"BAKIT ba kasi pumunta ka sa malaking bahay hindi ba may trabaho ka?" Sermon sa kanya ng kanyang ama. Naiiling ito habang nakatingin sa kanya na napapangiwi habang hinihilot ang kanyang paa at balakang.
"Sinamahan ko lang naman po si Manang Alma." Sagot niya at mariing napakapit sa mesa nilang yari sa kawayan upang pigilan ang malakas na pagtili.
"Tiisin mo lang iha." Sabi ni Aling Alma na siyang naghihilot sa kanya. Tumango siya bilang sagot.
"Ikaw talagang bata ka, saan ba ako nagkulang ng pagpapalaki sa'yo." Kunsimisyadong tugon ng kanyang ama.
"Hindi naman ako lumaki five nga lang height ko." Napangiwi siya ng akmang hahampasin siya nito ng hawak na maliit na tuwalya.
"Hindi ka nga lumaki pero 'yang bibig mo napakalaki. Kanino ka ba nagmana ha? 'Yong nanay mo noong nabubuhay pa hindi naman chismosa ni hindi nga lumalabas ng bahay tapos ikaw halos gawin mo ng bahay ang labas." Alam niyang iritang irita na ito sa kanya ngunit hindi niya magawang dibdibin ang mga sinasabi nito dahil maliban sa wala naman siyang dibdib alam niyang mahal na mahal siya nito.
"Kung hindi ako nagmana kay nanay at hindi rin sa inyo 'tay baka sa kumpare niyo." Ngising ngisi siya dahil sa pagsasalubong ng kilay ng kanyang ama. Pikon talaga ito kaya tuwang tuwa siyang biruin. "Lagot ka baka nagkabit si nanay, nasalisihan ka siguro noong nag-aararo ka sa bukid tapos si nanay inararo ng kumpare mo."
Masamang masama ang tingin nito at tuluyan siyang napahagalpak ng tawa dahil hindi na ito nakapagpigil na paluin siya ng hawak na good morning towel. "Napakadumi talaga niyang bunganga mong bata ka saan ka ba nagsususuot at nakakapagsalita ka ng ganyan."
Sinasalag niya ang bawat hampas nito habang patuloy sa pagtawa. "Joke lang 'tay sa'yo talaga ako nagmana dahil gwapo ka tapos ako maganda." Sa wakas ay tumigil ito samantalang siya ay halos makalimutan ang kirot ng katawan dahil sa kakatawa.
"Maganda ka nga pero malaki bunganga mo." Seryosong tugon nito.
Napahawak siya sa dibdib at napangiwi. "Ouch 'tay realtalk agad agad?" Kunwari ay nagdamdam siya ngunit ay totoo ay nagbibiro lamang siya. Alam niyang malaki ang bunganga niya at hindi na iyon bago dahil ang pagiging malaki n'on ay asset niya. Mas lalo siyang gumaganda dahil doon lalo kapag nakalipstick.
"Sinisubukan mo pasensya ko. Nakakahiya kay Sir Leo at nanggulo ka pa sa bahay niya."
"Sino po ba naman kasi ang hindi magugulantang kung may malaking cobra d'on sa bahay nila?"
"Paanong nagkaroon ng cobra doon kung napakalinis naman ng bahay nila at malayo sa kagubatan?" Hindi pa rin iton kumbinsedo. Napangisi na naman siya dahil muling sumagi sa kanyang isipan ang nakita niya. Kung kanina ay takot na takot siya ngayon ay hangang hanga na dahil sa laki niyon at totoo nga ang mga usap usapan.
Aabangan ko siya bukas na magjogging gusto kong makita ang mukha niya. Bulong niya sa kasulok sulokan ng kanyang isipan.
"Tay narinig niyo na ba 'yong kasabihan na hindi lahat ng ahas nasa gubat?"
Tumango tango ito. "Kunsabagay may punto ka."
"At narinig niyo na rin po ba 'yong kasabihan na hindi lahat ng nasa pagitan ng hita ng mga lalaki ay hotdog ang iba cobra." Nakagat niya ang mga labi upang pigilan ang pagbunghalit ng tawa dahil halatang napaisip ang kanyang ama.
Ilang sandali pa ay umiling ito. "Matanda na ako pero ngayon ko lang narinig ang kasabihan na 'yan."
Halos mautot na siya sa pagpipigil ng tawa at napatikhim nang tumingin sa kanya ang ama. "Siguro po nakaligtaan niyo lang."
BINABASA MO ANG
Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion (PUBLISHED under Immac PPH)
General FictionIf you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and Publishing House. She's willing to sacrifice everything for her father's freedom and safety. Kaya n...