Kabanata 1

353 8 9
                                    

Masayang pinagmamasdan ni Klariz ang kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki. Habang tinatahak nila ang daan patungo sa lugar kung saan gaganapin ang kasal ng kaibigan nyang si Lindsay.

busy ang kanyang anak sa paglalaro ng kung ano sa ipad nito.

Hindi nya aakalaing bibigyan sya ng panginoon ng sobrang gandang regalo. Si david na siguro ang pinaka magandang blessing na natanggap nya sa buong buhay nya. Bukod sa gwapo ito ay napaka bait na bata. Magalang, matalino at sobrang bibo.

Ang anak nya ang pinakukunan nya ng saya. Si David ang ang lakas nya, at buhay nya. Hindi nya siguro kakayanin kapag nawala sa kanya si David.

Isang ngiti, halik o lambing lang nito sa kanya napapawi lahat ng pagod nya sa buong mag-araw. Nagpapasalamat sya sa panginoon dahil binigay ng diyos sa kanya si David.

"Bakit mommy?" Tanong nito sa kanya. Napansin siguro nito na nakatingin sya sa gawi nito.

"Wala! Ang gwapo lang kasi ng baby ko." Sagot nya na may ngiti sa labi. Sabay ginulo nya ang buhok nito. "Ugh! Mi? Why did you do that?"

"Asus, gwapo ka parin naman kahit gulo-gulo na buhok mo. Huwag ka mag-alala." Natatawang sabi nya sa anak. Napabuga ito ng hangin saka tumingin sa rear view mirror. "Hindi na kaya ako gwapo, gulo-gulo na e." Nagmamaktol na sabi nito.

"Asus binata na talaga ang baby ko ah. Kiss mo nga ako." Biro nya sa anak. na lalong nagpakunot lalo sa noo nito.

Natatawa nalang sya habang pinagmamasdan ang kanyang anak na nagmamaktol dahil hindi na daw sya gwapo dahil nagulo na ang hairstyle nito. Binata na nga ito dahil marunong nang mag Gel ng buhok at marunong ng magpagwapo.

Lumalaki na nga talaga ang anak nya. Kung pwede lang sanang hilingin na sana ganito nalang ang anak. Forever baby. iniisip palang nya na paglaki nito magkakaroon din ito ng sarili nitong pamilya at malalayo na sa piling nya, parang dinudurog na ang puso nya. Hindi pa sya handa sa mga ganoon. Kaya naman sinusulit nya na kasama ang anak.

Napahugot sya ng malalim na buntong hininga saka masayang pinagmamasdan muli ang anak. "Love you nak." Sabi nya. Napatingin sa kanya ang anak saka sabing "love you too mi."

"David." Tawag nya dito. Lumingon naman ulit ito sa gawi nya. "Nagtatampo si mommy sayo." Nakanguso nyang sabi. Natatawa naman itong tumingin sa kanya. At parang nag-iisip kung may nagawa ba ito sa kanya na hindi nya nagustuhan.

"Ha?"

Saglit nyang nilingon ang anak, sabay tingin muli sa daan. "Napapansin ko lang kasi, hindi mo na ko kini-kiss." Tampo nya. Napakunot at napangiti naman ang kanyang anak dahil sa sinabi nya.

Napansin nyang natahimik ito kaya nilingon nya ulit.

"Oh bakit? Totoo naman ah." Dugtong pa nya. "Binata na nga ang baby ko. hindi na ko kinikiss."

"Mi, sorry na. Ikaw naman." Sabi nito sabay halik sa pisngi at saka sya nito niyakap.

"Bakit sa pisngi lang?" reklamo nya.
mabilis pa sa alaskwatro ng halikan na nga sya ng anak sa labi. "Love you mi." Saka yumakap na sa kanya ng mahigpit. Lumipas ang ilang minuto nakayakap lang ito sa kanya. Tila ba ayaw nitong humiwalay sa bisig nya. Naglalambing lang ito sa kanya dahil sinabi nyang nagtatampo sya dito kaya todo kung lamibingin sya nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TADHANA KO'Y IKAW (KarJack Fiction)Where stories live. Discover now