Unintentional Intention

435 25 12
                                    

Daniela's POV

Alas-kwatro pa lang ay tapos na kami mag-rehearse. Pumasok na kami lahat sa dressing room at nag ayos.

Ako ang gumagawa ng sarili kong makeup. Bilang isang alagad ng teatro ay dapat maalam ka sa lahat. Nagsimula ako sa props making, lights and sound, prod team sa likod, supporting character at hanggang sa ito na nga, ako na ang bida.

Bida sa sarili kong musical.

---------

Ken's POV

Sinama ko ang girlfriend kong si Arra na manood ng play dito sa UP Diliman. Sinabi ko kasi sakanya na natanggap din ako dito at next week na ang simula ko. Gusto ko lang na makita namin ang production bago ko sumabak.

Nagsimula na ang play at talaga namang napanganga kami. Napakaganda ng buong set, walang dead air. Buhay na buhay ang entablado. Nakakamangha ang buong cast and to think na makakasama ko ang mga ganitong katalented na tao, sobrang excited na ko.

Hindi ko naman maiwasan na idolohin ang babaeng bida. Magaling ito at napakaganda ng boses. Napakalakas ng presensya neto sa entablado, kaya niyang i-capture ang atensyon ng buong audience.

Masasabi mong siya nga talaga ang bida. Karapat-dapat na bituin ng Teatro ng UP.

--------

Makalipas ang isang linggo ay kabado na tinungo ni Ken ang likod ng teatro. Nakita niyang nag-eensayo na sila at mukhang maaga silang nagsimula.

"Guys, may I have your attention please? Gusto kong ipakilala ang bago nating lead actor si Ken Chan" pumalakpak ng malakas si Director Chona at inakbayan si Ken.

"Late ka, don't do it again next time" mataray na sagot ni Daniela sabay talikod.

Nag hi naman ang buong team kay Ken. Nakangiti silang lahat maliban sa isang tao, si Daniela.

"And this is Daniela, our rising star. Pagpasensyahan mo na yan, that's her usual self" turo ni Chona kay Daniela. Umirap naman si Daniela dahilan para matawa ang buong cast. Sanay na kasi sila sa pagsusungit ni Daniela pag may bagong salta sa team nila.

Mabait naman ito at professional, it takes time lang talaga bago siya maging warm sayo.

--------

(After 1 month)
Daniela's POV

Nagpatawag naman ng late meeting si Direk Chona about sa new musical play na gagawin namin.

May lakad pa sana ko eh pero di kasi pwedeng mawala ako dun. Pumasok ako sa B-1 conference room na nakalagay sa email blast na sinend niya kanina.

Isang tao pa lang ang nandun, si Ken yung bagong co-lead ko. Nag hi naman siya at tumango lang ako.

Isa isang nagdatingan ang mga kasama namin, lahat naiintriga sa bagong play na gagawin.

Huling huli na dumating si Ms. Chona at nakita namin na may hawak siyang makapal na folder.

"You're all familiar naman with A Walk To Remember 2002 film diba? That's our new musical. Ken ikaw si Landon and Daniela you'll be Jamie" binigyan kami ng details ni Direk at listahan ng mga kanta.

Binuksan ni Ms. Chona ang projector at pinanood naming lahat yung film. Mahalaga to para makapagbrain storm na kami at ma-internalize ang gagawin naming musical.

-------

Ken's POV

Kagaya sa film ay school ang set up namin. Una naming nirehearse ang Someday We'll Know.

Ritken Happens | ONESHOTS✨Where stories live. Discover now