ᜁ̊ᜃᜎᜏ

58 5 52
                                    

DALAWA

Sa 'yong paghimbing
Nakaraa'y mararating
Yaong buwan sa'yo'y ipapataw
Kaluluwang magbabalik-tanaw

Walang pasok nang mapagpasyahan ng magkakaibigan na maglaro ng kanilang paboritong sports---basketball. Magagaling maglaro ang tatlo ngunit sa labas lamang at tinanggihan nila ang paglalaro para sa kanilang paaralan.

Larong kalye lang, kung tatawagin, ang ginagawa nila. Ngunit kahit ganoon, marami ang nakinood sa paligsahan. Wala naman itong gantimpala, nagsisilbi lang itong pampapawis sa kanila.

Maingay ang loob ng court habang nasa gitna ng init ang labanan. Nasa panghuling kuwarter na sila ng kabuuan kaya mas lalo iyong nangibabaw. Hindi naman magkamayaw sa pagtili at pagsigaw ang mga tao sa paligid, lalo na ang mga kababaihan.

"Go! Go, mga bebe ko!" sigaw ni Iyah, na noo'y sumama sa kanila.

Hindi na rin iba ang dalaga para sa kanila. Simula nang tumuntong silang apat sa kolehiyo ay naging kaagapay na rin nila ang isa't isa. Naging kaibigan nila ang dalaga dahil parati itong nakabuntot sa kay Narkong simula senior highschool.

Ang tatlo naman ay magkakaibigan na noong mga bata pa lamang sila dahil nagkakakaibigan din ang mga ama, simula nang lumipat ang pamilya ni Lunarco sa bayan ng Irawan.

"Three points! I love you, Narkong!!" Tumili si Iyah matapos makapuntos ng binata, na seryoso naman sa mga oras na iyon.

Nagtagal ang mainit na laban ngunit sa huli, nanalo ang mga ito.

Pawisan ang tatlong lumapit sa upuan kung nasaan si Iyah. Tumayo ang dalaga at binigay kay Narkong ang pamunas nito at inumin. Tinanggap ito ni Narkong.

Pawis na pawis ang lalaki. Ang malinis na gupit ng buhok ni Narkong ay humaba at bumagsak pang lalo sa pagkakabasa. Tumutulo ang butil ng pawis mula sa dulo ng buhok nito.

"Grabe! Taga-buhat talaga kayo ng team niyo. Panis! Kayo na ang dayo, kayo pa winner.." sikmat nito habang pinapanood si Narkong na nagpupunas habang umiinon ng malamig na tubig.

"Ano pa ba nga ba, Iyah?" si Tupe, nagyayabang.

"Nakanang pucha! Ba't si Narkong lang binigyan mo ng pamunas at tubig? Unfair talaga 'tong babaeng 'to oh.." panunukso ni Shan habang hinahalungkat sa kabilang duffle bag ang tuwalya.

Hindi alintana ni Iyah ang mga babaeng nagbubulungan sa paligid, habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman kasi mapagkakaila ang lumilitaw na katangkaran at kagwapuhan ng tatlong binata.

Baliwala iyon kay Narkong na salubong ang kilay at sobrang seryoso, animong hindi nanalo. Ang dalawang kaibigan naman ay nginingitian ang babaeng tumatawag sa kanila.

"Pa-milktea naman kayo! Panalo eh!"

Anyaya iyon ni Iyah nang makalabas silang court.

"Sige ba! Basta utang mo 'yan, sa Lunes ang bayad." Ngumisi si Shan sa kaniya.

"Luh, libre nga!"

"Tuleg! Wala nang libre sa panahon ngayon. Ano ka? Chix?"

Sumimangot ang dalaga. "Damot! Pisting yawa ka, giatay!"

Tayo, Kahimanawari ✓ (ANLS #1/) Where stories live. Discover now