sean na masyadong mapagod si Iane.

Mas lalong naging attentive ang nobyo sa mga kailangan niyang gawin. Mas naging possessive pa nga ito ngayon kaysa noon pero ang kaibahan lang, naiintindihan na niya ang pagiging mahigpit nito sa kanya. Masyado lang kasi talaga siya nitong mahal at dahil ganoon din siya dito, paminsan-minsan ay napaghihigpitan din niya ang nobyo.

May pagka-clingy pa din siya pero kakatwang balewala na iyon kay Sean. Tinatawanan at niyayakap lang siya nito kapag nagiging clingy siya. Kung minsan pa nga ay halik ang iginagawad nito sa kanya na syempre pa, masaya niyang tinutugon.

"Sinabi ko na ba sa'yo ngayong araw na mahal kita?" tanong nito bago siya pinaunang papasukin sa loob ng greenhouse.

"Not yet." Umiiling na sagot niya. Isa sa mga nagbago sa kanila mula nang magkabalikan sila ay araw-araw na niyang naririnig mula sa binata kung gaano siya nito kamahal. Kung gaano ito ka-swerte na siya ang naging kasintahan nito. Kung gaano ito kasaya na muli niya itong tinanggap sa buhay niya. At sa tuwina ay natutunaw ang puso niya dahil sa labis na pagmamahal sa lalaking 'to.

Kung tutuusin, pareho lang silang masuwerte sa isa't-isa. Ni minsan kasi ay hindi niya naisip na may magmamahal sa kanya ng ganoon katindi at dahil ibinigay sa kanya iyon ng Diyos, hinding-hindi na niya pakakawalan pa ang suwerteng iyon.

Tumigil ito sa paglalakad dahilan para mapatigil din siya. Hawak kasi nito ang kamay niya. Hinuli nito ang mga mata niya at nagkatitigan sila. "Then, I love you so much, Diane Lim. Wala akong ibang babaeng mamahalin katulad ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo at kung wala mang forever, meron naman tayong lifetime para maiparamdam ko sa'yo ang pagmamahal ko para sa'yo. May kabilang buhay pa at sisiguruhin ko na tayo pa din ang magkakatuluyan doon. Always remember that, okay?" masuyong wika nito. Maging ang ngiti at tingin nito sa kanya ay masuyo din.

"I will, Mr. Anderson. Palagi ko pong tatandaan kung gaano po ninyo ako kamahal. And I love you too." sagot naman niya. Siya na ang naglapit ng mukha sa mukha nito at kung kailan lalapat na ang labi niya sa labi nito ay 'tsaka naman nila narinig ang tikhim na iyon dahilan para lumayo siya sa nobyo.

"Mamaya na ang lambingan. Quota na kayo, time out muna. Kumain na muna kayo para maka-isang pasada tayo ng practice bago ang performance." ani Sangmi. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanila. Nakaakbay dito ang nobyong si Moose. Habang ang ibang mga kaibigan nila ay nakasilip sa pinto. Lahat ng mga ito ay may ngiti sa labi habang nakatingin sa kanila.

Binalingan niya ang kasintahan at nagkibit-balikat. "Pasok na tayo sa loob." aniya dito. Nagpatiuna na siyang maglakad pero nakakaisang hakbang pa lang siya nang pigilan siya ni Sean.

Hindi na siya nakapagsalita dahil lumapat na ang labi nito sa kanya. Sandali lang ang halik na iyon pero agad gumapang ang pamilyar na init sa buong sistema niya. "I love you," he said between kisses.

Narinig na lang nila ang mga ungol at boos ng mga kaibigan nila ngunit balewala na iyon sa kanila. Nakabalot na naman kasi sila sa sarili nilang mundo.

"When the world, leaves you feeling blue. You can count on me; I will be there for you. When it seems, all your hopes and dreams are a million miles away, I will re-assure you.

"We've got to all stick together. Good friends, there for each other. Never ever forget that I've got you and you've got me, so... Reach for the stars. Climb every mountain higher. Reach for the stars. Follow your heart's desire. Reach for the stars and when that rainbow's shining over you. That's when your dreams will all come true.

"Don't believe in all that you've been told. The sky's the limit you can reach your goal. No one knows just what the future holds. There isn't nothing you can't be, there's a whole whorld at your feet. I said reach!"

Isang masigabong palakpakan na may kasama pang mga pito at sigawan ang nangyari pagkatapos ng performance ng HID. Isang satisfied na ngiti ang makikita sa mukha ng labing-apat na kabataan na kasalukuyang magkakahawak-kamay sa entablado habang kumakaway at nagpapasalamat sa mga nanonood sa mga ito.

Sa gilid ng stage ay nandoon si Aurora, may kuntentong ngiti sa labi habang tinitingan ang mga estudyante niya. Proud siya sa narating ng mga ito at walang duda na malayo pa at mas mataas ang mararating ng mga batang ito sa mga susunod na taon. Tamang patnubay lang ang kailangan ng mga ito.

Biglang sumagi sa isip niya ang kanyang mga kaibigan na hanggang nang mga panahong iyon ay hindi pa din niya nakikita. Kumusta na kaya ang mga ito? Nasa maayos na kalagayan na kaya ang mga ito? Malalaki na din siguro ang mga anak ng mga kaibigan niya.

Kung nagkikita-kita pa din siguro sila hanggang ngayon at mapapanood ng mga ito ang mga batang napamahal na sa kanya, siguradong magiging proud ang mga ito sa kanya at siguro, kung hindi sila nagkahiwa-hiwalay noon at itinuloy ang pangarap nila, baka katulad na din sila ng Beat Movers at Tinkerbell na unti-unting sumisikat sa mga kaedad ng mga ito.

Sana isang araw, magkita-kita din sila at siguro, puwede niyang hilingin sa mga ito na magkaroon sila ng kahit isang comeback performance lang sa isa sa mga anniversary party ng HIU. Doon din naman sila nanggaling lahat.

Malungkot siyang napangiti. Walang araw na hindi niya nami-miss ang mga kaibigan niya. Sana lang ay nami-miss din siya ng mga ito.

Sana, Lord.

-WAKAS-

🎉 You've finished reading Love Revolution 3: Iane, The Devoted Fairy [Published under PHR] (Complete) 🎉
Love Revolution 3: Iane, The Devoted Fairy [Published under PHR] (Complete)Where stories live. Discover now