7

2 0 0
                                    

***

Kinabukasan katulad ng napag usapan maaga kaming lahat. wala namang nag pasaway pati si mia at kyle maaga ring pumasok. lahat ay nakikipag cooperate kaya marami kaming nagawang paninda.

May mga ginawa pa kaming special gragam ball na may chocolate fillings sa loob at mukhang papatok din sa mga estudyante.

'di nga kami nag kamali kasi yung ginawa naming graham ball ang unang naubos sa mga paninda.

Nakakatuwang binabalikbalikan ng lahat ang paninda namin kaya nakakapagod nanaman tuloy sa dami ng customer na inaasikaso.

Nang mag tanghali ay humupa na ang mga bumibiling estudyante kaya nakakaupo na kami kahit papano.

Mabilis na tumabi sakin si pat na nag tatanggal ng apron nya. pabiro nya kong siniko.

"Anong nangyari kahapon?"

Alam ko na kung ano ang tinutukoy nya.

Sinulyapan ko si kricia at jason na abala sa pag bibilang ng benta. Si mia at kyle naman ay nag kukwentuhan, nakaupo sa table na naka pwesto sa tapat para sa mga customer na mag didine-in.

Hinarap ko si pat at hindi na ko nag patumpik tumpik pa ikinuwento ko sa kanya ang lahat mula nung unang makasabay ko si Alex sa trisycle.

"Woah! Sa tingin ko... crush ka non!" mapang asar na sabi nya pagkatapos kong mag kwento.

"Tsss... hindi noh! Sadyang mabait lang si Alex at mukhang palakaibigan." Napayuko nalang ako at natawa, mukhang nakalimutan na ata ni pat kung gaano ako kapatay na patay kay Rengie.

"Alam mo... ang gwapo ni Alex. At mabait, matangkad pa. siguro basketball player yon." Si pat

"Basketball player nga ko."

Mabilis naming inangat ni pat ang paningin sa isang pamilyar na boses. Agad kaming napatayong dalawa ng makita si alex. Napatakip ng bibig si pat. Gulat na Nakatingin sina jason at kricia kay Alex na napahinto pa sa pag bibilang ng pera, ganon din si mia at kyle na nakaupo sa tapat.

"Hi." Bati ni alex nakatingin sakin.

Mabilis na pumwesto si kricia sa harapan.

"Ahmm... good afternoon sir. Ano pong gusto nyo?" Malambing na tanong ni kricia dito.

Napayuko nalang ako at napakamot sa noo. Sinasabi ko na nga ba eh!

Napatingin ako sa ilang estudyanteng napapatingin sa booth namin or should I say kay 'Alex'

May nakita pa kong estudyanteng kinukuhanan sya ng picture. Hindi naman nakakapag taka yon. Bago kasi sa paningin nila si Alex bukod sa Gwapo nga ito.

Bahagyang natawa si Alex.

"Thank you." Masaya nyang sabi kay kricia na may malaki naring ngiti sa mga labi.

muling tumingin sakin si Alex.

Agad naman akong tinulak ni pat at mahinang sinabing "lapitan mo!"

Kaya lumapit na ko sa tabi ni kricia. Inayos ko ang ilang hibla kong buhok na humaharang sa mukha at sinabit sa tenga. Parang 'di ko alam ang sasabihin medyo nahihiya ko. Ayokong pinagtitinginan ng mga estudyante.

"ahh...ano pong sainyo sir?" Medyo Nahihiya kong tanong kay Alex di ko kasi talaga alam ang sasabihin.

Mabilis na lumagatok sa ulo ko ang kutos ni pat na parang may nagawa kong malaking kapalpakan. Napahawak pa ko sa bandang tinamaan at napakagat sa ibabang labi sa sakit ng pag kotong nya.

Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Alex sa ginawa ni pat.

"Oh! Alex.. ikaw pala! Buti napadaan ka dito sa campus namin." Masayang sabi ni pat kay alex na parang matagal na silang mag kakilala.

FIRST TRUE LOVEWhere stories live. Discover now