CHAPTER 1: vowelle

30 3 8
                                    

Isang araw, gigising ka na lang nang may tanong sa sarili kung ito bang nakita mo sa iyong panaginip ay makakatulong sa mga problemang kinahaharap mo ngayon o hindi. Kung dapat bang pansinin o hayaan na lamang. Kung dapat bang aksyunan o kalimutan. Pero sa pag-lipas ng araw ay maiintindihan mo rin na ang mga panaginip na ito ang tanging makakatulong sayo para makita ang katotohanan. Handa akong managinip, masagot lamang lahat ng aking katanungan.



Ako si Vowelle. Pangkaraniwang teenager na nabubuhay sa mundo. All I ever wanted is to have a peaceful life, yun lang. Di ko na kailangan ng magagarbong bagay. Di ko kailangan maging mayaman. Para saan ba ang pagiging mayaman kung magulo naman ang buhay mo. Pa'no ko nasabing magulo ang buhay ko? Simulan natin sa pamilya namin. Kung titignan mo ang bawat isa dito, mukha naman silang mababait. But once you knew them personally, you'll start to feel the same way I do. Siya si Roland, tatay ko. Siya na lang ang nag-aalaga sa amin simula nang mamatay si Mama. Nag-abroad si Mama, bata palang ako. Siguro 4 or 5 ako that time habang si Consoe kakalabas pa lang sa sinapupunan ni mama. As you can see based sa mga letters yung names namin. Vowels and Consonants, wala lang share ko lang. Wala kaming narinig tungkol sa kaniya mula nung umalis siya dito sa Pinas. No calls. No texts. No chats. Walang Velma na nagparamdam maging hanggang ngayon.




Maraming nagsasabing swerte kami dahil may natira pang tatay na nag-aalaga samin. Pero what the? Ang defenition ba ng swerte ay yung magkaroon ka ng tatay na sugarol at ma-bisyo? Kung yun ang pamantayan ng mga tsismosa naming kapitbahay dito, kunin niyo na 'to, siguro mas swerte kayo kung sainyo siya mapupunta. Kaya naming mabuhay ni Consoe nang kaming dalawa lang. Kaya ko siyang buhayin. Sabihin niyo nang mayabang ako pero nagsasabi ako ng totoo.



Siya naman si Consoe. Kapatid kong lalaki. Mas bata sakin. Di kami close dahil sa maraming bagay. Mahilig siyang mangi-alam sa buhay ko tulad ng maski pag-punta ko lang sa bahay ng kaklase ko para gumawa ng project, sinusumbong niya. Pero kahit ganon mahal ko tong si Consoe. Siya nalang ang tinuturing kong kamag-anak dito. Wala naman na kaming connection sa side ni mama after niyang mawala. Nag fa- family gathering pa rin sila pero wala nang kami. Tinanggal na nila kami sa pamilya nila kaya tatanggalin ko na rin sila sa mga tinuturing kong pamilya.



Speaking of pamilya, maski kasama ko tong sila Tito Erwin at Tita Evelyn, wala lang sila para sakin. Isa sila sa dahilan kung bakit nagka-ganito ang buhay namin. Nagkanda-hirap kami dahil sa kanila. May business kami dati na si Papa ang nagpapa-lakad. Grocery yun. Malaki na siya. Napalago na siya ni Papa kahit wala na si mama sa tabi niya. Pero dumating 'tong pamilya nila Tito Erwin then boom! Sira ang buhay namin. Lahat ng meron kami nawala nang isang iglap nang magsimulang ipasok ni Papa sila Tito Erwin bilang business partners. Di ko lang talaga mawari kung bakit dito pa rin yung mga taong 'to nakatira kahit na napaka-laki na ng kasalanan nila sa pamilya namin. Yan ang gusto kong malaman, pero kahit ilang beses kong pilit itanong kay Papa, pilit rin niyang iniiba ang pinag-uusapan.



Sa ngayon. Isa sila sa bumubuhay samin. Sila ang nagpapakain samin ngayon dito sa bahay. Sila lang kasi ang may trabaho dito. Sa taas ng pride ko'di ako kumakain sa bahay. Sa school na ko kumakain at pag-uwi ko sa gabi ay diretso kwarto na agad ako. Ayoko kumain ng pagkaing galing sa kanila. Lalo na kung nakabantay pa yung bwiset nilang anak na si Eve. Akala mo utang na loob pa namin yung pakainin nila kami. Di niya alam nakatira siya dito sa puder namin. Sa puder NAMIN. Lahat ng bagay na nakukuha ng pamilya ko galing sa pamilya nila, lahat yon nakalista sa maliit na diary niya. Akala niya 'di ko siya nakikita pag binubuksan niya ito bago kumain ng almusal sila Papa at Consoe. Mga almusal ni Consoe, pang-yosing inutang ni Papa lahat yon nakalista. Ewan ko, para siguro pag nagkagulo may isasampal sila samin. Pero 'di nila alam nakalista rin ang taong paninirahan nila dito at kinonvert ko na yon kung ilang buwang upa yon. Akala nila makwekwentahan nila kami. No dear, no.



DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon