CHAPTER 15

75 4 1
                                    

Charles

Pumunta lang ako para makipag-kwentuhan, nautusan pa ako. Sumama si Jilliane at Thimoty sa akin para ituro kung saan ako papasok at para may resbak ako.

Agad kaming lumabas ng school para matanggal ang mga necklace namin at pumunta na sa dapat puntahan. Wala talaga akong idea kung anong gagawin ko kapag nakapasok na talaga ako sa lugar na iyon.

Pinalusot nila ako sa isang butas at dahil payat naman ako, agad akong nakapasok at agad ring nagtago sa likod ng basurahan. Sinilip ko kung may mga tao sa paligid at nakita kong may tatlong lalaki ang magkakausap at nakasuot sila ng kulay green na T-shirt at cap.

Agad kong sinuot ang earpiece ko at agad nagsalita.

: Dalhan niyo ako ng green na T-shirt at cap.

Raphael: Saan kami hahanap?

: Problema niyo na iyon.

At hinintay ko na dalhan nila ako at matapos ng ilang minuto, iniabot yun sakin ni Jilliane. Agad akong nagbihis at tumayo kaagad. Nakita kong napansin kaagad ako ng tatlong lalaki at lumapit pa sila sakin.

"Anong ginagawa mo diyan?"tanong ng isang lalaki na may hawak-hawak na bote ng tubig.

"Inaayos lang ang mga basura"sagot ko sa malalim na boses para hindi nila mahalatang bata pa ako. Lumapit ang isa sa akin at inakbayan pa ako.

"Meryenda na tayo, babalik pa tayo sa trabaho"aniya at sumama lang ako sa kanila. Pumasok kami sa loob ng building. Medyo madilim dito at medyo magulo. Para kaming nasa abandonadong lugar.

Nakakapagtaka dahil may nakikita akong mga nurse at doctor na naglalakad. Agad akong sumilip sa bawat kwartong aming madadaanan para silipin kung laman ng isa si Georgiette. Pumasok kami sa kwarto na nasa tabi ng hagdanan pataas.

May mga double deck na kama at mga locker rito. Umupo ang mga kasama ko sa mga kama at ganoon din ang ginawa ko.

"Bago ka lang ba rito?"tanong ng may bigote. Inabot niya sa akin ang isang styro cup na may laman na mainit na kape at tumango ako.

"Anong pangalan mo?"tanong ng isang lalaking nakaupo sa kama ng katabi sa akin. Nag-isip ako ng pangalan na puwedeng gamitin.

"Rodolfo"sagot ko at uminom ng kape. Isang lalaki naman ang pumasok sa kuwarto.

"Tawag na tayo ni Mr. Leigo"aniya at nagsitayuan ang lahat at nagsilabasan. Sumunod lang ako sa kanila.

Umakyat kami hanggang sa third floor at pumasok sa pangalawang kwarto mula sa hagdanan. Pagpasok ay agad kong nakita ang isang babaeng nakahiga at nakatitig sa kisame at isang lalaking nakaupo at may hawak-hawak na papel.

"Anong gagawin?"tanong ng isa samin at napatingin ang lalaki sa amin. Lumapit kami sa kaniya at halos makita ko na ang itsura ng babae.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now