Chapter 3:The day before leaving

481 17 0
                                    

Nagising si Tavia dahil sa ingay na naririnig niya mula sa labas ng kanyang kwarto.Umaga na pala ng tingnan niya mula sa bintana ang nakasiwang na liwanag mula sa makakapal na kurtina.Tumayo siya at nag-ayos sa sarili bago bumaba.

 

Naabutan niya ang mga katulong na gumagawa na ng kanilang mga trabaho.Diretso siya sa kusina at nakita niya si Lulu sa lamesa at nagkakape.

 

“Good morning,Lulu” bati niya rito.

 

“Good morning too Tavia, halika at samahan mo na akong mag-almusal” ngiting-ngiti si Lulu sa kanya at tinawag ang katulong upang ipaghanda na ang mga pagkain sa mesa.

 

“Siya nga pala simula bukas sa Myrmidon Academy ka na tutuloy.Ihahatid kita bukas.Kailangan mong pag-aralan ang mga tama at hindi tamang gawin sa mga ability Tavia.” saad ni Lulu sa kanya habang kumakain.

 

“Myrmidon Academy? Diba dun nag-aaral ang mga galing sa Parthley Fort at Pendragon Palace ? Hindi ako isang dugong bughaw o kung ano man Lulu.Isa pa napakamahal para duon ako magsasanay.Wala bang ibang lugar ?”

 

“Mas mabuti na sa pinakamagaling na academia ka mapunta Tavia.Diba sabi ko rin sayo na ako na ang bahala ? Wag mo ng problemahin ang pangbayad mo academia kaya kong bayaran iyon.Kaya ikaw dapat kang mag-aral ng mabuti doon.”

Isang malalim na hininga ang sinagot niya rito.Hindi na siya pwedeng umangal dahil ito lang ang makakatulong sa kanya.

Magdamag na nagpapahinga si Lulu sa kwarto niya kaya wala ring nagawa sa bahay si Tavia, matapos niyang paliguan ang kanyang kabayo ay umakyat na siya sa kwarto niya at natulog.

Myrmidons AcademyWhere stories live. Discover now