Chapter 29

581 19 10
                                    

Chapter 29 

Chanyeol's POV 

Masaya silang tatlo na nagtatawanan sa baba. Nandito ako sa itaas, pero nakasilip sakanila. Nakikita ko kay baekhyun na malungkot siya para kay chen hyung. Nakikita ko na may care siya kay chen. Baka nga mahal niya na si Chen. Siguro nga napantayan na ni chen yung pag-mamahal ko sa kanya. 

Sana... Sana ako nalang si Chen. 

Pero hindi mang-yayari yun, siguro nga kailangan ko ng tigilan si Baekhyun. Mahal ko siya, pero magiging masaya siya kay Chen. Kaya ipapaubaya ko na siya kay Chen. 

Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at humiga. Kahit hindi na ako mahal ni Baekhyun, gusto ko pa rin mabuhay. Ayoko pang mawala sa mundo, At ayaw kong iwanan ang mga pamilya ko dito. 

Kaya napag-isip isip ko na kausapin si Suho hyung. 

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si suho hyung na papasok na sana sa kwarto niya, pero mabilis ko siyang tinawag. 

"Hyung!" Sigaw ko, agad naman siyang napatingin sa akin. 

"Oh yeol? Bakit?" Tanong niya. 

"Gusto sana kitang maka-usap hyung." 

"Ah, tungkol saan?" 

***

Pumasok kami dito sa kwarto niya. Gusto ko kasi, wala munang makarinig. Gusto ko muna una makaalam.

"Yeol, tungkol saan ba?" Tanong niya, huminga ako ng malalim bago sumagot. 

"Hyung, K-kelan ba ooperahan si Chen?" Tanong ko. 

"Ah, Malapit na. Next week na! Bakit?" Takang tanong niya. 

"Hyung... Sasabay ako sakanya!"  Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin 'yon. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni hyung. 

"Sasabay ka? Gusto mo rin pumasok doon sa OR habang inooperahan siya? Hindi pwede yeol! Isa lang daw pwede, At si Baekhyun yun, sa labas lang daw tayo!" Pucha! Akala ko naman naiintindihan niya ang ibig kong sabihin! 

Kumamot ako sa ulo, "Hyung! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Sagot ko. Ka-azar naman o! 

"Huh? Eh ano ba?!" Kita ko kay hyung na naguguluhan din siya, Tsk tsk. 

"Hyung, makinig kang mabuti ah? Sasabay ako kay Chen kung kailan siya ooperahan! Hyung may sakit din ako!" Seryosong sabi ko. 

Promise [BaekYeol FanFic] Where stories live. Discover now