6:30 pa lang ay nauna na sina Mommy. Pinauna na namin sila para agad nang makapagpahinga. Kami naman nila Shaun at Raquel ay 7 pm umalis.
Habang nasa biyahe, tugtog lang sa radyo ang naririnig namin. Walang gustong magsalita. Mukhang walang masabi.
Natatawa naman ako kay Shaun dahil tingin siya ng tingin sa akin.
"Kanina ka pa tingin ng tingin. Para kang timang." sabi ko at natawa ng bahagya.
Tumingin naman ako sa salamin sa harap at kitang-kita ko kung paano umikot ang mata ni Raquel at tumingin sa bintana.
Sarap dukutin ng mata nito tapos ipakain sa mga zombie. Kung nag-eexist lang siguro ang mga zombie, siguro siya na yung ipinakain ko.
Pero syempre biro lang. Masyado akong harsh mag-isip. Masyado kasi siyang ma-attitude. Ang sarap niyang iluto.
Nagstop-over muna kami sa isang 24/7 na store.
Nagkaniya-kaniya kami ng order ng makakain. Ang sabi pa sa akin ni Shaun "kahit pa kaibigan kita, syempre ibang usapan na kapag sa pera."
Diba mukhang sira?
Nang makapagbayad kami, sa labas kami ng store kumain. May mga tables naman dito at upuan.
Doon kami sa pang-apatan umupo.
Syempre dahil sa dakilang alagad siya--Raquel-- ni Roadrunner, mabilis pa sa pagtakbo ni Roadrunner kung makatabi kay Shaun.
(A/N:Kung hindi niyo kilala si Roadrunner, isearch niyo sa Google. Wile E. Coyote and Roadrunner. Cartoons yon hehe. Basta, si Roadrunner yung pinakabilis tumakbo. Paborito ko yun nung bata ako eh bakit ba)
Inismiran ko nalang sila at nagsimula nalang kumain. Ang sarap niyang pasukan sa bibig ng siopao na may laman na pusa.
Naririnig ko pa na binibigyan siya ni Raquel ng pagkain. Pero tumatanggi siya.
Good.
Nang matapos kaming kumain, nagpatuloy na kami sa biyahe. Masyado na kasing gabi eh. May party pa naman bukas.
Ilang minuto nalang at nasa tinitirhan na kami ni Raquel.
Nang makarating kami, si Shaun ang nagsabi na siya nalang ang sasama kay Raquel para tulungan siya sa mga gamit nito.
Masyado ba yung mabigat? Anong laman non? Ginto?
Kahit hindi ko gusto ay pinayagan ko nalang.
Naiinip na ako kakaantay sa kaniya. Ilang minuto na kasi ang lumipas pero hindi pa din siya bumabalik. Siguro, umakyat na din ako doon.
Nang marating ko ang unit niya, medyo nakabukas ito kaya hindi na ako kumatok. Trespassing pero nakabukas na din naman. Hindi ko naman pinasok ng sapilitan diba
Ganoon nalang ang gulat ko ng makita si Shaun na nasa harapan ni Raquel habang si Raquel ay nakasandal sa pader.
Nakagawa ako ng konting ingay dahil nasagi ko ang doorknob kaya napatingin silang dalawa sa akin. Lumayo naman si Shaun kay Raquel at mabilis na naglakad papunta sa akin. Hinila pa siya ni Raquel pero tinignan niya ito ng masama kaya nabitawan niya si Shaun.
Hindi ko gusto ang nakita ko. Nasasaktan ako. Kaya bago pa makalapit sa akin si Shaun ay tinalikuran ko siya at mabilis na tumakbo papalabas. Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay ko.
Habang nasa taxi ay iyak ako ng iyak. Hindi ko matanggal sa isip ko ang nakita ko kanina. Nakakasakit, nakakagalit, nakakalungkot. Daig ko pa yung sinaksak sa puso. Hindi ko mapigilang masaktan dahil masyado akong umaasa. Si Raquel pala ang gusto niya, bakit hindi niya sinabi sa akin. Akala ko pa naman, ngayong nalaman niya yung totoo, wala ng problema sa amin dalawa.
Pagpasok ko sa bahay, ini-lock ko ang pinto at tumakbo papunta sa kwarto. Doon ako umiyak ng umiyak. Iniyak ko lahat ng sakit, lahat ng galit na nararamdaman ko. Yun lang ang tanging magagawa ko ngayon, ang umiyak. Ganon ako kahina.
Hindi ko pwedeng sugud-sugurin si Raquel dahil alam kong ipagtatanggol lang siya ni Shaun.
Masakit sa puso lahat ng naiisip ko. Para akong namatayan dahil sa hagulgol na nagagawa ko.
Napatingin ako sa bintana ng makarinig ng makina ng kotse kaya dali-dali akong humiga sa kama at tumigilid habang nakabalot ng kumot.
Maya-maya pa'y narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Rachielle" pagtawag niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. Patuloy lang sa pagluha ang mata ko, ayoko siyang kausapin.
"Rachielle, mali yung nakita mo... Hindi yun katulad ng iniisip mo.." sabi nya.
Marahan kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin at hinarap siya. "Mali? Eh anong tawag mo doon? Nagkataon lang na magkaharap kayo habang nakasandal siya sa pader?! Kung hindi ako dumating, ano nalang kaya ang magagawa niyo ha?!" sigaw ko at hindi na naman napigilan ang pag - iyak.
Lumapit naman siya sa akin at akmang yayakapin niya ako ng itulak ko siya.
" Itigil na natin yung plano. Kung hindi mo gusto si Raquel, pupunta ka sa party bukas. "sabi ko at tinalikuran siya.
Ayoko nang kausapin pa siya, at baka may masabi ako na hindi maganda. Ayokong sa kaniya ibuhos lahat ng galit ko.
BINABASA MO ANG
Seul L'amour
Romance"Heart's greatest enemy is... The truth" Date Started:April 21, 2020 Date Ended: April 26,2020 ALL RIGHTS RESERVED