STARTING TOMORROW.

26.3K 327 12
                                    

"Patricia gumising kana, may importante pa tayong lalakarin, gising!" Yugyog nang magaling kong kaibigan na si Kate.

"Tulog mantika ka ulit, ni-fired kana dahil sa katagalan mong gumising, babaeng ʼto... anong gusto mo? Yang laway mo isasala natin nang baso? Para may mantika tayo mamayang gabi?" sigaw na tanong ni Liza, dahilan para itayo ko ang aking katawan sa pagkahiga sa kama.

"Oo na, gigising na. Ang ganda nang panaginip ko at e-epal kayo! Inaano ko ba kayo? Kapag kayo ang natutulog hindi ko ginigising. At ngayon, satsat kayo ng satsat!" bulyaw ko at kinusot-kusot ang mga mata.

"Maghahanap ka ba ng trabaho o hindi!?" tanong na sigaw nang dalawa kong kaibigan dahilan upang takpan ko ang aking dalawang tainga.

"Trabaho? oo nga pala. Nangangailan ako nang pera, salamat sa paalala!" ani ko at kanila ko silang tinakasan.

~Fast Forward~

"Hoy! nakahanap na ako ng trabaho." Salubong sa amin ni Liza na ikinaigtad ko.

"Ako din, nakahanap na din ako. Salamat panginoon!" wari ni Katie na may ngiti sa labi at tmungo sa aking pwesto.

"Ikaw Patricia? Nakahanap ka na ba?" Pagtatanong ni Liza sa kinatatayuan ko.

"Wala pa, lahat ng kompanyang pinasukan ko ay wala nang bakante." matamlay kong sagot at tumingin-tingin sa paligid upang maiwasan ang kahihiyan.

"Yang kumpanyang yan napasukan mo ba? Ang CEO riyan ay nag-ngangalang Davich Zellweger." turo ni Katie sa kompanyang malayo ang agwat sa amin ngunit makikita mo ang kataasan nito.

Napalingon ako sa harapan at tinitigan ang mataas na building. Sabagay malaki rin ang kompanyang tinutukoy ni Katie, malaking sahod, maganda.

"Sa pagkakaalam ko ay ang nag-mamay-ari nang kompanyang yan ay mapili. Sabagay, boss nama... subalit kung pumasa ka, mag-ingat ka." Paalala ni Liza.

" 'Saka balita ko; Top 1 yan sa search list at isang sikat na kompanya dito sa ating bansa ngunit pumipili ang nag-mamay-ari kung sino ang tatanggapin niya. Depende kung tipo niya." dagdag niya pa.

"Sige. Hintayin niyo nalang muna ako."
Tumakbo ako patungo kompanyang itinuro nila at lumapit sa g'wardya.

"Manong, maari po ba na pumasok? Mag-apply po sana ako nang trabaho." Tumango-tango siya at binigyan ako nang matamis na ngiti.

"Salamat! "

"Panginoon, kung papalarin niyo po ako... gabayan niyo sana ako." Dalangin ko at pumasok.

"Miss sino po sila?" tanong nang magandang babae na nakabihag nang paningin. Kulay ginto ang buhok at hugis puso ang mukha. Kulay asul ang kaniyang mata at may katangkaran. Seksi at ni isa walang tigyawat.

"Mag apply po sana ako ng trabaho kung may bakante." Binigyan niya ako nang matamis na ngiti at sinamahan papuntang elevator, "Miss, ilang floor po ba ang opisina ng Amo ninyo?"

"20th floor miss. By the way I'm the Assistant of Mr. Zellweger - Tricia Dizon." nilahad niya ang kaniyang kanang kamay upang makipag-mano sa akin.

"Patricia Jones." Tangi kong banggit at tinanggap ang kaniyang kamay. Kung ako lang ang amo nito matagal kona itong inalagaan.

"Nice name." aniya.

"Salamat."

Kung kukulitin ko ito maaring hindi kona mapapa-aral ang kapatid ko at mauuwi sa putukan.

~ After a while ~

"Here we are miss, just sit there at hintayin niyo na lang po na tawagin kayo. For sure, matatanggap kayo." aniya at binigyan ako nang matamis na ngiti bago ako iniwan.

Nanatili akong nakaupo rito sa upuan habang hinihintay ang ibang makapasok, madaming babaeng pumila na nakaupo rito at nakakabihag nang paningin ang kanilang hugis nang mukha at katawan.

Makinis ang balat, malumbay na buhok, walang tigyawat, may katangkaran at 'di katulad kong may lahing kapandakan. Subalit walang mawawala kung ipagkalat ang lahi.

"Next!" tawag nang sekretarya at lumabas ang isang babae, makinis ang balat at halatang tao sila.

Sa kalahating oras kung paghihintay ay ako na ang pinapasok.

Nakaramdam ako nang pangangamba at panginginig nang binti noong ako ang isinunod, wari sa mata nang taong aking kaharap ngayon ang matalim na tingin habang ang paa ay nakapatong sa kan'yang mesa.

"Wala kang planong umupo?" taas kilay ng lalaking nakaupo habang ang dalawang paa ay nasa lamesa, abaugh! Siraulo rin to, paano ako uupo kong nakaabang ang sapatos niyang madumi sa akin? Pilit akong umupo at inirapan s'yang palihim.

"Your name?" tanong sa kabilang linya.

"Patricia Jones sir."

"If you aren't interested, you can go back to your home." walang emosyong niyang sambit habang nanatiling nakapatong ang kanyang paa ngunit agad din niya itong pinababa at tinitigan ako sa mata.

Nakahithit ba'to at gan'to maka-asta?

"I am willing for this job, sir."

"Single?"

"Opo"

"Great and since, I am running out of time, starting tomorrow you must follow the rules. Trisha, tell them that there is no vacant." malamig nitong ani at inayos ang kan'yang terno bago sinout ang kaniyang maitim na salamin at lumabas kasama ang mga lalaki naka-itim ang bihis.

Lumabas akong may ngiti sa labi at pinigilan ang sariling tumili. Nang makalabas ako sa mataas na kompanya ay sinalubong ko ang dalawang kaibigan na halatang nababangot sa kakahintay. "Salamat, panginoon. Kyah! tanggap ako." Tili ko at tumalon-talong 'saka nakipag-shake hands sa dalawa na ngayon ay tulalang tumitingin sa akin.

" Tanggap ka ba kaya abot kalye ang ngiti mo?" tanong ni Katie na wari sa mukha nito ang kamangmangan.

"Weird." Dagdag niya pa.

"I'm literally hired!" tanging sambit ko at hindi mapigilang ngumiti.

...

I rewrite the plot. If you have time, pls read my new book, title: THE CEO WANTS ME.

My Possessive Boss [Completed] Where stories live. Discover now