chapter 16

1 0 0
                                    

Madilim at umuulan. Nasaan ako? Tumingin tingin ako sa paligid at may nakita akong babae. Lumapit ako para makita ko ang mukha niya. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko ng makita siya. Ako yung babae. Bakit nakikita ko sarili ko. Tatawagin ko sana siya pero hindi ako makapagsalita.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at tumawid, tumingin ako sa paparating na sasakyan, patuloy lang siya sa paglakad at hindi napapansin ang paparating na sasakyan. Konti na lang masasagasaan na siya, tatakbo na sana ako papalapit sa kanya pero hindi ko magalaw ang katawan ko.

Bumusina ng malakas ang sasakyan at napatingin ang babae, naestatwa naman siya at nawalan ng malay, bago siya masagasaan may lalaking tumulak sa kanya papunta sa kabilang kalsada. Laking gulat ko ng makita ang sarili ko na nakahiga at pinapalibutan ito ng mga tao. Ilang saglit pa ay may dumating na ambulansya. Napalingon naman ako sa isa pang pinapalibutan ng mga tao.

Dugo. Maraming dugo ang nakita ko. May nakita akong kwitas sa kamay ng lalaki. Nanlamig ang katawan ko nang makita ang kwintas ni Acci. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at napatakip ako ng bibig ng makitang nakahiga si Acci. May kumuha naman sa kanya at isinakay sa ambulansya.

"Acci!" Sigaw ko sa kanya.

Napabangon ako bigla at naramdaman ang luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang kirot nito. Panaginip lang iyon. Isang masamang panaginip lang iyon. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko nang maalala ang panaginip ko.

Tinignan ko ang orasan at tanghali na pala akong nagising. Ilang minuto akong nanatili sa kama bago ko maisipan mag ayos. Walang gana akong lumabas ng kwarto ko at pag kababa ko laking gulat ko nang makita si Gio, Aila at Kira kasama sila Mommy at Daddy at parang seryoso sila. Tumingin naman sila sa akin.

"A-Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko sa kanila. Lumapit naman sakin si Mommy at pinaupo ako.

"Anak nandito ang mga kaibigan mo para kausapin ka dahil sa kakaiba mong kinikilos nitong mga nakaraang linggo" sabi ni Daddy.

Kunot noo naman akong tumingin sa kanila. "Anong kakaiba?"

Lumapit naman sa akin si Aila at hinawakan ang kamay ko. "Jea huwag ka sanang magagalit. Nakikita kita palagi sa rooftop na parang may kinakausap ka kahit wala"

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "May kausap naman talaga ako Aila"

"Hindi Jea, wala kang kausap, hindi lang yun ang unang beses na makita kitang walang kausap. Kahit si Kira nakita ka niyang may kausap pero wala naman talaga"

"Ano? Sinasabi niyo bang imahinasyon ko lang iyon? Na nababaliw na ako?" Inis na sabi ko sa kanila.

"Hindi Jea, sinasabi lang namin yung totoo" sabi ni Kira.

Tumayo naman ako. "May kausap nga ako at si Acci iyon. Si Acci ang palagi kong kausap!"

"Patay na ang Acci na sinasabi mo!" Sigaw ni Daddy. Naestatwa naman ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"A-Ano? Paano niyo nasabi na patay si Acci eh hindi niyo nga siya kilala" umatras ako sa kanila. "Buhay si Acci" bulong ko.

Lumapit naman sa akin si Mommy na umiiyak. "Anak, tama na"

Love of WindWhere stories live. Discover now