Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 1

39K 816 75
                                    

" This is my first and last thing that I will wear this damn dress! "

" Alam mo Blake kanina ka pa mura nang mura at kung ano-ano ang sinasabi. Can you please shut up? I can't put this fake eyelashes on you " singhal naman ni Ezra sa akin.

" Fuck! " the last word I say before I shut my mouth. Gusto ko ng matapos 'to!

Ang huling inayos niya sa akin ay wig na shoulder length ang haba. Kinulot niya ito kaya mas lalong umiksi.

" Done! " ngiti nitong tagumpay. " Wow, Blake! You're elegant and gorgeous " puri pa nito sa akin.

Tumayo ako at nagtungo sa salamin. Ayaw niya sa aking ipatingin ang ginagawa niya para daw surprise. At nasurprise nga ako! I mean I didn't expect me to be like this.

I'm wearing a knee-length red dress. Hindi ko kailangan magsuot ng fake boobs dahil sa ruffles na tumatakip sa dibdib ko kaya parang flat chested ang itsura. Flowy and silky ang tela ng dress which is comfortable for me.

" Infairness, kahit hindi makapal ang ginawa kong make-up, naitago 'yang pagiging lalaki mo. Maganda ka kasing lalaki " pananalita nito habang itinatago niya ang mga ginamit niyang make-up.

She is a professional make-up artist. Marami siyang client na mga sikat at tinitangala sa industriya kaya hindi na ako magtataka kung paano niya ako nagpamukhang babae.

" Should I say thank you for your compliment. Tss! " tanging nasabi ko na lamang at umalis na sa harap ng salamin.

" Suot mo na 'to " harap niya sa akin ng sandals na may manipis at mataas na takong.

Napanganga ako. " I don't know how to wear that! Baka ipukpok ko pa 'yan sa bunbunan ng kapatid mo "

Naghanap siya ng iba pang maisusuot ko sa paa. " Kung ayaw mong stilleto, eto na lang pumps "

" Wala ba 'yung walang heels " reklamo ko pa rin.

" Magrubber shoes ka na lang kaya! Puro ka reklamo, isuot mo na lang para matapos na tayo. "

Wala na akong nagawa kung hindi kuhanin ang inabot niya. Dinala ko na rin ang handbag na gagamitin ko. Lahat ng meron ako ngayon ay pagmamay-ari niya.

Naglakad na kami pababa sa sala kung saan makikita ang mga ugok na naghihintay sa akin. Pagbungad ko palang sa kanila, kita ko ang gulat nila.

" Woah! Sabi ko na barbie " bungad ni Eiji sa akin kaya agad kong binalibag ang dala kong handbag sa kaniya.

Si Ezra at Eiji ay magkapatid. One year lang ang agwat nilang dalawa kaya hindi natatawag ni Eiji si Ezra ng ate dahil parang magkasingtanda lang daw sila. Half-japanese din sila.

" Blake, wala na bang iaayos ang lakad mo. Barbie ka nga pero ang lakad mo pang-Ken " hirit naman ni Claude, isa sa kaibigan namin.

" Bakit hindi ikaw ang gumawa nito? " sagot ko saka umupo.

" Ganda-ganda pero kung makaupo nakabukaka " hirit na naman niya.

Hindi ko na lang pinansin. Kinuha ko ang cellphone ko kaya nakita ko ang oras. " What is our plan? "

" Exact eight magsisimula ang party. Eto ang keycard ng room ni Kuya Kaede " abot ni Eiji ng black keycard.

" Like what I said before, hindi ka makakapasok sa hotel kung hindi ka invited sa party. Naka-close lahat ng exit and entrance that's why you need to pretend as other person. You're going to use the name of Ms. Arina Ayana and give your invitation. " paliwang ni Eiji.

" Ako na ang bahala kay Ms. Arina habang abala ka sa loob. Naging client ko siya ng nag-cover siya sa isang international magazine. Of course, kapag tapos na ako si Claude naman ang bahalang lumandi sa kaniya. Iyon lang ang magagawang tulong ni Claude sa atin " salita naman ni Ezra.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now