Chapter 12
Under a lovers' sky
Gonna be with you
And noone's gonna be around
If you think that you won't fall
Well just wait until
Til the sun goes down
Underneath the starlight - starlight
There's a magical feeling - so right
It'll steal your heart tonight
You can try to resist
Try to hide from my kiss
But you know
But you know that you can't fight the moonlightAnong can’t fight? Hah! Ang laking ASA! Never! As in never akong maiinlove sa kanya. Aaaahhhh. Umikot ulit ako sa kama ko at pinikit ng madiin ang mga mata ko. Baka mawala sa isip ko ang pagmumukha ni Luke.
Deep in the dark
You'll surrender your heartNever! Sinabi ko ng never? At anong surrender? There is nothing to surrender kasi in the first place hindi ko naman siya talaga gusto. Naiinis ako sa kanya at mas lalo akong naiinis kasi obvious na obvious na boto sa kanya sina Mommy at Daddy at nakikikuntsaba siya kay Kriztian or baka si Kriztian ang nakikikutsaba sa kanya just to spite me. Pero Rayne, bakit iniisip mo siya ngayon? Bakit parang ramdam mo pa din ang halik niya sa pisngi mo?
But you know
But you know that you can't fight the moonlight
No, you can't fight it
It's gonna get to your heartGet to your heart ka dyan! Hah! Hindi ako padadala sa mga pambobola mo Lucas. Kilala kita. You are just playing around. Pero… paano nga kung totoo Rayne? Can you prove that he is not serious? Ayyy bwisit! Yan pa ang nakakaasar! Bakit kailangang ako ang magprove na hindi siya seryoso? Paano ko gagawin yun?
There's no escape from love
Once a gentle breeze
Weaves it's spell upon your heart
No matter what you think
It won't be too long
Til your in my armsI shivered at the image that formed in my mind. Luke’s arms embracing me tapos nakaembrace din ako sa kanya and we are both smiling blissfully. Waaaaahhhh! No way! Cannot be! Borrow One. Hindeeeeeeee! Erase! Erase!
Underneath the starlight - starlight
We'll be lost in the rhythm - so right
Feel it steal your heart tonightYou can try to resist
Try to hide from my kiss …Leche! Binato ko ang player ng unan at sinabunutan ang sarili ko. Ba’t ba hindi ko siya makalimutan? Bakit hanggang sa pagtulog ko iistorbohin niya ako? Bakit naaalala ko ang mga nangyari like it just happened minutes ago? At bakit pabalik balik sa isip ko ang halik niya sa kotse at ang halik niya kanina? Naaadik na ba ako? Baliw na ba ako? O inlove na ako kay Luke? Waaaahhh!
Baliw nga lang talaga siguro ako o kaya naaadik. Tama! Yun nga siguro ang dahilan. Umayos ulit ako ng higa at pinikit ang mga mata ko. Dapat makatulog na ako. Alas dos na ng madaling araw. Tatlong oras na akong nakahiga at nagpapakabaliw dito. At siguro nga katulad na lang ng kanta that you can’t fight the moonlight, you can’t also fight sleep because by some miracle after a few minutes I was already doozing off and on my way to dreamland.
The sad thing is, when I woke up the next day, I remember dreaming about Luke and I can still remember the overwhelming happiness that was brought by that dream. Siguro naman nakapanaginip na kayo na parang ayaw niyong matapos kasi ang sarap ng feeling. Na kahit nagising ka na matutulog ka ulit para ituloy ang panaginip na yun. Yun kasi ang nangyari sa akin kaya siguro tanghali na ako nagising. Pero siempre, hindi ko iniisip na yun ang dahilan.
Bumaba na ako para kumain ng mga 2PM na kasi nagutom na talaga ako. Pumunta ako sa may pool side at doon nagpadala ng pagkain ko. Oo may pool kami. Mayaman kami eh! Wahahaha! Wala daw sina Mommy at Daddy kasi nagdate. Si Kriztian naman, wala din kasi… ahhhh.. hindi na ako interesado sa mag activities niya.
Sarap na sarap ako sa kinakain ko nung may tumikhim sa likuran ko. Napalingon ako which I wished I didn’t do dahil pagmumukha ni Luke ang nasilayan ko.
“Ano yan meryenda?” Sabi niya na nakaupo na agad na harap ko. Talagang hindi na naghihintay na paupuin ano?
“Lunch.” Sumubo lang ako ulit at hindi siya masyadong pinansin. Pero ang totoo, parang hindi ako makatingin sa kanya at hindi ko alam ang dahilan. Nakakaasar.
“Bakit late ka na naglunch?” Ay concerned? Paki ba niya?
“Late ako nagising.” Tipid na sagot ko at hindi ko din alam kung bakit sinasagot ko siya ng matino at hindi ko siya matarayan ngayon? Nababaliw na talaga ako. O baka naman dahil naaarawan siya at nagmumukhang translucent ang mukha niya kaya hindi ko siya matarayan kahit wala namang koneksyon ang mga pinag iisip ko. Makaisip lang ng dahilan ano?
“Napanaginipan mo ako ano?” Napatigil ako sa pagsubo. Biglang nag init ang pisngi ko. Napatingin ako sa kanya na ang laki ng ngiti. Paano niya nalaman?
“Oiiiiiiii! Totoo!” Lalong lumaki ang ngiti niya at lalong nag init ang pisngi ko. Aaammmmp!
“Hi-hindi ah! Bakit naman kita mapapanaginipan? Baka bangungot! At bakit ba andito ka!? Istorbo ka sa pagkain ko!” Inirapan ko na. Kapal ng mukha ha. Tsaka nakakainis na alam niya na napanaginipan ko siya.
“Napadaan lang kami nina Mommy at Daddy dito. May pupuntahan kasi kami. Sumaglit lang ako kasi may ibibigay ako sayo. Nasa kotse sila sa labas.” Weh? Kasama niay sina Tita Joanne at Tito JC? Ang pogi na si Tito JC?
“Kasama mo pala sila, bakit ka pa pumunta dito?” Nakakahiya naman. Tsaka ba’t di sila pumasok?
“May ibibigay nga kasi ako sayo. Teka lang.” Tapos tumakbo na siya palabas ng pool at pumasok ulit sa bahay namin. Tapos paglabas niya ulit may bitbit na siyang isang balloon na kulay blue.
“Ito.” Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang irereact ko habang nilalapag niya isa isa sa harap ko ang mga bitbit niya. Una niyang nilapag sa harap ko ang tatlong pirasong chocnut, tapos yung isang pirasong familiar na pink rose na medyo basa pa at hindi magada ang pagkakaputol at may tinik pa, tapos ang baloon.
“Buti na lang palaging may baong chocnut si Mommy sa kotse. Hehehe.” I blinked plenty of times habang nakatingin sa rose. Halos hindi ko mapansin ang sinabi niya.
“Pinutol mo ang rose ni Mommy sa garden!?” I was dumbstucked upon realizing kung bakit familiar ang rose. Shit! Luke is gonna be dead pag nalamn ni mommy na may pangahas na pumutol ng bulaklak niya.
“Wala kasi akong makitang bulaklak na maganda. Alangan naman sa calachuchi ang ibibigay ko sayo.” What the heck!
Maglilitanya na sana ako kung paanong isusubong ko siya kay Mommy at magagalit si Mommy sa gagawin niya nung may marinig kaming busina sa labas. Naiinip na sina Tita.
“Sige aalis na ako. Bye.” Tapos tumakbo ulit siya palabas ng bahay. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya tapos sa mga dinala niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Lalo na nung mapunta ang tingin ko sa blue na balloon at mabasa ang nakasulat:
‘Happy 1st Birthday Jacob.
Love,
Mommy, Daddy and Jollibee.'
BINABASA MO ANG
Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)
Teen Fiction“You chose the hard life, I chose to love you.” Ara Loraine “Rayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPierre Zamora Cariño has her heart. And he chose to break it. She chose to run away from everything. She’d moved on and he’s still stuck. ...