7 Days

127 6 8
                                    


All content in this book including names, characters, places, events, logos, businesses and incidents mentioned and used in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or harness the contents of this story or in any way. Please obtain permission.

---------------------------------------------------------------------

I take inspiration with NCT Dream's 7 days song, thought that I can actually write a little bit of a story. This is not a heavy one, I assure you :)

This story is not perfect so expect typos or grammar error pero I'll try my best to make this book less in errors. If you do not like grammar error respectfully point it out and if not just don't read it and move on. Salamat sa pagbabasa and for picking my story. :)

****

Prologue:

Tumitig ako sa lalaki na nakangiting nakikipag-usap sa isang babae na kaklase lang niya. I saw his smiles were genuine when it's her ang kinakausap niya.

Ayoko pa sanang titigan sila ng palihim pero hindi ko talaga mapigilan eh.

Alam ko naman talaga na ako talaga ang palaging may mali eh. I just can't help but feel so insecure whenever I see him with someone pretty.

Sabi ko naman sa sarili ko na hinding-hindi niya talaa ako magugustuhan at kalokohan lang ang lahat ng pinagsasasabi niya sa akin. How stupid. Naniwala agad ako na gusto niya ako dahil nga lang sa gusto ko din siya.

"Hoy, Asha Jane! Kakain na ng lunch." napatayo ako ng matuwid at saka nag act ng natural nang makita ko ang kaibigan ko na si Thea na nakatingin sa akin.

Ngumiti ako at saka tumango sa kanya. "Ano? Tinitingnan mo na naman si Makey diyan? Kain ka muna bago landi oy!" sabi niya na nagpasimangot sa akin.

I gestured to shut up at mabuti naman ay hindi malikot ang utak niya at hindi pa siya baliw.

"Halika na nga lang. Kakain na tayo, mauunahan na naman tayo sa uupuan natin." tumango nalang ako atsaka sumunod sa kanya.

True to her words, madami na nga ang tao sa canteen.

"Kuha na ng pagkain natin. Ako nalang ang maghahanap ng mauupuan natin." sabi ko at tinabot na siya. Tumawa lang siya habang papalayo siya sa akin.

Mabuti nalang at nakakita ako ng grupo na patapos na kaya lumapit ako sa kanila nanlaki ang mata ko nang makilala ko siya pero hindi ko nalang ipinahalata pa.

"Kuya, may nakareserve na po ba dito?" tanong ko sa lalaki na tapos nang kumain at tila hinihintay na lang ang mga kaibigan niya na matapos.

Napatingin siya sa akin at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang mariin niyang titig.

Umiling siya at saka napatingin sa mga kaibigan niya, "Kayo na ang sumunod dito. Umupo ka dito oh, ako nalang ang tatayo." and then his friends teased him to death ako naman ay nahihiyang nag-iwas ng tingin at saka yumuko.

I hate eating in the cafeteria whenever students are here for lunch. Dobrang dami kasi at mas lalong nag-iinit ang atmosphere.

Tahimik lang ako nang umalis sila at saka umayos na ng upo. Mga ilang minuto lang ay nakita ko na si Thea na dala-dala ang pagkain namin. Tumayo ako paraa tulungan siya.

7 Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now