Textmate Lovestory (One-shot)

1.1K 22 13
                                    

Isang linggo nang nakakalipas ng mabasted si CHAD sa kanyang nililigawang si JULIA. Halos dalawang buwan din nya itong niligawan. Araw araw ay hatid't sundo nya ito. Araw araw din syang may dalang ROSAS at TSOKOLATE na ikinaubos na ng allowance nya, pero isang araw ay kinausap sya ni julia at yun na nga ang pangbabasted nya kay chad. Nagkabalikan na daw sila ng EX nya at humihingi sya ng paumanhin sa "pagpapaasa" nito sa kawawang Chad.

isang linggo nang nakamukmok sa kwarto nya si chad. Akala pa man din nya ay malaki ang pagasa nya kay julia pero mali pala.. sa totoo lang, may itsura itong si chad. matangkad, maputi, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, mapupula ang labi, at makisig na pangangatawan. Maraming nagkakagusto sa kanya pero sadyang "pihikan" sya. Minsan lang tumibok ang puso nya, pero ito nga ang nangyari. BASTED.

Isang araw, dumating ang pinsan ni chad na si PAO. parang magkapatid na ang turingan nila sa isa't isa, kaya nang nalaman ni pao na nabasted ito agad itong pumunta kay chad. Si pao kasi ang nagpursige kay chad na ligawan si julia kaya parang may guilt sa puso itong si pao dahil kung hindi dahil sa kanya hindi nagkakaganito ang pinsan nya.

"tol, ayos ka na ba?.." tanong ni pao

"muka ba akong okay, tol.." sagot ni chad

"tol naman eh, sorry nga pala.."

"bakit ka nagsosorry?.."
"eh, ako ang nagsabi sayo na ligawan yang si julia eh"

"sus! wala yun noh..okay na ko"

"lol! okay ba yang ganyan ang itsura?.. patawa ka dre?.. haha"

"gago! basta okay na ko.. tapos!.. anu nga ba ginagawa mu dito?.."

"eh naguguilty nga ako sa ginawa ko... anu tara gimik tayo?"

"wala ako sa mood!"

"dali na! minsan lang eh"

"ayoko nga.."

"tara na!!!!!!!!!!!" sabay kiliti kay chad.

"AYY!!! ANN- ANO BAAAAA!!!! PAAAAOOOOOOO!!! NAK-NAKIKILITI AKOOOO!!!!!!" sabi ni chad na nagpupumiglas

"ano!!!!!! lalaban ka! lalaban ka!"

"sira ulo ka!!!!! hahaha"

"hahaha!! anyway ano?.. panu ba ako nakakatulong sa paghilom jan sa puso mong sawi!" sabay higa sa kama

"wala! wala kang matutulong.."

"sus! ulol! ako ata ang expert sa mga pusong sawi!!"

"papa jack?!"

"lol! oo nga!"

"sige! sige! (sabay upo sa kama) panu mo ako matutulungan"

"sus! dude! dali dali.. kailangan mu lang naman eh may bago kang pagkaabalahan.. para hindi mo sya laging naisip"

"anu gagawin ko?.."

"teka.. isip ako....hmm.. trip mo bang nakipagtextmate??.."

"huh?! ayos lang.. bakit bibigyan mo ako?.."

"pwede..."

"sira ka.. baka jejemon yan ha! hahaha.. eh sino naman bibigay mu?.."

"teka.. hanap ako sa phonebook ko...(kinuha ang phone at naghanap ng pwedeng textmate ng pinsan).. ITO!!! perfect to!"

"ano?.."

"ito oh..type mo to ha.. 09167346181.."

"(habang tinatype) sino ba to tol?..."

Textmate lovestory (One-Shot)Where stories live. Discover now