🌸Chapter 4🌸

27 3 0
                                    

Napatakbo ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nilaklak ko ang laman ng pitsel saka bumalik sa kama. Baka sakaling pagbalik ko duon, wala na ang BakuLaw.

Hahahahaha... Baku daw siya? Sino'ng niloko niya? At ako? Ako ba yung 21st century woman na sinasabi niya? Hello? Ang daming babae sa mundo. Paano siya nakaka-siguradong ako 'yun? I am no one's bride!

Nabitawan ko ang pitsel nang maramdaman siya sa likod ko pero mabilis niyang nasalo ang pitsel. He moved like a thunder. Ni hindi na-capture ng mga mata ko kung paano niya nagawa pero bago pa ako makapagsalita, naibalik na niya sa lamesa ang babasaging pitsel.

"Hey, be careful. Muntik ka ng masugatan duon."

He suddenly became attractive.

I'm not sure how, but he looks manly the way he said those words. It sent butterflies on my stomach.

Ito yata ang unang beses na naramdaman ko ang ganoon.

Hinawakan niya ang kamay ko saka ako iginiyang umupo sa may dinning area. "Nag-sink in na ba sa'yo ang lahat?"

"Uh," napalunok ako. "Matanong ko lang, ano?" Napaayos ako ng tanong bago ilapag ang mga tanong ko. "Kung isa kang mythical creature from Japan, bakit nagtatagalog ka?" Boom. Akala niya sana maiisahan niya agad ako.

"I don't think you're getting it." tumalim ang tingin niya sa akin. "I am a powerful being. Of course, I knew every single language in this globe."

"Okay?" Inilabas ko sa bulsa ko ang cellphone ko saka nagsearch ng app na pwede gamiting pang-test sa kanya. Yung may voice recognition. At para akong napahiya nang magawa niyang itranslate sa iba't ibang language ng tama ang mga sinasabi ko.

Napailing siya. "Bakit ba ang big deal sa'yo na pakasalan ako? You don't like how I look? I can change this for you."

I sighed out of frustration. "Hindi naman 'yung looks mo 'yung problema. Ang gusto pang malaman eh kung bakit sa dinami-dami ng 21st century women sa mundo eh nagkataon na ako pa ang gusto mong pakasalan. Okay ka lang? Sana tinanong mo muna sa powers mo kung ready ako. Kaka-graduate ko lang kaya."

"I told you, a crazy fairy ditched me. Toss me in that knickknack and cursed me. Ikaw ang nakasira ng kulungan ko. Ikaw ang nagpalaya sa akin. It should be you. Isa pa, hindi na ako makakain ng bangungot sa ibang tao, kung hindi sa'yo lang."

Sinenyasan ko siya gamit ang palad ko para itahimik niya muna ang bibig niya. "Ano'ng kumakain ng bangungot? What does that supposed to mean?"

He looked disappointed. I can't believe him. My goodness! "I guess, you haven't really thought of studying a myth that you don't want to care about. Napaka-selective learner mo!"

"Is that an insult?" napipikang tanong ko.

"Nope. I'm only describing you. That's what you are. Selective learner. Narrow-minded. You don't even want to understand me. Ah, Hindi ka rin nakikinig. Mahina din ang memory mo. I told you that I am a Baku and I have seen on your memory that you have read things about me. Can't you remember any details of me being a nightmare-eater?" he cough in disbelief to put a ribbon on a well-wrapped insult. "I don't know what to do about you."

Napahugot ako ng malalim na paghinga. Opinyon niya iyon tungkol sa akin at hindi ako papalag dahil mukhang kahit ano'ng gawin ko, kilala na niya ako higit pa sa pagkakakilala ko sa sarili ko. He's a powerful being, right? *insert sarcasm here*

I forced a smile. At the back of my head I tried to hid my sudden idea. "Seems like you don't really like me at all. Why marry me?"

"I don't have a choice, at lalong wala kang choice."

Marahas akong napatayo sa kinauupuan ko. "Hoy, Mr. Baku."

"I decided to have a casual name. Call me Pierre."

Nanginig ng slight ang upper lips ko dahil sa inis. Another sigh. "Okay, Pierre. I think you are totally missing the point. Here in my culture, marriage is big deal! You can't just marry someone because of a stupid curse??? Isa pa, it should take two to tango. And I am totally against the marriage. Ngayon, iharap mo sa akin 'yang stupid fairy na 'yan dahil gagawin ko ang lahat, 'wag ka lang makasama habang buhay!" May parte ng utak ko ang bigla akong binatukan... Ah... siya yata si konsensya na sikat noon sa isang TV commercial.

Parang gusto kong magsisi na sinabi ko ang mga iyon. Kasi sino ba namang gaga ang ayaw magka-asawa ng pogi?

Char ko lang naman yung pagharap sa fairy. Baka bigla niya akong kunin at gawin alalay niya. Lord, hindi ako nagtapos sa kolehiyo para maging julalay ng isang powerful being na kagaya ng mga fairies kung totoo man sila.

Well, totoo nga ang Baku. He is intently looking at me now. Tutunawin ba niya ako tapos tatakutin na hindi niya ako ibabalik sa dati kong hugis kapag hindi ako pumayag sa kasal? Hah! Malamang!

Kaya kung totoo siya, there is a higher chance that fairies do exist. I remember a movie about it when Peter Pan and his friends shouted "I do believe in fairies, I do. I do." just to bring Tinkerbell back to life. Pero mukhang ibang klase ng fairy ang kakalabanin ko kung tututol pa rin ako sa kasal. Hindi ko siya mapapatay kahit hindi ako maniwalang nag-e-exist siya.

I am just a powerless Literature fresh graduate. Wala akong laban sa mga nilalang na nabuhay na bago pa man isilang ang mga Lolo at mga Lola ko.

"What would you like me to do?" he asked nicely while giving me that sincere gaze.

Napalunok ako.

Kung wala akong choice gaya ng sabi niya, (At mag-iinarte pa ba ako, e wala ngang nanliligaw sa akin?) bakit hindi ko na lang gamitin ang pagkakataon na iyon para ayusin ang relasyong nakatakda naming buuin nang magkasama.

Oh Dear Lord, nakaka-cringe! Pero thanks ng madami kasi jackpot sa kagwapuhan ang Baku na ibinigay Mo. He's not human, yes. Pero sigurado, kapag nagka-anak kami good looking!

I slowly process everything inside my head. Just a recap, I am a fresh grad now and is a soon-to-be wife of a powerful nightmare-eater. What an amazing kick-start of my adult life, right?

OPPA SERIES V1 (Book 4): Mr. Dream-Catcher [COMPLETED]Where stories live. Discover now