CHAPTER 23

47.7K 1.6K 319
                                    

CHAPTER 23






"Fine, just fucking go home before five. Ayaw kong malalaman na may kakausapin kang kahit sinong lalaki." Bilin ni Luther bago kami sumakay ni kuya Klaus sa sasakyan niya.








"DRISHTI?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.





"J-Jack?" Nauutal na tugon ko nang makita siyang may tulak-tulak ring pushcart.







Nandito ako sa supermarket dahil pinayagan ako ni Luther na ako na ang mag-grocery sa amin, pinasama niya sa akin si kuya Klaus na ngayon ay nasa entrance ng store dahil may tumawag sa kanya sa cellphone.






"Kumusta ka na? I haven't heard so much about you, teacher ka na raw sa Montesorri?" Tanong niya, huminto siya sa harapan ko at nakangiti habang nakikipag-usap sa akin.






Awkward naman akong gumanti ng ngiti, "A-Ah, oo. Pero naka-leave ako ngayon, pahinga lang." Wika ko.






Napatango siya, "U-Uhm, Drish. I know this is awkward but can we talk?" Tanong niya.





"Wala na tayong dapat pag-usapan, Jack." Wika ko at akmang tatalikod nang hawakan niya ang braso ko.





"P-Please, Drish. I want closure." Sagot niya nang may nangungusap na tinig.





Bumuntong hininga ako at nilingon muli siya, "Dito na lang, busy akong ta--"





"Why did you broke up with me?" Takhang tanong niya.





Naalala ko ang lahat, sa text lang pala ako nakipag-break sa kanya nang hindi sinasabi kung bakit gusto kong makipag-kalas. Pagkatapos no'n ay wala na akong balita sa kanya at gano'n din siya sa akin.





"Hindi mo ba talaga alam o magaling ka lang magpanggap?" Bakas sa tono ko ang sarkasmo kaya mas lalo siyang naguluhan.





"Hindi alam ang ano?" Takhang tanong niya, mapakla akong napatawa dahil sa inaakto niya.





"I swear, Drish. Wala akong ideya sa sinasabi ko." Sagot niya.





Agad ko siyang sinampal ng malakas dahilan upang mapalingon sa amin ang kasabay naming shoppers na may tulak-tulak ring pushcarts at bitbit na baskets.





"You cheated on me, Jack! Niloko at pinagpalit mo 'ko sa sekretarya mo! Sa tingin mo ba ay hindi ko alam 'yon?" Mapakla ang boses ko habang kinokompronta siya.





Napaawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tinignan ako, "D-Drish.." tawag niya.





Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisnge ko nang maalala ulit kung paano niya ipulupot ang kanyang braso sa bewang ng babaeng kalandian niya.





"Ano, hindi mo pa aaminin?" Tanong ko.





Umiling siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko, "Drish, hindi kita niloko!" Aniya.





Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Someone set me up that time! I was drugged that I don't know what I'm doing, maniwala ka sa akin, Drish. After no'n ay tinanggal ko siya bilang sekretarya ko dahil mahal kita at hindi ko kayang lokohin ka." Paliwanag niya. Ang kaninang magulo kong pag-iisip ay mas lalong gumulo sa pinagtapat niya.





Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi niya, may parte sa akin na gustong maniwala ngunit may parte sa akin na nagsasabing kahit maniwala ako ay wala na akong magagawa dahil may anak na ako at mahal ko ang ama ng anak ko.





PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now