Lost But Found

754 23 3
                                    

Ken's POV

Bumaba ako sa sasakyan at sinuot ang baon kong polo. Agad kong tinungo ang kumpulan ng mga tao sa harap ng Hotel.

"Pare! halika. Nako, congrats sa inyo ni mare ha. Kinasal na ang unica iha niyo" tinawag ako ni Tonton sabay kamay sakin.

Napangiti naman ako ng malapad. Bilang ama ay napakasaya ko ngayong araw. Kinasal na ang panganay namin ni Rita. Hindi na ko nakapunta sa kasal. Nahihiya ako. Masakit man sakin, kinalaingan kong di puntahan ang mismong seremonyas ng kasal.

Alam kong andito si Rita, she wouldn't miss our daughter's wedding.

Nasan na nga ba si Rita? Hinahanap siya ng mga mata ko ngayon. Impossibleng di ko lang siya napansin. Litaw ang ganda ng asawa ko sa kahit saang lugar.

"Dad, tawag ka ni Mom. Mag family picture daw tayo" walang emosyon na sabi ni Kenzo sakin. Tumingin naman ako sakanya at nagsukli ng ngiti.

Napakatangkad na ni Kenzo. Hindi ko alam na mas matangkad na pala sakin ang anak ko.

Lumapit ako sa babaeng nakatalikod na may kausap na isang babae din.

Kahit nakatalikod siya ay kilala ko ang katawan ng asawa ko. Ilang taon naba ang lumilipas? 25 years na kaming kasal pero bakit ganun? Hindi pa din siya nagbabago. Siya pa din ang pinakasexy sa paningin ko. Ang kilabot na chicks noong araw na halos pilahan ng mga lalaki.

Napaka swerte ko at ako ang sinagot niya at pinakasalan. Katakot takot na pamamanhikan ang ginawa ko makuha lang ang kamay ni Rita, masyado kong pinahirapan ng tatay niya. Pinagsibak at pinag-igib. Mismong bahay namin ay ako ang pinagtayo ng ama niya.

Pero ayos lang, worth it ang lahat. Kasi nakasal ako sa babaeng pinakamamahal ko.

Humarap si Rita sakin at matipid na ngumiti. Napakaganda pa din niya talaga. Walang kupas, tila di nagdaan ang panahon. Sumikip ang dibdib ko, may edad na talaga ko hahaha. Naninikip nang dahil sa bugso ng nararamdaman ko, pagmamahal sa babaeng nakatingin sakin ngayon.

Hindi ko namalayan na natulala ako sa kagandahan ng asawa ko.

Umubo si Kenzo, dahilan para mapakurap ako at magising sa pagmumuni ko.

Tumabi ako kay Rita at umayos kami ng pwesto.

*click*

"Nako Daddy, mamaya na yang pagtitig mo sa ganda ni Mommy. Formal picture muna tayo ng family" nakangiting puna ng photographer sakin.

Kanina paba ko nakatingin sakanya? Hindi ko na alam. Masyado ko lang siguro namiss ang presensya niya.

Paano ba namang hindi? Ngayon ko lang siya nakita ulit makalipas ang sampung taon.

-----

Unang sumayaw ang bagong kasal na si Kenzie at James. Lahat ng tao ay nagdidiwang para sa dalawa.

Nakaupo naman si Ken sa di kalayuan. Tanaw niya ang anak niyang nagsasayaw. Napadako ang mata niya sa asawa. Kabado siyang tumayo at lumapit kay Rita.

"Maaari kabang masayaw Rita?" nanginginig pa ang kamay ni Ken na nakalahad sa harap ni Rita.

Tumayo si Kenzo, akmang pipigilan ang ama ngunit hinarang siya ni Rita.

Tinanggap ni Rita ang kamay ni Ken. Dinala siya ng mister sa dancefloor sa gitna.

Tila naman natuod si Ken sapagkat napakalapit ng asawa niya sakanya ngayon. Ngumiti si Rita at kumapit sa braso neto sabay hawak kanang kamay ni Ken.

Umayos si Ken at yinapos ang bewang ng asawa. Kasabay ng musika ang pagtigil ng panahon para sa kanilang dalawa. Nakatitig sa isa't isa na tila nag uusap ang mga mata. Damdamin sa damdamin. Puso sa puso.

Ritken Happens | ONESHOTS✨Where stories live. Discover now