Chapter 11

680 38 1
                                    


Jema got back to her condo na may napakalaking smile sa mukha niya. She dropped her things on the dining table and plunged to the sofa. Hawak pa rin niya ang sunflower na bigay ni Deanna at inaamoy pa. Hindi mapigilan ni Jema ang kilig na nararamdaman.

Inulit ni Jema ang nangyari buong araw. From the moment that Deanna held her hand in the arcade, to having lunch sa ramen place kung saan lumabas ang pagpapacute ni Deanna, to Jema holding-hands-while-running with Deanna, and hanggang sa paglibot nila sa museum.

Hindi napansin ni Jema na bumukas na pala ang pinto ng kwarto niya dahil paulit ulit din ang pag-alala ni Jema sa mga nangyari kanina sa parking lot ng dorm ni Deanna..."I love you, Jema Galanza!!!.. I love you, Jema Galanza!!!... I love you, Jema Galanza!!!"

"HUY!" biglang sulpot ni Mafe.

"AAAAY-LAB-YU-TOO-DEANNA-WONG!" napasigaw nalang si Jema sa gulat.

"Aba! Aba! Aba! May pag-aylabyu na agad?!" Sabay batok ni Mafe sa ate niya.

"Aray! Ikaw, wala ka talagang respeto sa nakakatatandang kapatid mo no?" inis na sabi ni Jema.

"Galing ba kay Deanna yan?" turo ni Mafe sa bulaklak na hawak ni Jema.

"Oo! Bakit?" defensive na sagot ni Jema at inayos ang upo.

"Haba ng hair natin ah. Ang galing naman ng pag-gayuma mo kay Ate Deanna nung isang gabi at may pabulaklak na agad sa iyo." Kinuha naman ni Mafe ang sunflower at ininspect ito as if may kakaiba naman sa bulaklak na binigay ni Deanna.

"Akin yan! Inggit ka lang!" sabay dila sa kapatid.

"Ah sus! Kay bilis naman, Ate! Nasuko na agad ang puso...pati ang Bataan?"

"Bastos ka talaga!"

"So, bakit may pabulaklak si Ate Deanna?" at ngayon naman naka-cross na ang arms ni Mafe at tila hindi titigil sa kakakulit hangga't hindi nabibigyan ng matinong sagot ni Jema.

"(Ni)liligawan ako." Sagot ni Jema na parang proud pa.

"Wow! Ligaw? Uso pa ba yun?" tanong ni Mafe

"Oo! Kasi isa akong dalagang Pilipina. Charot!" at napalakas naman ang pangalawang batok ni Mafe kay Jema dahil sa hirit nito.

"Lagot ka kay Nanay, isusumbong kita, Ate."

Nag-ring bigla ang phone ni Jema na nakapatong sa coffee table. 

DEANNA CALLING...

Nag-unahan ang magkapatid para sagutin ang cellphone pero nauna si Jema at tumakbo bigla sa kwarto. Nilock agad niya ang pinto para maka-iwas sa makulit na kapatid.

"Hello?" bati ni Jema sa tumawag.

"Hiiii! Nakauwi ka na?"

"Oo, bakit ka napatawag?" Miss mo na ako? Isip ni Jema

"Tagal ng text mo eh. Ahahaha. May lakad ka bukas?" atat na tanong ni Deanna

"Bukas? May training kami sa hapon eh. Actually, buong linggo training naming sa hapon."

"Ay sayang! Our training is in the morning, free naman kami sa afternoon. Hmmmm, how about Friday?"

"Wala ba kayong game sa weekend?" tanong ni Jema

"I think, Sunday pa. And usually light drills and meditation para alam mo na, happy-happy lang during the game. Heh."

"I think free naman ako sa Friday night, pero after training."

Only Destiny KnowsWhere stories live. Discover now