PROLOGUE: 18 years ago...

16 0 0
                                    

"Ma! Pupuntahan ko lang po si Kenji doon sa park!" sabi ko habang dali-dali kong kinuha ang aking bike at palabas na ng bahay.

"HOY ANGELA! LALABAS KA NA NAMAN?? MAGPASAMA KA SA KUYA MO!" sigaw ni mama.

"Wag na Ma! Saglit lang po ako! May ibibigay lang daw po sakin si Kenji!" sigaw ko at nagbike na palabas ng bahay.

To be honest, wala ako masyadong kalaro. Si Kuya, si Boyet saka si Kenji lang. Hindi kasi ako social butterfly. 1 year since nakalipat kami dito sa subdivision Ang boring kasi wala akong kaibigan dito. Pero nung nakilala ko sina Boyet at Kenji, hindi na naging boring buhay ko HAHAHAHAHA!

Ang weird din pala naisip ko lang.. 6pm na ng gabi bakit kaya ako pinapapunta sa park ni Kenji?? Usually kasi 5pm hindi na siya pinapalabas ng bahay. Tumakas na naman kaya siya??

"KENJI? ANDITO KA BA??" sigaw ko sa park.

"ANGGE! ANDITO AKO!" kumakaway si Kenji sa loob ng slide sa may playground.

Tumakbo ako papunta sa slide.

"Hoy aba gabi na ah! Paano ka nakalabas ng bahay nyo? Tumakas ka 'no? Ako nga sinigawan ako ni mama-

Hoy Kenji! Okay ka lang ba? Umiiyak ka ba??" napansin ko na ang pula ng mata niya.

"Angge.. nag-aaway na naman kasi sina mommy at daddy. Nagsisigawan sila sa bahay. Ayoko dun." sabi ni Kenji habang pinipigilan tumulo luha nya.

Naaawa ako kay Kenji. Parang every week na lang nag-aaway parents nya nababanggit nila mama. Pero ngayon ko lang nakita si Kenji na umiyak.

"Angge, ayoko na sa bahay. Gusto ko ng lumayas samahan mo ko." sabi nya.

"Aba, ambata pa kaya natin! San naman tayo pupunta??"

"Di ko alam basta gusto ko na umalis dito." sabi ni Kenji.

Tinapik ko balikat ni Kenji at hinawakan sa ulo.

"Kenji alam mo, mahal ka ng parents mo. Oo, nag-aaway sila pero di ibig sabihin nun di ka na nila love."

Bigla akong hinug ni Kenji.

"Angge, salamat ha. Sorry naabala kita *sniffs* Sorry umiyak ako *sniffs*" sabi ni Kenji.

"Eh friend kita eh! Syempre dadamayan kita." Hinug ko rin siya.

Maya-maya may iniabot sya sa'kin na bracelet na gawa sa red na yarn na may 3 pearl beads.

"Oh ano 'to?" tanong ko.

"Gusto ko lang ibigay 'yan sayo." sabi nya habang pinapahid sa sando nya yung sipon nya.

"Para saan??" tanong ko.

"Ahmmm.. Angge.. Wag ka magboboyfriend ha? Ako magpapakasal sa'yo paglaki natin." sabi ni Kenji.

HA?? ANO DAW?! HAHAHAHAHAHA!

"Hoy! Aba! Kasal agad!? Eh ang bata pa natin ah HAHAHAHAHAHA" sabi ko.

He looked me straight in the eyes tas hinawakan kamay ko.

"Basta pag lumaki tayo papakasalan kita, Angge." sabi ni Kenji.

Luh? Bakit ang seryoso neto?

Pabiro ko siyang tinulak. "Umuwi ka na nga Kenji! HAHAHAHA dapat ikaw pinapatawa ko kasi ikaw yung umiyak eh." sabi ko.

"Angge, naman eh!" napakamot sa ulo si Kenji.

"Basta, wag ka magboboyfriend ha? Ako magpapakasal sa'yo paglaki natin."

"Weh? Promise?" sabi ko.

"Oo, pramis!" sabi ni Kenji habang tinatali sa wrist ko yung bigay nyang bracelet.

"Ang ganda pala netong gawa mo Kenji! Hahahahahaha!"

"Sige na Angge, uwi ka na sa inyo. Gusto ko lang talaga ibigay yan sayo." sabi ni Kenji.

"Ikaw din ha! Wag kang lalayas sa inyo! Uwi ka na rin!"

"Oo, uwi na rin ako hehehe"

Tumakbo na ako sa bike ko at kumaway kay Kenji.

"Babye Kenji! Thank you ulit sa bracelet!" sabi ko.

Kumaway pabalik si Kenji habang nakangiti ng sobraaang laki hahahaha.

Ang hindi ko alam....



Yun na pala ang huli naming pagkikita ni Kenji.

---- END OF PROLOGUE ----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Promise? Pramis! (SB19 Ken AU)Where stories live. Discover now