/16/ ending scene

61 12 2
                                    

Ako ang sirenang nagpapalit ng binti't paa

upang makasama ang iniibig sa lupa.

Ngayo'y magiging buntot na muli ito ng isda

at kailangan ko nang bumalik sa karagatan.

Hindi pa sumasapit ang liwanag nang magbiyahe kami ni Rio pabalik sa Maynila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi pa sumasapit ang liwanag nang magbiyahe kami ni Rio pabalik sa Maynila. Isang araw pa lang ang nakalipas mula sa pagtanggap niya sa pag-alis ko.

Noong nasa Manila ako, ayoko talagang ma-stuck sa traffic. Pero ngayon, kung kailan ko hiniling na sana mas tumagal pa kaming dalawa ni Rio sa loob ng kotse, walang naging aberya. Nakarating kami nang maayos at mas mabilis pa sa inaasahan.

Pagkarating namin doon, kahit tirik ang araw ay hindi namin ito inalintana. Namasyal kami sa Luneta. Hindi rin pinansin ang mga taong nagtitinginan at pinag-uusapan kami.

"Mare! Siya ba 'yong artistang asawa ng kongresista? Hala, 'yong Ynah Salvador nga! Ay, totoo naman palang may affair na naman. Sa mas bata pa! Dapat 'di na lang sila magbalikan ng asawa niya. Picture-an mo dali! Ta's post mo agad sa social media!"

Napailing-iling na lang ako at natawa sa na-overheard kong usapan ng mga nakatambay rin sa Chinese Garden.

Hinawakan ko ang kamay ni Rio. Sakto lang na makikita ng mga nagbubulungan. Hindi na maipinta ang gulat at pagkaintriga sa mukha nila nang halikan ko pa si Rio sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata ni Rio. Namumula pa ang tenga niya. Nagtanong siya kung bakit pero tumawa lang ako at inaya na siyang umalis doon.

Nagkwentuhan lang kami at nag-foodtrip. Nagpahinga't nag-picture-picture. Pakiramdam ko pa nga, tunay na talaga kaming prinsesa at kabalyero nang sumakay kami ng isang kalesa.

Tuwang-tuwa siya, dahil natupad daw ang pangarap niya.

Tuwang-tuwa naman ako, dahil katabi't kasama ko ang pangarap ko. Ngayong huling araw. Ngayong huling sandali.

Umabot ng alas-singko. Naupo kami sa harbor ng Manila. Pinanonood ang paglubog ng araw.

"Kinakabahan ka ba?"

Napakagat ako sa labi at mabagal na tumango. "Medyo," mahina kong sagot. "'Yong sinasabi ng iba, kaya ko pa. Pero kasi kapag sa parents nanggaling. . ."

"Mas tagos sa puso?"

Tumango ulit ako.

"Kaya mo 'yan. Ikaw pa, eh, Ynah Salvador ka. Kakayanin mo 'yan!" Kinindatan niya ako at tinapik sa likod. "Tandaan mo, 'pag nalulungkot ka, may isang Rio Fernandez na mas malulungkot kahit nasa malayo. Ngiti ka. Mas maganda pang makita ang ngiti mo kaysa sa inaabangan nating sunset."

Sinuklay niya ang buhok ko. Inilapit niya ang ulo sa akin. Napapikit ako nang hinalikan niya ako sa tuktok ng tainga.

Bumalik ulit kami sa pag-uusap ng mga bagay at 'rules' bago kami maghiwalay.

NobelaWhere stories live. Discover now