Chapter 5

219 7 0
                                    

Chapter 5
Understand Him

Nalungkot ako nung sinabi ni Chan na hindi sila magtatagal rito dahil gusto nilang magbakasyon. Although this time, hindi na raw sila magkasama.

Si Kuya (hehe) Basty ay magbabakasyon sa Maldives kasama 'yung mga kaibigan niya. Tapos si Ceres ay pupunta ulit sa Cebu. Gusto na atang tumira 'don. Hindi siya pinayagan ng papa niyang mag-out of the country dahil wala raw siyang kasama.

"Papa naman... twenty na ako. Gusto ko pong pumunta sa France!" Kausap niya ngayon si Sir Sebastian, 'yung papa nila.

Since naka-loudspeaker 'yung phone niya, narinig namin ang reply ni Sir. "I know your age, young lady. Stop reminding me about that. This is for your own good. Kung gusto mong mag-out of the country, samahan mo ang kuya mo."

"But I don't like either of them po!"

Nakita kong umirap sina Crash at Basty. "We don't like you, either," mahinang sabi nila dalawa. Mukhang nagkakasundo naman sila. Except kay Ceres. I understand her.

"Isusumbong kita sa ate mo," rinig naming sabi ng papa niya. Nanlaki ang kanyang mata. Ngumiti lamang si Chan.

"Pero pa, paborito po ako ni ate. Hindi niya po ako papagalitan." Ngumuso siya. Napatawa ng mahina si Chan. "And have you seen your ate really mad?"

Napatingin siya kay Chan. "H-hindi pa po."

"That's the point. Hindi mo pa nasaksihan ang pagka-amazona ng ate mo kaya hindi ka natatakot. Paborito ka niyan pero pati kami ng mama mo, pinapagalitan niya." Napatawa si Chan.

"Pa naman. Naglalambing lang po ako sa inyo," sabi ni Chan. Napatawa si Sir sa kabilang linya. "Cerise, I know you understand me. Paki-disiplina nalang ng bunso natin. Hindi nakikinig sa akin, eh."

Then, the call ended. "Baby, please understand the situation. Alam kong hindi niyo kayang i-handle ang consequences ng inyong mga actions kaya ko laging ako ang namomroblema."

"Kaya hindi ka pa po nakakapag-asawa, eh." Mahinang sabi ni Kuya Basty. Ay naku, nagku-kuya pa. Kilig naman!

"What's wrong with being single?" Medyo seryosong tanong ni Chan. Agad na napalunok si Crash. "I don't need another male human being to sustain my happiness. Masaya na ako before I met any of them."

"S-sorry for bringing up the topic po..." Mahinang bulong ni Basty. Here's with the formality again. Talagang nirerespeto nila 'yung ate nila. Nakaka-amaze.

Napabuntong-hininga si Chan. Hindi ko alam kung paano pero nakita ko ang namumula niyang mga mata. Parang pinipigilang umiyak. "I moved on already..." Mahina niyang sabi.

"Excuse me po." Tumayo si Crash. Napatingin kaming lahat sa kanya. "I think I have to u-use the bathroom." Yumuko siya at saka mahinang umalis.

Napabuntong-hininga sina Chan at Kuya Basty. Napataas naman ang kilay ni Ceres. Baka may hindi siya nalalamang sikreto. Gusto kong malaman 'yung nakaraan ni Chan pero mukhang masyadong private.

"Also, Astors do not take dating seriously." Napangisi siya. "And I'm aware that everybody else knows that."

Kaya naman pala ang lalandi nila. No offense pero hindi naman siguro normal na may kahalikan siyang lalaki na hindi naman niya boyfriend.

"I'll be going out for work. Umalis lang ako saglit sa firm because my secretary told me you already came back. I thought you'll be back by night. Napaaga ata?" Ngumuso ng sabay silang dalawa. Syete! Ang cute ni Kuya Basty!

"I got bored po."

"He's boring po."

Kailan ba sila magkakasundo? Parang ayaw kasi nila sa isa't isa. Mabuti pa 'yung dalawang lalaki, parang pareho pa ng interest. Lalo na't pareho silang nagp-post ng mga poster ng mga nakahubad na babae. Pwede naman sigurong sa phone nalang o sa laptop. Bakit kailangang i-post sa wall?

Ang Pangit Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon