Prologue

10 2 0
                                    


Wattpader.jpEg”

It all started when I was a Grade 8 student under the advisory of Miss Angelie Joy B. Dumanlag, Polaris, Section A, first section, cream section, mga alamat, legend, matatalino, mga sana all ampucha.

Nasa ikawalong baitang ako ng namulat ako sa mundo ng eBook.

Natatandaan ko pa noong na-admit si Lola Bolog dahil sa sakit pneumonia. Ako ang pinababantay ni Mama sa hospital para na rin daw makatulong man lang kay Lola bilang kapalit o bayad sa mga pabor na ginagawa niya para sa amin. Sa kanya kasi ako lumalapit kapag pinapalo ako ng mga magulang ko.

"Eh ba't ako pa Ma? Si Bosyang nalang! Tutal paboritong apo naman siya hindi ba?"

Inistorbo ako ni Mama sa paggawa ng bahay-bahayan sa ilalim ng lamesa namin dito sa kusina.

"Jaja pakiabot nga nung clip sa likod mo." utos ko sa pitong taong gulang na kapatid na busy rin sa paglalaro ng kanyang laruang Hello kitty. Wala namang laba!

"Nasaan?" tanong niya.

Umirap ako sa kawalan. Nandiyan na nga sa gilid niya hindi pa makita-kita. Agad akong tinampal ni Mama.

"Iniirap-irapan mo na ako ngayon Ada?!" feeling ko mapuputol na ang mga ugat ni Mama sa leeg kakasigaw sa aming magkakapatid. Mas matindi 'nga lang 'yung range ng boses niya sa akin. Nabasa niyo 'yun? Range!

"Ma... si Jaja ang inirapan ko.. Jaja pakiabot sabi ng clip! Sige pag hindi mo kinuha 'di ka na kasali ha! Bahala ka diyan!"

Mabilis niyang kinuha ang clip. Napangiti ako ng nakita ang resulta ng bahay-bahayan namin.

Sa huli, ako pa rin ang talo. Nakapangbihis na ako paalis at hinhintay nalang na iabot ni Mama ang kanin na babaunin ko papuntang hospital.

"Magiging boring sa hospital panigurado." nang-aasar na si Bonita sa akin. Siya dapat ang sasama 'eh, hindi dapat ako!

"Ewan, lumayo ka sa'kin baka mabato kita ng thermos."

Humagalpak ng tawa si Bonita at bumalik sa kakakulikot ng keypad na cellphone niya.

"Alam mo, i-open mo bluetooth mo." sabi na.

"Wala akong asul na ngipin, Bonita." matabang kong sabi kahit na alam ko kung anong tinutukoy niya.

"Baliw! Yung bluetooth sa cellphone mo! Bobo naman 'oh!"

Wala akong choice kung hindi kunin ang cellphone ko. Ibinigay ko sa kanya at tumunganga nalang dito sa labas ng bahay.

Ilang sandali ay binigay niya sa akin ang cellphone ko habang nakangisi sa'kin.

Creepy.

"Anong inilagay mo sa cellphone ko? Bold?" diretso kong tanong kaya agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Punyeta! Yung bibig ko Adelia!" she wrapped her arms on my neck and choked me.

"Punyeta mo rin!" hinampas ko siya. "Bitawan mo akong malibog ka!" sigaw ko para mapahiya siya.

Tss. Akala niya ba hindi ko napapansin na exagge ang haba ng password niya sa cellphone niya? Ha!

"Gaga! Tumahimik ka na nga!"

"Ano ba kasi 'yung nilagay mo sa cellphone ko?" kinalikot ko na rin ang cellphone ko pa i-check kung may porno ba o kung ano. Wala naman! Thank God!

Something Special Between Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now