CHAPTER 4

80 6 2
                                    

Isang linggo pa ang lumipas at ngayon, Sabado na ulit. Kasalukuyan akong nasa kwarto at gumagawa ng lesson plan ko sa study table. Sa tabi ko ay ang isang lagayan na puno ng mani. Ganito ako palagi kapag may ginagawa. May pagkain sa tabi. Mas ginaganahan akong kumilos kapag busog o kaya naman ay kumakain.

Nagvibrate ang phone ko at umilaw. Nagtext si Kuya.

From: Kuya Rocky

     Nasa S&R ako. May gusto ka bang ipabili?

Awtomatiko akong napangiti. Ganito madalas 'tong si Kuya. Noon pa man, spoiled na ako sa kanya. Actually, kaming dalawa ng ate ko. Siya ang panganay sa aming magkakapatid. Engineer na siya ngayon na sinundan ni Ate na isang accountant. Ako ang bunso.

To: Kuya Rocky

      Libre mo?

From: Kuya Rocky

      Lagi naman.

To: Kuya Rocky

       Hehehe. Pringles at Chips Delight striped chocolate chip cookies, Kuya please. Thank you.  Labyu.

Pakiramdam ko tuloy, nadagdagan ang kasipagan sa katawan ko ngayon. Hindi naman ako tinatamad, mas sinipag lang. Natawa ako sa kadahilanang basta pagkain sumasaya ako tss. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ko. Malapit na akong matapos nang umilaw na naman ang phone ko pero this time, hindi na si Kuya ang nagtext kundi si Skie.

Naalala ko na naman tuloy yung sinabi niya nung Thursday. Psh, seryoso ba yun o malakas lang talaga trip niya? O baka naman gusto niya lang ng makakasama? As a friend! Oo, tama. Hindi ko dapat binibigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay-bagay.

From: Skie Jaiden

      Alam mo bang nasa Mcdo kami ngayon?

Kumunot ang noo ko sa laman ng text niya. Sobrang random. Paano ko naman malalaman yun. May special powers ba ako para masundan siya sa kung nasaan man siya.

To: Skie Jaiden
 
       Hindi. Ano trip mo?

From: Skie Jaiden
 
      Hindi special yung Mcdo ngayon. Iba mga kasama ko eh.

Suminghap ako ng hangin at pinalobo ang pisngi ko para mapigilan ang paglabas ng ngiti ko.

Pero hindi effective argh. Wala naman akong kasama dito kaya hindi ko na lang pinigilan. Grabe, ano ba'ng nangyayari sa akin? Iniisip ko pa kung ano irereply ko sa kanya nang mag-message ulit siya. Binuksan ko agad yun.

From: Skie Jaiden

      Do you know how to make it special?

To: Skie Jaiden

      I don't know.

From: Skie Jaiden

      You don't need to do anything. You, yourself is already special.

Kinamot ko ang noo ko at napangiti. Ang corny ng mga banat niya pero napapangiti ako. Pwede ba yun? Oo, siguro. Nangyayari sa akin eh. Pero hindi ko alam kung bakit. At kung tama ba. Kailan lang naman kami ulit nagkita pagkatapos ng maraming taon. Parang masyadong mabilis.

To: Skie Jaiden

      Tsh. Hindi tamang gumagamit ng phone habang kumakain.

From: Skie Jaiden

      Oh, hahahaha. Okay, Ms. Fortaleza.

Tinapos ko na ang lesson plan ko nang hindi nawawala ang ngiti sa labi. Nakakatawang isipin na kanina lang, sinabi kong hindi dapat bigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay pero heto ako ngayon, ngumingiti mag-isa. Hindi naman sigurong masamang matuwa diba?

After AllWhere stories live. Discover now