CHAPTER 22

2.2K 83 8
                                    

ANGELA'S POV

*AFTER 1 YEAR*

Isang taon na... Isang taon na ang nakalipas pero walang Jk, Zayn, at DSG ang nagparamdam. Walang text o tawag kahit isa. Dumaan ang friend-sary at birthday namin nang wala sya... Wala sila. Walang balita sa kanila, hindi sila mahanap ng lolo ni Jk. Tumulong na din ang SG, Kings at mga magulang namin pero wala kaming nahita.

At ngayon nga ay 18th birthday na naman namin ngayon. Nandito pa kami sa campus pero hindi ko alam kung nasan ang iba. Ako lang ang mag-isa dito sa garden. Simula ng umalis sila Jk ay balik casanova sina Jake, Khy at Rence.

"Ang lalim ng iniisip mo, Monchie.... Pwede mong sabihin sakin?!" sabi ni Christian na tumabi sakin sa pagkakaupo. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit kaya napa iling sya. Boyfriend ko na sya nung araw ng birthday namin kaya first anniversary din namin ngayon. Ganun din naman sila Lj, same din samin ni Christian kaya mas masaya dahil marami kami ang mag se-celebrate.

"Iniisip ko lang sila, kung ok lang ba sila? Ano kayang ginagawa nila? Kumakain ba ng maayos si Jk? Naiisip nya kaya kami? Uuwi pa kaya sila?... O ... Kung may balak pa ba silang umuwi dito?" tanong ko at ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mata ko.

"Sabi nyo babalik sya diba? Tyaka I'm sure na laging busog si Jk dahil hindi sya pababayaan ng DSG lalo na si Zayn!" sabi nya habang hinahagod ang likod ko.

"H-hindi k-kasi ako s-sanay na m-malayo si Jk s-sa'min!" sabi ko na lumuluha na.

"Shhhh tama na, hindi gusto ni Jk na malungkot kayo lalo na ngayon na birthday nyo!" sabi nya

"HOY KAYONG DALAWA, TARA NA!" sigaw ni Khy kaya sabay kami ni Christian na napatingin sa kanya at sa kasama nyang babae ng kaakbay nya. Friday na ngayon kaya ma-swerteng walang pasok kinabukasan dahil siguradong maglalasing na naman kami tulad nung nakaraang birthday at friend-sary namin.

"SIGE!!" balik na sigaw ni Christian saka tumayo. "Tara na?" nakalahad nyang sabi sakin na agad ko namang tinanggap. Naglakad kami palabas ng garden nang magkahawak kamay hanggang parking lot. Hindi na kami nagdadala pa ng kotse dahil sinusundo kami nina Christian.




THIRD PERSON'S POV

Nasa venue na ang lahat ng mga bisita ng apat na debutant at dapat ay masaya silang apat pero mga naka busangot ang kanilang mga mukha. Napag-usapan nilang apat na sa resort nalang ni Jk ganapin ang debut nila na pinayagan din naman ng kanilang mga magulang. Malawak ang venue kaya hindi nagsisikipan ang mga tao na halos ilang libo ang dumalo dahil sa lawak ng koneksyon nila lalo na sa larangan ng negosyo.

Nasa dressing room silang apat ngayon habang inaayusan ng mga babae. Naka suot ng kulay dilaw na gown si Angela at high heels na kulay puti. Si Lj ay kulay maroon ang kulay ng gown na suot at high heels na kulay pula, si Aj ay naka purple na gown at ganun din at heels. At si Aless naman ay naka pink na gown ganun din ang heels. Ang gown na suot nila ay palobo at kumikinang kapag naiilawan. Naka bilog pareho ang kanilang mga buhok na naka terentas, may koronang silver at pantakip sa kamay na kulay puti at hanggang braso. Silang apat ay mga nagmumukhang prinsesa at sobrang ganda nila kahit light make-up lang. Hindi rin naman nagtagal ang pag-aayos sa kanila at saktong pag-alis ng mga babaeng nag-ayos sa kanila ay ang pagpasok ng magulang nila na mga nakangiti.

"Wow, ang gaganda nyo lalo!" manghang sabi ng ama ni Aless.

"ThanksX tito/ Thanks, dad!" sabay na sabi ng apat at pilit na ngumiti.

"Mga anak, wag nyo munang isipin na wala si Jk dito... Dapat masaya kayo dahil araw nyo 'to ngayon! I'm sure nagpapagaling pa din si Jk!" sabi ng ina ni Lj sa kanila.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITWhere stories live. Discover now