CHAPTER 2

5.8K 229 41
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 2

SHEENA

"Are you okay, Sheena?" dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang puting kisame matapos kong marinig ang nag-aalalang boses ni tita Hera. Napasapo ako sa ulo dahil sa sakit pa rin na nararamdaman. Hindi ako makapaniwala na bubulaga sa akin ang pamilyar na silid.

"What happened?" napako ang tingin ko kay tita ng muli siyang magtanong at napansin ko na nasa loob na nga ako ng aking silid. Nanghihina pa rin ang buo kong katawan. Para akong nagmarathon sa sakit na nararamdaman.

Ano nga ba ang nangyari sa akin? Napapikit na lang ako at muli kong inalala ang nangyari. Isang pangyayari ang biglang pumasok sa isipan ko. Ang makita at makumpirma na buhay pa si Dane.

"Sheena?" sabi niya sa akin at hinawakan ako sa balikat. Hindi ako makasagot sa mga tanong niya dahil maging ako ay nalilito sa kung ano nga ba ang nangyari dahil sa pagkakaalam ko, bago ako mawalan ng malay ay sigurado akong naramdaman ko ang bisig at boses ni Dane.

"I'm sorry tita." Iyon na lang ang naging tugon ko at napatingin muli sa kanyang mga mata na puno ng pag-aalala. I don't want to see her in this state, but I have no choice but to hide things from her.

In life, there are times that you need to hide things from your loved ones to avoid them from getting hurt. Mas pipiliin mo na ikaw na lang ang masaktan at mahirapan 'wag lang sila.

That's what you call love. Maybe some people will think that you are selfish or what but for me, you're not. There are just people out there who act and think that way and I am one of them. I am proof that people like them exist in this world.

There is a perfect time for everything.

"Is there something I need to know?" agad akong umiling sa tanong ni tita. Ayokong mag-isip siya ng kung ano. Kailangan ko muna sigurong alamin ang nangyari sa akin at kung paano ako napunta rito.

"I'm perfectly fine tita, medyo pagod lang siguro akong naghintay kanina." tugon ko at ngumiti ng bahagya.

"I'm sorry Sheena, may mga inasikaso lang ako. Mabuti na nga lang talaga at kaagad kang nasundo ni tatay Manny kanina kundi ay baka napano ka na. Nakita ka raw kasi niyang walang malay."

"Tatay Manny?" napalakas ang boses ko sa narinig ko kay tita. Am I hearing it right?

"Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nakakita ng multo." hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Paano nangyaring si tatay Manny ang sumundo sa akin? Ang akala ko ay si Dane ang may gawa kung bakit ako nandito. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Dane talaga ang nakita ko kanina.

"Are you sure tita? I mean, wala ba siyang kasamang sumundo sa akin?"

"I am sure because I saw him. Siya pa nga ang nagbuhat sa'yo hanggang dito sa kwarto mo."

That's impossible!

"Sheena, are you really, okay? Is there any problem? Mukhang may malalim kang iniisip diyan kanina pa."

Muli akong napatingin kay tita. Sigurado ako na si Dane talaga ang nakita ko. Paano kaya nangyari 'yon?

"Nothing tita, I just thought I saw something familiar to me a while ago. Akala ko ay nakita ko si Kiara, baka namalikmata lang ako." I don't want to lie to her but I have no choice. Sasabihin ko na lang siguro kay tita kapag nalaman ko na talaga kung totoo ang nakita ko.

"Are you sure? Do you want to go to the hospital para macheck-up ka?" mabilis akong umiling. Ayoko sa lahat ang pumunta sa hospital dahil parang mas lalo akong nagkakasakit kapag nandoon.

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon