Chapter 4

241 8 0
                                    

Kara's pov

"Hi" bati ko kay Jackson tsaka umupo sa harapan nya. Break time namin kaya nasa canteen kami.

"Ikaw na naman" masungit nitong sagot sa akin.

"Sungit mo naman, di ba pwedeng mag chill ka muna?"

"Sinusundan mo ba ako?"

"Hindi noh, di ba pwedeng napa daan lang ako dito?"

"Hayst ano bang kailangan mo?"

"Wala naman, gusto ko lang naman makilala ka eh"

"Bakit?"

"Gusto lang naman kitang maging kaibigan"

"Alis na ako"

"Na naman?" aniya ko at tuluyan nang umalis si Jackson.

Ano bayan, bigo pa din akong kausapin sya. Kailan ko kaya sya makakausap nang maayos?.

"Huy Kara kanina ka pa dito" aniya ni Jan at umupo sa tabi ko.

"Ah hindi naman, bat parang mag isa ka lang? Asaan si Sheena?"

"Paparating na din yun may tinatapos lang"

"Ahm Jan may tanong ako?"

"Ano yun?"

"Diba close naman kayo ni Jackson, ano yung mga hilig nya?"

"Bat mo naman natanong yan?"

"Gusto ko kasi syang makilala"

"Yun lang ba talaga?"

"Oo"

"Ahm kung gusto mo sya makausap, punta ka dun sa dorm namin, rooftop or gym kasi yun lang naman yung pinupuntahan nya. Tapos medyo mahilig sya sa matatamis at medyo ayaw nya naman sa maanghang"

"Sige salamat, alis na ako" aniya ko at umalis na, pumunta ako dun sa gym dahil may practice sila. Kumuha ako nang tubig tsaka towel at lumapit sa kanya sa bench.

"Oh inom ka muna tsaka punasan mo yang pawis mo" aniya ko at umupo sa tabi nya tsaka inabot yung dala ko.

"Salamat, anong ginagawa mo dito? Diba may klase ka?"

"Oo pero vacant naman eh tsaka gusto ko kasing panoodin ka mag laro" mag sasalita pa sana sya kaso bigla syang tinawag nang coach nya.

"Jackson! Game na!" sigaw nang coach kaya naman agad na syang tumayo.

"Dito ka lang ha" aniya nito kaya naman tumango nalang ako.

Pinanood ko lang sya buong oras, as in sa kanya lang ako nakatingin. Ang galing nya kasi, lagi syang nakaka shoot, magaling din sya kumuha nang bola sa kalaban at ipasa ito.

"Boyfriend mo ba si Jackson?" aniya nang coach nila at tumabi sa akin.

"Hindi po, bakit?"

"Alam mo simula nung dumating ka dito sa university, eh kakaiba na yung kilos nya. Mas lalo pa syang gumaling kesa noon"

"Ano pong ibig sabihin nyo?"

"Dati kasi pag mag lalaro sya eh, seryoso sya o hindi naman pag nag kamali ka magagalit sya agad at titiningnan ka nang masama lalo na pag finals. Tapos ayaw na ayaw nyang may gumagalaw nang gamit nya, gusto nya maayos at malinis"

"Grabe naman po pala yung ka sungitan nya noon" aniya ko at tumingin kay Jackson.

"Ay sinabi mo pa iha, kaya nagulat ako kanina nung dumating sya dito. Nag pahiram sya nang gamit nya tapos pag nag kamali yung ka team mate nya pag sasabihan nya lang ito" sambit nang coach nya. Nahuli kong naka tingin sa akin si Jackson at agad ding umiwas ito.

Ilang minuto pa ang nag tagal yung practice nila, medyo inaantok na ako pero kakayanin ko naman. Medyo umaambon na nung matapos yung practice nila. Umuwi na yung iba, kaya naman kaming dalawa ang naiwan dito sa gym.

"May dala ka bang payong?" tanong nito habang naka suot na nang pamalit nya.

"Sa tingin mo?" masungit kong sagot kaya sinungitan nya din ako nang tingin.

"Nag susungit na naman sya" panunukso ko sa kanya pero wala pa din syang imik.

"Huy, nagalit ka ba? Sorry na oh, wag ka nang magalit. Di nayan magagalit hahahahaha" patuloy kong tukso sa kanya kaya naman natawa sya.

"Baliw ka talaga" sabi nito at napa iling nalang.

"Oo baliw sayo, char hahahahaha"

"Ganyan ka ba talaga?"

"Ang alin?"

"Masayahin"

"Ah oo kasi pag naman malungkot di ba parang may namatay lang kaya naman, wag ka nang mag sungit noh. Mag enjoy ka naman sa buhay mo, makipag socialist ka. Tsaka bagay sayo yung palaging naka ngiti" aniya ko kaya naman tumingin sya sa labas.

"Mag gagabi na pala tara uwi na tayo" pag iiba nito sa usapan.

"Eh umuulan pa, pano tayo makakauwi nyan?"

"Noh kaba pwede naman kitang kargahin tsaka suot mo tong jacket" aniya nito at ini abot yung hoodie nya.

"Pano ka?"

"Noh kaba kaya ko naman, siguro naman di ka mabigat?"

"Ay grabe ka, napaka sama nang ugali mo?"

"Ano pili ka maiwan ka dito o bububatin kita?" aniya nito at medyo bumaba tsaka tumalikod sa akin.

"Ayst ito na, wag mo kong ihuhulog kung hindi sasapakin kita" aniya ko at binuhat nya na ako palabas nang gym

"Talaga ba?" pangaasar nito saken.

"Kaya ko kayang sumapak noh?"

"Di ako naniniwala sayo"

"Edi wag, may sinabi ba akong maniwala ka?"

"Bakit sinabi ko lang naman ah?"

"Bakit kailangan ko ba nang opinyon mo?"

"Ah ganun" aniya nito at ibinaba ako tsaka nag patuloy mag lakad kaya hinabol ko ito.

"Uy ito naman di naman mabiro, ayan na naman sya masusungit na naman" pang aasar ko dito kaya naman bigla nya akong binuhat na parang sako.

"Anong ginagawa mo?"

"Binubuhat ka, ano mag rereklamo ka pa? Binuhat kana nga eh"

"Di ako nag rereklamo sinasabi ko lang na wag kang mag sunget"

"Hayst tumahimik ka nalang kaya"

"Pano kung ayaw ko?"

"Hay naku" aniya nito at patuloy lang sya mag lakad habang buhat buhat nya ako. Naka ramdam na ako nang pagod kaya naman pumikit ako sandale.

Nagising nalang ako na nakahiga na sa kama ko sa loob nang kwarto namin.

"Oh girl, buti gising kana" aniya ni Lindsay habang may binabasa sa notebook nya.

"Maligo ka na dun basang basa ka eh" sambit naman ni Sheena habang may inaayos sa gamit nya.

"Kanina pa ba ako nakahiga?"

"Di naman, kanina ka lang dumating. Hinatid ka ni Jackson pati sya basa din dahil sa ulan" aniya naman ni Lindsay.

"Pero ang bait sayo ni Jackson ah, hinatid ka pa dito sa loob nang kwarto natin at pinahiram ka pa nang hoodie nya" singit naman ni Sheena.

"Ligo na ako, anlamig na eh" aniya ko at kumuha nang damit tsaka naligo.

Nang matapos ako ay agad kong nilabhan yung hoodie nya kasi ibabalik ko din toh bukas kasi nakakahiya naman. Kasalukuyan na akong nakahiga para mag pahinga, napa ngiti nalang ako nang maalala ko kung anong nangyare kanina. Akalain mo yun nakasama at naka usap ko sya nang matagal. Ano kaya ginagawa nya? Hahahaha siguro natulog na yun kasi napagod yun sa pag lalakad at pag bubuhat sa akin. Maka tulog na nga din may pasok pa pala bukas.

Love AffairDove le storie prendono vita. Scoprilo ora