Kapare'Who

5 2 0
                                    


I'm busy searching the social media account of my mother but I can't find it. I can still remember what my father said before he died.

~FLASHBACK~

"Pa, magpagaling ka ha! Mapupuntahan pa natin yung mga gusto nating pasyalan." we're here at the hospital for the chemotherapy of my father. He has a Stage 3 cancer.

"Oo anak hahanapin pa natin yung mama mo mabubuo ulit tayo." he said, I saw the sadness on his eyes. Seeing my father crying is so heartbreaking. It makes me feel useless. Like I can't do anything to make him happy.

"Yes pa hahanapin ko si mama para sayo at para mabuo na ulit tayo gagawa pa tayo ng maramin maraming magagandang ala-ala." nagsimula ng gumaralgal ang boses ko. Ang sakit sa pakiramdam na makita mo yung papa mo na nanghihina na.

Sinugod namin si papa sa Operating Room dahil hindi na siya makahinga ng maayos kahit my oxygen.

"Pa kaya mo yan aabot ka pa." sabi ko habang tumatakbo kami sa hallway papuntang O.R. kasama ang mga doktor.

"Anak hanapin mo mama mo para saakin ha?" sabi ni papa na siyang nagpahina ng katawan ko. Di ko kayang sabihin na hindi ako sigurado kung mahahanap ko siya.

"Opo pa para sayo gagawin ko." Sabi ko habang papasok na sila sa O.R.

"Maam bawal po kayong pumasok sa Operating Room maghintay na lang po kayo dito sa labas." sabi nung isang nurse. Tumango ako bilang sagot sakanya. Tumalikod na siya saakin at pumasok sa O.R.

It's been 3 hours. Antagal ko ng naghihintay dito sa labas ng O.R. kaya nung lumabas ang isang doktor dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Sir. Doc. kamusta po papa ko?? Okay na po ba lagay niya?". tanong ko sa kanya. Nagsimula na namang mangilid luha ko.

" I'm sorry Maam hindi po naka survive ang papa mo. He died at 11:34 AM. sorry."

"Dok sabihin mo nagbibiro ka lang ." ang kaninang nangingilid na luha ko ay dumausdos na pababa ng pisngi ko. Nakakapanghina ng loob.

"Maam we do our best pero hindi niya nakayanan sorry. Maam I'm not kidding." sabi niya at agad ng umalis.

Yun na yun? Wala na talaga wala na bang pag-asa? Agad nanghina ang katawan ko. Napaluhod ako sa hina ng katawan ko. Napahagulgol ako sa sakit ng nararamdamam ko. Bakit ang papa ko pa ang nawala? Di ko na kaya. Ang sakit sakit ispin na yung tao na siyang naiwan saakin ay mawawala pa. Ni hindi ko man lang nasabi na mahal na mahal ko siya. Ni hindi ko man lang nagawa yung pangako ko sa kanya.

I was about to say my Eulogy to my father. Burol na ngayon ng papa ko. A woman wearing a black dress caught my attention. It's my mother. Di ko alam ang gagawin ko nagsimula na namang mangilid ang luha ko. Nakipagtitigan ako sa kanya.

"Reeva, are you okay?" agad akong napatingin sa nag tanong saakin. It's tita my father's younger sister.

"Okay lang po ako tita" I said confidently tumingin ako sa babae kanina pero wala na siya. Baka ilusyon ko lang kaya di ko na pinansin at tinuloy ko nalang yung sasabihin ko.

"Good morning po sa lahat ng mga pumunta at nakiramay sa burol ng papa ko. Good morning to all of you who are here to witness the last day of my father. Saksi ang papa ko sa bawat segundo, minuto, oras, at sa mga araw, buwan, at taon ko dito sa mundo. Mag-isa niya kong pinalaki." Napa buntong-hininga ako at saka nagsimulang lumandas ang aking mga luha sa aking mata. "Ang hirap mawalan ng magulang diba? Pero mas mahirap kapag hindi mo nagawa yung mga pangako mo sa kanya gayong wala na siya." Napalunok ako at nagpunas ng aking mga luha.
"Standing in front of you is killing me, hindi dahil gusto kong mapunta dito but because it gives me too much pain knowing I'm not good enough for him. Ginawa ko lahat para mahanap ko ang mama ko para mapasaya ko man lang ang aking papa. But I think it's not enough!" Natawa ako ng peke at pinunasan ang mga nalaglag na luha sa king mga mata. Napatingin ako kina tita at nakita ko ang mga awa sa kanilang mga mata kaya nag iwas ako ng tingin sa kanila at humarap sa kabao ni papa sa tabi ko.

"Pa! miss na miss na po kita! Thank you for all your efforts, love and sacrifices na binigay mo saakin. P-Pa." gumaralgal na ang boses ko. "I'm sorry kung hindi ko natupad pangako ko sa'yo Pa kung naririnig mo man ako ngayon hindi po ako nagtatampo kasi iniwan mo ako at sana po gabayan mo po ako kahit wala ka na dito sa mundong kinatatayuan ko."

Rinig ko ang hagulgol ng mga tao ngunit nangibabaw ang hagulgol nina tita.

"Pa happy happy birthday sayo mahal na mahal po kita. I love you to the moon and back." Humihikbi na ako at nahihirapan na akong huminga. "P-papa!" Napa hagulgol na ako sa iyak at napaupo sa sahig. Di ko na kaya gusto ko ng mamatay at sumama kay papa. "Papa mamimiss kita thank you sa lahat lahat .

~END OF FLASHBACK ~

It's been 1 month simula nung nailibing si papa. Di parin ako maka move on ansakit-sakit parin.
Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay. Pinunasan ko ang luha ko at dumiretso sa sala. I saw Tita Reina watching It's Showtime. Habang naglalakad ako sa likuran niya narinig ko siyang nagsalita.

"Buti pa siya nakahanap na ng taong magpapasaya sa kanya." I hear the sadness on her voice. So tinignan ko yung pinapanood niya. Yung segment ng It's Showtime "KAPARE'WHO"

I saw my mother on TV smiling at her chosen partner. Ang saya-saya niya na parang wala siyang problema. Ni hindi man lang siya nagpakita sa burol ni papa. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at humagulgol di ko na kaya yung mga sakit na nararamdaman ko ngayon. Namamanhid na ang katawan ko sa lahat ng problema na dinadanas ko ngayon. Umupo ako ng maayos sa kama ko at kinuha ang picture frame ni papa.

"Pa sorry kung hidi ko magagawa yung pangako ko sayo. Kasi yung taong magpapasaya sa ating dalawa ay masaya na sa iba."

PS: LOVE YOUR PARENTS AND IF YOU CAN DO ANYTHING TO MAKE THEM HAPPY AND PROUD FOR YOU THEN DO IT. DON'T WASTE YOUR TIME.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now