The Rest of Us

11 4 0
                                    

We're lying on the bed while she tightly held my hand. Keeping it warm with her small hands. I squeezed it to let her know that I am ready. I heard her heavy sigh.

Ganito ang sitwasyon namin nitong mga nakaraang araw. Siya na may malalim na iniisip at ako na naghihintay sa kaniya na magsabi. Gustuhin ko mang magtanong, hindi ko magawa. Ayoko siyang pilitin. May mga bagay rin talaga na kailangang hintayin at hayaan na mangyari. At isa pa, alam ko na rin naman kung ano. Baka talagang ayoko lang marinig pa kaya't ayokong mamilit.

"Would you get mad if I tell you something that's been bothering me lately?" She said while caressing my hand. "I mean, hurting me. . ."

I looked at her and saw her starring at the ceiling. There's a couple of silence before she faced me. Nang masilayan ko ang mga mata niya at makita ko kung paano itong magtanong, alam kong talo na ako.

Magagawa ko bang magalit sa kaniya? Hindi. Kahit kailan, hindi.

Nang umiling ako, pumikit siya. Huminga nang ilang beses bago magmulat muli ng mga mata. Paborito ko talaga ang mga mata niya. Ngunit hindi sa paraan na ako ang dahilan ng pagluha nito.

"Pagod na ako. . ." Bulong niya ngunit nakabibingi. Maingat ngunit nakawawasak. Dahan-dahan ngunit nakadudurog.

Masakit pala na marinig 'to mula sa taong mahal mo. I knew that this is what she's going to say. I already prepared myself for it. Pero mukhang kahit gaano ka kahanda, kung galing sa taong mahal mo, masasaktan ka talaga.

Ngumiti ako sa kaniya. To assure her that it's okay. That I understand. That I'm ready for this. Ngunit hindi yata talaga ako handa dahil parang dahan-dahan din akong sinasaksak sa bawat pagpatak ng mga luha niya.

"I'm sorry. . ." Sabi niya sa pagitan ng pagpipigil ng hikbi.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.

"Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanang mapagod." Bulong ko na sana'y naririnig niya.

"Hindi ko na kaya, e. Hindi ko na kayang itago ka sa tuwing gusto mong tumakas sa mundo mo. Hindi ko na kayang alagaan at ipagtanggol ka sa mundo mo sa tuwing inaaway ka nito."

Gusto kong sumagot ngunit paano? Paano ako lalaban kung mahina ako pagdating sa kaniya?

"Hindi ko na kayang maging malakas para sa'yo o para sa atin. Hindi ko na kayang magkunwari na kaya ko pa."

Dapat pinagtatanggol ko ang sarili ko ngayon ngunit hindi ko magawa dahil tama naman siya. May karapatan siyang magreklamo.

"Hindi ko na talaga kaya. . . I'm sorry. . ."

Hindi ko alam kung anong mas masakit. Ang mapagod sa'yo 'yong taong mahal mo o ang humingi siya ng tawad sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Parang paulit-ulit akong sinasaksak sa dibdib. May kirot at hapdi. Bawat salita niya ay may diin. Tumatagos. Nakasusugat. Mariin akong pumikit. Gustong kong sumigaw. Bakit ko hinayaang mangyari 'to? Bakit ang hina ko?

Mayamaya pa'y naramdam kong sumiksik siya sa akin. Yumakap nang mahigpit. Ramdam ko kung paanong nanginginig siya sa pag-iyak. Mahigpit ko ring ipinulupot ang braso ko sa kaniya. Pakiramdam ko'y itinatago ko siya. Pakiramdam ko ako ang nagtatanggol sa kaniya. Pakiramdam ko ang lakas-lakas ko para sa amin.

"Ganito 'yon, e. . . Ito 'yong kailangan ko." Bulong niya.

"Kailangan ko rin ng kakapitan at matatakbuhan. Ng magtatanggol at magtatago sa akin sa tuwing inaaway at pagod na ako sa mundong 'to. Ikaw dapat 'yon, e. Sa'yo dapat."

Unti-unting tumakas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Kung pagod na siya, pagod na rin ako. Pagod na ako maging dahilan ng pagod niya. Pagod na akong tumakbo palagi sa kaniya. Pagod na akong ipagtanggol at ingatan niya. Pagod na akong kailanganin siya sa tuwing mahina ako. Pagod na akong masaktan siya nang dahil sa akin.

"Pagod na rin naman ako. Pagod na pagod na." Bulong ko na sana'y narinig niya.

Pareho kaming umiiyak lang sa katahimikan. Hinahayaang tumulo ang mga luhang puno ng sakit. Mga luhang nagpapaliwanag ng mga gusto naming sabihin sa isa't isa.

"Alam ko namang pagod ka na rin. . ."

Tumango ako at dahan-dahang hinaplos ang buhok niya. Hoping that it could lessen the pain.

"Pero alam mo? Sa'yo pa rin talaga ako bumabalik."

Humigpit ang yakap ko sa kaniya. Bakit ganito? Lalo akong mahihirapan kapag ganito siya at ang mga sinasabi niya.

"Ikaw ang pahinga ko, e." Dapat masaya ako sa narinig ko. Ngunit lalo lang akong nasasaktan. Dahil paano ka magpapahinga kung 'yong pahinga mo rin ang dahilan ng pagod mo?

Yes. She's my rest, too. Each day. At kahit kailan, hindi ako napagod na mahalin siya. Mas napapagod ako sa sarili ko.

"Pero. . . tama na. Pahinga na tayo." She said.

Right. Everything must be put into rest. Even if it hurts. Even if it meant of leaving.

"Handa na akong hayaan ka. At kahit kailan, hindi mo kasalanan 'to. Walang may kasalanan ng pagod na 'to. Hindi ibig sabihin nito, hindi na kita mahal. Dahil mahal kita. . . araw-araw."

At mahal ko rin siya, habang-buhay.

"But every too much is enough. We're too tired. You're too tired, mahal."

Sunod-sunod ang hikbi niya. Masakit. Hindi na rin ako makahinga nang maayos. Gusto ko ulit magtago sa kaniya. Gusto kong alagaan niya 'ko dahil inaaway na naman ako ng mundo ko at ng katotohanan. Ng katotohanan na sa buhay na 'to, hindi talaga kami magtatagal. Ngunit baka sa susunod, pang habang-buhay na. Sa ngayon, kailangan na naming bumitaw. At ngayon, handa na ako dahil alam kong kahit kailan, hindi naman talaga namin kasalanan.

Nag-angat siya ng ulo at tumitig sa mga mata ko. Nagbibigay ng permiso. Bumibitaw.

"Mahal na mahal na mahal kita." Sambit niya sa pagpigil ng hikbi.

Malabo na siya sa paningin ko dahil sa luha. Ngunit alam kong mayamaya lang, mawawala na rin siya sa paningin ko.

"Mahal kita." Sambit ko na sana'y marinig niya dahil alam kong hindi na.

Ngayon, alam kong may karapatan na akong lumisan dahil hinayaan na niya ako. Alam kong bukod sa pagod na siyang alagaan ako, mas napapagod siyang makita ako. Pagod na siyang masaktan nang dahil sa kalagayan ko. Ngunit alam ko ring sa ilang beses niyang napagod, mas maraming beses na bumalik siya at pinili ako nang paulit-ulit. At higit pa sa sapat 'yon.

Tama siya. Oras nang magpahinga. Sa pamamagitan nito, maghihilom din ang lahat. At baka sa susunod, hindi na kailangang mapagod at lumisan pa. Baka sa susunod, kaya ko nang tuparin lahat ng pangako ko sa kaniya.

Inabot ko ang kaniyang pisngi at tinuyo ang mga luha niya sa huling pagkakataon. Hinaplos niya ang aking pisngi kasabay ng masuyong pagdampi ng mga labi niya sa noo ko.

"Pahinga ka na, mahal. . ." Bulong niya sa basag na boses ngunit nakapapayapa ng damdamin.

"Salamat, mahal." Mga salitang nais kong sambitin ngunit hindi ko na magawa.

She rested her head on my shoulder while gently taping my chest and humming our favorite song. As I close my eyes, I then peacefully let myself rest.

-

The Rest Of UsWhere stories live. Discover now