Guro

186 60 10
                                    

Dedicated to all teachers around the globe♡

Minsan na po kasi akong napaisip at napagtanto ko pong meron din palang mga ganito sa mga kapwa nila guro.

Hindi ko po sila sinisiraan but please be open minded!
-

Guro

Totoo at tapat sa mundo,
Naglilingkod sa lahat ng tao
Propesyong nirerespeto,
'Yan! Ang desisyong pinili ko!

Mga matang mapang-usig
Masasakit na salitang kumakawala sa bibig
Pilit kang hinihila sa ilalim,
'Yan ang mga gawain ng taong sakim!

Propesyong kanilang minaliit
Alam kong dahil lang 'yon sa inggit
Katatagan ang aking nagmistulamg sibat
Katapangan, naging panangga sa lahat

Ang maging guro'y isang oportunidad
Maghahatid ng aral sa magandang kalidad
Ikalawang magulang kung tawagin,
Oh! Kay gandang isipin

Pag-abot ng pangarap ay 'di basta-basta
Alam kong problema'y manunubok talaga
Tiwala lang sa Diyos sa oras ng labanan
Lahat ng paghihirap ay may katapusan!




Poem CollectionsWhere stories live. Discover now