8- COURT

38 0 0
                                    

Ashley/Gyl POV

Nandito ako sa harap ng bahay nakatayo naghihintay ng masasakyan para pumunta sa ospital dadalawin ko si nanay ng may biglang may huminto sa harap ko na kotse at lumabas naman ang nagdrive nito si Mark lang pala

"Sakay ihahatid kita kung saan ka pupunta"sabi ni mark
"Ahh wag na lang Mark"sabi ko nakakahiya kasi
"Wag ka ng mahiya dali na sakay na" pangungulit nya
"Sige na nga"sabi ko at sumakay na
"Saan ka ba pupunta?"tanong nya
"Ahh sa hospital"sabi ko
"Bakit may sakit ka ba?"tanong ulit nya
"Haha wala may dadalawin lang"sabi ko
"Pwede sumama"sabi nya
"Ikaw bahala"sabi ko

Mga 10 minutes ay nakarating na kami hospital pinark nya ang kotse at bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero pinigilan nya ako at bumaba sya at sya ang nagbukas

"Ang gentleman naman"sabi ko sabay ngiti "thanks"dagdag ko pa

Ngayon ay naglalakad na kami papunta sa kwarto ni nanay ng makasalubong ko si Angel

"Sino yang guy na kasama mo girl"bulong na tanong ni Angel
"Ahh siya si Mark new friend ko"sabi ko
"Ahh Mark this is Angel my friend Angel this Mark my new friend" pagpakilala ko kay Mark nag-shake hands naman sila
"Tara na nag hihintay na si Christy doon sa kwarto"sabi pa ni Angel

Naglakad ulit kami nagulat ako biglang naging madaldal si Angel madalas kasi syang tahimik natawa naman ako sa kanila nagpahuli nalang ako sa paglalakad sakanila at ng makarating kami sa kwarto ay nadatnan namin ang bagong doctor ni nanay na chineck si nanay at si Christy naman ay nakaupo lang sa sofa

"Hi doc how's the patient"tanong ko kay doc
"Actually gumagaan na ang pakiramdam nya  malapit na s'yang gumaling mga ilang buwan na lang ang kailangan nya"sabi ni doc
"Nagtatagalog ka pala doc"sabi ni Angel
"Oo naman im proud to be a Filipino"sabi naman ni doc
"Ang hirap mag English kanina tapos nagtatagalog ka pala"reklamo ni Angel tumawa lang kami
"Ahh by the way im doctor Mike Hilario"pagpakilala ni doc
"Thanks doc. Hilario"sabi ko
"Call me if may problema"sabi ni doc
"Ok doc"sabi naming tatlo ni angel at Christy lumabas na si doc tumingin naman si Christy kay Mark at tumingin sakin na parang nagtatanong kung sino sya

"Ay oo nga pala, Mark ito pala isa kung friend si Christy"pagkilala ko kay Mark kay Christy
"Hi Mark im Christy friend/sister of Ash"sabi ni Christy
"Ahh hi Mark new friend of Gyl"sabi ni mark at inabot ang kamay para makipag shake hands inabot naman ito ni Christy
"Girls hiramin ko lang saglit si Gyl ha?"sabi ni Mark nagtaka naman ako tinitignan ko naman sila, tumango lang naman sila

Hinawakan naman ni Mark ang kamay ko at pumunta kami sa garden dito sa hospital

"Ahh Gyl alam kong masyadong mabilis at alam kong kahapon lang tayo nagkakilala pero i just want to ask you this can i court you?"kinakabahan na sabi nya
"Ahh ano kasi Mark"sabi ko
"It's ok masyado din kasing mabili-"naputol ang sasabihin nya ng biglang akong magsalita ulit
"Pwede naman"pagputol ko sa sinabi nya kanina
"A-ano, ano sabi mo?"naguguluhang sabi nya
"Pumapayag ako na ligawan mo ako"Sabi ko pa, I think this is the right thing to do para makalimutan ko si JJ
"Thank you, thanks hindi ka magsisisi"masayang sabi nya habang tumatalon
"Hoy wag ka ngang tumalon talon dyan para kang sira" sabi ko

Bumalik naman kami sa kwarto ni nanay tumambay muna kami doon maya-maya nagkwentuhan naman kami at kinuwento naman ni Mark ang tungkol sa panliligaw nya sakin

"Guys uwi na ako 8 na ehh babalik lang ako bukas"paalam ko
"Sama ako, ah Christy ok lang ba na ikaw lang ang magbabantay kay tita?"tanong ni Angel kay Christy
"Ok lang para naman na makakatulong ng maayos"sabi naman ni Christy
"Oh tara na hatid ko na kayo"singit ni Mark
"Sige mag-ingat kaya, Mark mag-ingat ka sa pag-drive"bilin naman ni Christy
"Hindi ko hahayaan na may mangyaring hindi maganda lalo na kay Gyl"sabi ni Mark at hinigit yung bewang ko papunta sakanya pinalo ko naman sya
"Eyyyy ang harot"pangtutokso pa ni Angel
"Osha alis na kayo at gabi na mag-ingat na lang kayo at masyadong maraming ng langgam dito"sabi pa ni Christy

Umalis na nga kami pauwi habang nakasakay kami ang ingay naman ni Angel tinutukso kami ni Mark ganyan nalang sya hanggang sa nakarating kami sa bahay nagpaalam na si Mark kasi gabi hindi na sya pumasok sa loob si Angel naman ang ingay parin kaya iniwan ko na lang siya sa labas inaantok na rin kasi ako pero dumeretso muna ako sa kusina at tinignan ko kung may natira pa ba sa ulam kanina at kumain na ako nakita ko naman si angel paoasok sa bahay at papunta dito sa kusina

"Hoy bat mo ko iniwan sa labas"sigaw nya habang papasok sa kusina hindi ko naman sinagot ang tanong nya bahala sya dyan

"Ok hindi mo ako papansinin alam ko naman na inaantok ka na hahayaan na lang kita"sabi nya pa at umupo na sya at sinabayan akong kumain

Nauna akong natapos sa pagkain kaya sya ang manghuhugas ng pinggan at naiwan sya sa baba dahil alam ko naman ang routine nya gabi gabi bago matulog mag half bath at babalik sa sala kasi manunood ng random movies pero madalas ay cartoons isip bata kasi si angel

Ako yung medyo matured saamin mag-isip si Angel naman ay sya ang childish saamimg grupo at si Christy naman ay pinaghalong ako at Angel or childish na minsan matured or seryoso

Pumasok na ako sa kwarto ko at ginawa ko na evening rituals ko Bago matulog

--------------

Yan na muna guys
Love you all ♥️💞
Sorry ngayon lang ulit
naka-update

When You Remember (ON-HOLD)Where stories live. Discover now