Chapter 3

2.6K 61 0
                                    

"AH! Ang aga-aga namang nambubulahaw ng tulog nito," kakamot-kamot na sabi ni Mac habang nakapikit ang kanyang mga mata. Nakahiga siya sa kanyang kama. Wala siyang photo shoots ngayong araw kaya nagpasya siyang magkulong maghapon sa kanyang kwarto.

Pero tila masisira ang araw niya dahil kanina pa ring nang ring ang kanyang cell phone. Ilang beses na niyang pinatay iyon pero napakakulit ng tumatawag. Sigurado siyang isa iyon sa mga babaeng nakaka-date niya. Kung minsan ay nakukulitan na siya sa mga iyon. Kapag madalas na tumawag ang babae sa kanya at nagde-demand ng kung anu-ano mula sa ay kaagad na pinuputol niya ang anumang ugnayan rito. Kaya hanggang ngayon ay wala siyang matinong relasyon. Kaagad siyang nagsasawa sa mga ganoong bagay. Hindi naman siya playboy sa totoong buhay dahil hindi niya pinagsasabay ang mga babae. He made sure that he treated them one at a time.

Inis na inabot niya ang telepono sa side table at tinignan iyon. Hindi nakarehistro ang numerong tumatawag. Nakasimangot na pinindot niya ang answer button at tinapat iyon sa kanyang tainga.

"Hoy! Lalaking antipatiko, hambog at mayabang!" Malakas ang tinig na bungad sa kanya sa kabilang linya.

Tila nawala ang kanyang antok sa galit na tinig. Wala sa sariling napabangon siya sa higaan. Kilalang-kilala niya ang boses. Isang tao lang naman ang kilala niyang ganoong mga salita ang palaging bungad sa kanya.

"Salamat ha! Salamat at sinagot mo ang tawag ko," sarkastikong patuloy pa nito. "Halos maubos lang naman ang daliri ko sa kakatawag sayo."

Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nanggagalaiti ito sa inis. This woman really amuses him. He remembered her name, Reginn. Even her name sounds so sweet. Naaalala pa niya ang mahaba at tuwid-tuwid na buhok nito. Her button-shaped lips and the little mole at the side of it make her look so charming. He wanted to pinch her thin pointed nose. And those protruding eyes have a little fire on them. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa mga matang iyon. But wait, this girl is a big trouble. So stop admiring her, saway niya sa sarili. Yes, that Reginn girl is beautiful, she's even tough but he doesn't like her. Ayaw niya sa mga babaeng tila amasona.

Ang buong akala niya ay hindi na ito tatawag pa sa kanya. Limang araw na kasi ang lumipas buhat ng una niya itong makita at nangyari ang komprontasyon nila. Pero tila nagkamali siya dahil ngayon ay heto ito at kausap niya.

Tumikhim siya, "Good morning there, Reginn," masayang bungad niya.

"I-good morning mo 'yang mukha mo," she hissed.

Napangiwi siya sa lakas ng tinig nito. "Easy ka lang Reginn. Try to breath. Inhale, exhale," pagpapagaan niya sa usapan. Baka makuha lang naman niya ito sa mahinahong usapan.

"Tigilan mo ako," bagkus ay sagot nito. Mahihirapan talaga siyang kumbinsihin ang babaeng ito. "Tumataas talaga ang presyon ko kapag kinakausap kita. Una pa lang kitang makitang lalaki ka, alam ko na kaagad na sangkaterbang inis ang aabutin ko sayo."

"Grabe ka namang magsalita," kunwa'y nagtatampong sabi niya. "Bakit ka ba napatawag? Akala ko nga matatahimik na ang buhay ko kasi limang araw na ay hindi ka pa rin tumatawag."

Narinig niya ang pagtawa nito ng pagak. "Nasiyahan ka?" sarkastikong tanong nito. "Sorry to disappoint you mister Garzon but you are definitely wrong."

"Kung ganoon bakit ka tumawag? Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na para matapos na ang lahat ng ito," sunud-sunod na lintanya niya.

"Alam mo kung bakit ako tumawag. It's about my condition. Akala mo ba madali akong makalimot? Hinding-hindi mo matatakasan ang atraso mo sa aking lalaki ka."

Loving Him Is Red (COMPLETED)Where stories live. Discover now