Chapter 13

3.1K 59 0
                                    

Chapter 13

"Tatlong araw lang naman." Ika nito.

"Wait, wait. Nalilito ako, paki-explain nga ng maayos."

Yes nalilito ako, parehas lang siguro ito nung birthday ni Ex John. Pero date ang sinabi sa akin ni Kelvin non e, 'sort of' pa nga ang sinagot nung tinanong na mag-jowa ba daw kami.

Bumuntong hininga ito, "Ikaw lang kasi ang alam kung makakatulong sa akin dahil alam mo na man siguro ang dahilan."

"Na dakilang virgin ka? At ako ang nakakuha non at wala kang ibang kilalang babae dahil nahihiya ka at....." naputol ang sasabihin ko.

"Isipin mo na ang gusto mong isipin." Pagsuko nito. "Di ka naman malulugi pag tinulungan mo ako, babayaran kita ng triple pa sa sahod mo."

Tila luminaw ata ang pandinig ko sa sinabi niya. Pero model lang siya, saan naman siya kukuha ng pera? Di ako mukhang pera ha, pero pera na yun e. Makakabili na ako nun ng maraming gamit na gusto ko.

"Model ka lang di ba?" Alangan na tanong ko dahil di parin ako matahimik kung saan siya kukuha ng bayad.

May kinuha ito sa kanyang bulsa at inilapag sa mesa ang apat na Credit Card.

"May laman ba yan?" Tanong ko uli.

"Simula nung sinabi ni Princess Evangeline kay papa na may girlfriend ako ay muli nitong binuksan ang mga bank account ko." Sagot nito.

Evangeline? Yung ka date ni John sa birthday niya? Yung makatingin sa akin ay tila may nagawa akong mali sa kanya?

"Ha?" Katagang lumabas sa bibig ko.

"Kilala mo naman si Princess..."

"Oo, explain mo pa. Di ko pa kasi naiintindihan." Putol ko sa kanya.

Tumango ito tila nakuha ang ibig kong sabihin.

"Naka-arrange na kasi ang buhay ko at ang mga magulang ko ang pasimuno." Umpisa nito, tango lang ako ng tango. "Katunayan ikakasal na sana ako pero nagmaka-awa akong hindi ituloy dahil ni minsa'y di ko pa nakikita ang babaeng ipapakasal sa akin at wala pa akong karanasan kahit magka-GF man lang." Dagdag nito na ikinalalag ng panga ko.

"Nung una'y di sila pumayag pero kalaunan ay sumangayon na sila pero kapalit ng isang kondisyon."

"Anong kondisyon?" Tanong ko.

"Hahayaan nila akong maghanap ng mapapangasawa ko kapalit ng pagputol sa lahat ng pag-aari ko. Gaya nalang niyan." Sagot nito at itinuturo ang mga Credit Card.

Tumango ako para ipagpatuloy niya ang sasabihin niya. Muli niyang iniligpit ang mga Credit Card at itinago muli sa bulsa.

"Di ko gusto ang kondisyon na yun kaya lumayas ako, tangap ko na na wala akong makukuha galing sa kanila kaya binuhay ko ang sarili ko sa pagmo-model. Nung una'y nahirapan ako pero nakabangon rin sa tulong ng mga kaibigan ko." Pagpapaliwanag nito.

"Kung maayos na ang buhay mo? Bat kailangan mo pa ng may magpangap na kasintahan mo? Para ba to sa kondisyon nila?" Tanong ko muli.

"Nabalitaan kong may sakit si papa at malubha ito. Ang tanging hiling lang niya ay makita ako na may ipakilalang babae sa kanya." Sagot nito. "Lubha daw itong nasiyahan ng masabi ni Princess Evangeline na may dinala akong babae sa birthday ni John at ang pakilala ko raw rito ay kasintahan ko, ikaw yun Cassandra." Seryuso nitong dagdag.

Unti-unti ko nang nakukuha lahat. Gusto lang ni Kelvin na mapasaya ang ama nito kahit labag sa kalooban niya. At naiintindihan ko rin bat ako ang mas makakatulong sa kanya dahil kay Evangeline. Kung magdadala ito ng ibang babae ay agad itong mamumukhaan ng step sister niya maari pang malaman ng ama ni Kelvin na nagpapangap lang ito.

"Okay." Masayang bigkas ko.

Lumukot ang noo nito sa tinuran ko. Nalilito ata.

"Tutulungan kita kahit di mo na ako bayaran." Pagpapaliwanag ko.

Oo, masarap tumulong lalo na pag may kapalit na malaking halaga pero naalala ko ang mga pagliligtas niya sa akin sa Canada, kulang pa nga to sa mga tulong niya.

"Salamat." Pagpapasalamat nito, bakas sa mukha niya ang saya sa narinig.

"Kaylan tayo magsisimula?" Tanong ko.

"Kung pwede,..." natigilan ito. "Malubha raw ang sakit ni papa." Nag-aalalang dagdag nito.

Kitang-kita ko ang pagmamahal sa kanyang mata kaya agad kong naunawaan ang gusto niya.

"Sigi. Tatlong araw lang naman di ba? Sigurado akong peperma pa ang hospital kung magfi-file ako ng leave."

"Pwede bang bukas na?" Mahinang tanong nito.

Ngumiti ako at tumango. Di ko alam kung anong mayroon sa akin na gustong-gusto ko siyang tulungan, siguro sa awa lang to.

Agad namang na permahan ang biglaang kong leave, pinasa ko ito online. Ganon pa rin ang dahilan ko bat ako magle-leave for medical attention. Nagtext na rin ako kay Nurse Joy na aalis ulit ako ng tatlong araw, nagulat nga ito sa biglaan.

Napagpasyahan namin ni Kelvin na umalis bukas para puntahan ang Rest House ng pamilya nila sa palawan, nalaman ko rin na taga Canada ang ama nito at ang may ari ng hotel na tunuluyan ko roon. Kaya naman pala di siya komportable ng makapasok roon. Meron lang bumabagab sa akin, bakit nasa Canada ng mga panahong yun si Kelvin kung umiiwas siya sa ama niya? Coincidence lang ba na magkita kami, baka ganun na nga.

Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Kelvin. Malayo-layo kasi ang airport mula sa amin. Kakaiba ang mood ngayon ng lalaking nagmamaniho, parang kinakabahan ito. Natatakot na nga ako baka madisgrasya kami.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating kami sa paliparan. Natapos rin ang mahaba-habang katahimikan sa byahe. Pero hanggang ngayon tahimik parin si Kelvin, something is weird.

"Na pano ka?" Tanong ko dahil di na ako mapakaling alamin kung bakit siya ganon.

Oo, normal kabahan. Pero kakaiba talaga ang sa kanya, kulang nalang ata tumalon siya sa building sa mga iniisip niya. Kanina pa siya tahimik.

"Wa-wala." Sagot nito.

Tumango nalang ako at di na nagtanong muli. Baka magalit, mapahiya pa ako rito. Ano kayang iniisip niya?

Ng matapos ang kaylangang gawin ay nagawa ko na ring umupo sa malambot na upoan sa loob nitong airplane. Medyo na pagod rin ako at sa pagkaka-alam ko halos 30 minutos ang itatagal namin sa himpapawid kaya mas mainam na matulog kay sa mulat sa katahimikan ng lalaking katabi ko.

"Palawan here I come!" Bulong ko sa sarili at siniguradong walang makakarinig sa akin.

Excited kasi ako! Maganda raw kasi ang palawan, mayaman sa magagandang tanawin gaya ng malinis na dagat, payapang lupain. Picture perfect para makapag-bakasyon. Oo, aware ako sa dahilan namin sa pagpunta ng palawan, hindi magbakasyon kundi magpanggap. Pero baka naman may time ako sa tatlong araw na yun bumisita sa isang beach lang man, makabawi lang sa di ko na-feel na Canada.

Velazquez Blood: Untouched ManWhere stories live. Discover now