CHAPTER 4

6.5K 215 30
                                    

CHAPTER 4

HINDI MAKATULOG SI Daisy. Maya't maya ang palit ng pwesto niya sa higaan. Hindi sa hindi siya komportable dahil malambot naman ang kama. Nainis siya sa binata kanina.

She thought he's going to kiss her. Akala lang pala niya! Lumapit ito sa kanya dahil kinuha nito ang tacos na nasa likod niya. Buong hapunan niya itong hindi pinansin sa sobrang kainisan niya, kahit kinakausap siya nito. Napahiya kasi siya. Baka isipin nito na desperada siyang magpahalik dito. 

Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Matagal siyang nakaupo nang may narinig siyang ingay galing sa salas. Tila gising ang binata.

Tumayo siya at lumabas. Nakita niya ang binata na nakaupo sa couch habang naglilinis ng sugat nito at dumadaing sa sakit. Tila hindi nito napansin ang presensiya niya.

"You should call me," pukaw niya sa atensyon ng binata.

Tumingala ito sa kanya. "Akala ko tulog ka na kaya hindi kita inistorbo," wika nito saka pinatong ang hawak na alcohol. Kinuha naman nito ang benda sa table.

Bumuntong hininga siya. "Ako na," presenta niya. Inagaw niya ang benda saka siya tumabi ng upo sa binata.

Naiilang na humarap ito sa kanya. Alinlangang lumapit siya upang maitali ang benda sa tiyan nito. Tumikhim siya dahil sa posisyon nilang dalawa. Para siyang nakayakap sa binata habang iniikot niya ang puting benda sa katawan nito.

Hindi niya magawang tingnan ito sa mga mata habang ramdam niya ang mainit nitong titig sa kanya. Lumalapit ang mukha niya sa mukha nito habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Kailangan niyang itungo ang ulo upang hindi maglapit ang kanilang mga labi.

Naririnig niya ang mabibigat nitong paghinga. Nararamdaman niya ang mainit nitong katawan na parang napapaso siya kapag dumidikit ang balat nito sa balat niya. Tumikhim siya upang hindi ipahalata na naaapektuhan siya sa paglapit ng mga katawan nila sa isa't isa.

Humawak ito sa kanyang baywang dahilan upang makiliti ang buo niyang pagkatao. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya nang dumampi ang kamay nito sa baywang niya.

Nang natapos niya ang isang ikot, mabilis siyang lumayo ng bahagya sa binata. Hindi niya maitangala ang ulo niya dito. Natatakot siya na magtama ang kanilang mga mata dahil alam niyang hindi niya kakayanin 'yon, at maaaring bumigay siya.

Inaayos niya ang benda habang dinikit nito ang noo sa noo niya. Lumayo siya ng kaunti. "Ano ba?!" Sita niya sa binata habang halos nanginginig ang kanyang kamay. "Huwag ka ngang malikot."

Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay nito sa baywang niya. "Be my girlfriend," biglang bulalas nito.

Napahinto siya sa ginagawa saka tumingin sa binata. Nahigit niya ang kanyang hininga nang mapansing halos magkalapit ang kanilang mga labi. Nakatingin siya sa mga mata nito habang ang binata ay nakatingin sa mga labi niyang nakaawang.

"Oh god, Your lips is so tempting," wika nito sa basag na boses. Tiningnan siya nito sa mga mata. "I want to kiss you but I won't."

"Dahil ba sa mataba ako?" Halos mahina ang boses na tanong niya.

Umiling ito. "You're not my girlfriend yet," bulong nito sa baritonong boses. "If you'll agree to be my girlfriend, I will kiss you endlessly."

She gulped. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Bigla siyang nauhaw. Hindi sa tubig kundi sa ibang bagay. Hindi niya mawari kung ano ang dahilan kung bakit nauuhaw siya.

Umatras siya ng upo dahilan upang mabitawan ng kamay nito ang kanyang baywang. Tumikhim siya saka umiwas ng tingin.

"Matutulog na ako," halos basag na boses na wika niya.

SPG 5: SWEET FATEWhere stories live. Discover now