Birthdays are Happy,Not until My Birthday Came

32 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa sala nakaupo,nagse-cellphone at pascroll-scroll lang sa fb habang si papa nasa kusina nagluluto para sa tanghalian naming dalawa.

Yap para saming dalawa lang. Kaming dalawa lang kasi ang natira dito sa bahay. Lima kaming magkakapatid pero yung apat kong kapatid nasa ibang lugar. Yung panganay si kuya reigan nasa mindanao,yung pangalawa si ate shaine nasa visayas at yung pangatlo at pang apat sina ate mae at ate angel nasa maynila. Habang kami ni papa nandito sa probinsya.

Walang ganang nag scroll up-scroll down lang ako sa fb hanggang sa huminto ako sa pagscroll sa larawan ng isa sa mga fb friends ko. Masaya ito sa picture,mga sampung picture din yung  in-upload nito.

May caption na "Thank you guys for every thing,ang saya ko ngayong araw ng kaarawan ko. Kumpleto ang pamilya ko,mga kaibigan at nandito din ang iba ko pang mga kakilala. Salamat sa lahat ng bumati saakin ng 'Happy birthday' at sa hindi pa nakakabati bumati nakayo plus regalo niyo haha just kidding,pero salamat sa lahat guys lalo na kay lord at kumpleto kami ng pamilya ko ngayon".

Tinignan ko isa-isa ang mga picture. Nalaman kong 17 years old na yung babae na nagbirthday ngayon dahil sa ilang caption nito.

Naalala ko din bigla kung anong petsa ngayon,its April 24,2020.

Napangiti nalang ako ng mapakla. Gaya nung babae sa fb,birthday ko din ngayon,17 years old nadin ako,pero di tulad sakanya masaya siya kasama ang pamilya niya mga kaibigan at kakilala samatalang ako,nandito sa bahay lang nakaupo at nagsecellphone. Walang pakialam kung espesyal man ang araw ngayon.

Napaisip ako bigla.

Its been nine years,no ten na nga eh simula nung iwan niya kami. Di ko matanggap na iniwan na niya kami ng tuluyan.

Masaya kami nun nung araw na nandito pa siya,nagsecelebrate kapag may espesyal na okasiyon. Sama-sama kami liban nalang sa kuya reigan ko at ate shaine dahil may pamilya na kasi sila nun.

Tanda ko pa nung grade 1 ako,it was my 6th birthday,April 24,2009. Kasama ko silang lahat except dun sa dalawa kong kapatid na may pamilya na. May handa ako nun nung birthday ko,ang saya namin. Tanda ko pa yun,nakakalong ako kay papa habang yung dalawa ko pang kapatid nasa tabi niya nakaupo habang siya nandun din kasama namin.
Napakasaya ko nung araw na yun.

Then November 2009 came,nalaman nila papa na may dinadamdam pala siya nun dahil bigla nalang itong nagsuka ng dugo.

Dinala siya nun ni papa sa hospital at nalaman ni papa na meron na pala itong Tuberculosis or Tb. Nagtagal din siya sa hospital ng dalawang buwan pero ni minsan hindi ko siya nabisita man lang. Hindi kasi ako pinasasama ni papa,ang laging rason niya ay bawal ang bata sa loob ng hospital. Hindi daw papapasukin pero kung papapasukin man tuturukan daw ng injection hahaha.

Ako lang ang hindi nakakasama sakanila bumisita sakanya nun,samantalang sina ate mae at ate angel ilang balik na silang bumisita sakanya.

January 2010,nakalabas na siya sa hospital,ang sabi daw nung doctor kay papa wag daw muna pagbubuhat ng mabibigat dahil baka mabinat daw ito. Pahinga lang daw at dapat ay hindi hahayaan na lumipas ang isang araw na hindi ito nakainom ng gamot niya.

Pero hindi lang pala sa baga ang sakit niya dahil umabot na ito hanggang sa buto niya,hindi ko alam kung ano ang exact na sakit niya pero ang sabi kumplikasyon na raw sa buto at baga.

Matigas ang ulo niya kaya hindi maiwasan nito na magbuhat ng mabibigat at kung ano ano pa ang pinag-gagagawa.

Lumipas ang February na wala naman siyang nararamdaman na iba hanggang sa matapos ang buwan february at dumating ang March.

Mismo,nakita ko mismo kung paano niya sinuka ang sarili niyang dugo. Wala nun si papa at kaming tatlo lang na magkakapatid at siya ang nasa bahay.

Hindi namin alam kung anong gagawin naming tatlo nung makita namin siya na sumusuka ng dugo. Tinawag at sinabihan nalang namin yung tita namin na nagsusuka nanaman siya ng dugo.

Birthdays Are Happy Not Until My Birthday CameWhere stories live. Discover now