CHAPTER FOUR: Tell Me What To Do

157 7 15
                                    

CHAPTER FOUR - Tell Me What To Do

NAKA-DALAWANG rounds pa si Blanc at Wallace bago tuluyang nag-decide na kumain na. Sa wakas, dahil kanina pa sila hindi kumakain ng totoong pagkain. Nakaramdam na sila ng totoong gutom ng katawan nang manghina sila sa ilang beses na pagniniig.

Nagpasya ang dalawa na kumain sa pinakamalapit na restaurant. They ordered a group meal that can be shared with six to eight persons. Obviously, because...

"Grabe, magana ka kumain, 'no?" tanong ni Wallace habang hawak-hawak ang isang chicken lollipop na kakasawsaw lang niya sa gravy.

"Nagsalita ang naka-eleven na chicken lollipop na," tugon ni Wallace habang nagbabalat ng pang-siyam niyang hipon. Naging bundok na ng balat ng hipon ang plato sa tabi nito.

"Nakakagana kasi kumain 'pag magana ang kasama kong kumain," ani Blanc, na inilagay ang buto ng manok sa kabilang plato.

"Love ko lang talaga ang mga hipon. Ang sarap kasi. Ikaw, hipon ka, 'di ba?" tudyo ni Wallace.

Bakas sa mukha ni Blanc ang kalituhan. "Hipon? Ako?"

"Tanggal ulo, kain katawan," natatawang sabi ni Wallace.

Mukha namang naintindihan ni Blanc ang nais ipahatid ni Wallace. "Ay, grabe po siya. Matapos niyang pagsawaan ang katawan ko kanina, sasabihin pa niyang hindi ako good-looking. Don't you find my face attractive?"

Kinindatan ni Wallace si Blanc. "I'm just kidding. You're the handsomest."

"Hmp. Palibhasa, lollipop," mahinang turan ni Blanc.

Napaangat ang tingin ni Wallace kay Blanc. "I'm sorry, what? Lollipop."

"Kain ulo, tapon katawan."

Napahalakhak si Wallace, saka itinaas ang suot na tank top at ipinakita ang well-sclupted na katawan nito. "You know it ain't true."

"I'm just kidding. You're the yummiest."

Napailing na lang si Wallace. "Yummiest. Naku, baka kapag nag-live in na tayo, patabain mo ako."

At the corner of his mouth, Blanc showed Wallace a sweet smile. "You're really thinking of us being together, huh."

"So, there's an 'us' na? Interesting," ani Wallace.

"You tell me, hot stuff. Matapos ang lahat ng nangyari ngayong araw na ito, ano sa tingin mo ang mangyayari bukas?"

Kinuha ni Wallace ang basong naglalaman ng lemon juice at lumagok, saka sinagot si Blanc. "Well, I don't really know."

Sinipat ni Blanc ang oras mula sa telebisyon kung saan kasalukuyang nasa news channel ito. "Sabagay, alas-kuwatro pa lang ng hapon. Maaga pa. May eight hours pa bago matapos ang araw. By the way, thanks for lending me your clothes. They fit well with me."

Blanc was wearing a plain white V-necked shirt, a pair of straight-cut jeans, and his black leather shoes, na hindi na pag-aari ni Wallace. Si Wallace naman ay naka-tank top pa rin at ripped jeans.

"No problem. Buti nagkasya sa 'yo."

"Yeah. Ang init kasi ng tux na suot ko kanina sa wedding. Kailangan kong—"

Speaking of wedding, napahinto si Blanc nang makita niya ang palabas sa TV. It was flash news. Napukaw nito ang atensiyon niya dahil sa on-screen text.

IRRESISTIBLE (A Sultry Duology of Whirlwind Gay Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon