FOUR

7K 208 10
                                    

(DANIEL'S POV)

Its cold.. She's cold..

What I have done to her?

"No. It cant be.. Alam mo ang kondisyon na pinagusapan natin Ysabel.. before we got married.."

Hindi pwedeng mabunyag lalo na sa mata at taenga ng media ang tungkol sa kasal namin..

I saw her smirk..

"Ayaw mo ng divorce and ayaw mo rin malaman ng lahat ang tungkol sa atin.. So what do you want Daniel?"

What I want? I want to be with the woman I truly love.. I want to be with Faith.. But damn.. Kapag hiniwalayan ko si Ysabel.. mapapahamak ang babaeng mahal ko.. Magagalit ang tatay ko at kukunin nya sa akin ang lahat.. and he will also harm her.. I know my father too well na kapag sinabi nyang gagawin nyang miserable ang buhay ni Faith ay gagawin nya, once na magkamali lang ako ng galaw..

And telling about my marriage with Ysabel to the people will not be a good thing to do.. paniguradong makakarating iyon kay Faith kahit nasa ibang bansa pa sya.. at nasa panahon pa sya ng pagchechemo theraphy.. It will just harm her health.. She loves me too much na baka magpakamatay lang ito.. and hindi ko iyon kakayanin..

I look at Ysabel.. Nagtaas ito ng kilay.. at ngumisi..

"Hindi mo talaga alam ang gusto mo Dan.. And hindi pwedeng ikaw lang lagi ang masusunod sa pagsasamang ito.. Hinayaan kita noong kaya-kayanin ako.. dahil mahal kita.. But now knowing the real reason why you agree with this marriage.. Tss. Damn. "

"Just give me a year.. and lets get a divorce.. I just need one year, Ysabel.."

Tumayo sya.. at nagdere-deretso paakyat sa kwarto namin.. Akala ko ay ganun lang matatapos ang aming paguusap. Pero hindi pala..

"A year? Oh. kasi that time okay na ang kalagayan ni Faith.. And 21 years old ka na.. Malilipat na sa pangalan mo lahat ng ari-arian ng Dad mo. And magiging walang silbi na ako sayo.. Okay then.."

And with that she continues to walk her way to our bedroom..

That's it? She agreed just like that?

Hindi ko alam.. pero parang may mali.. masyadong mabilis ang pagsang-ayon nya..

Damn! ngayon lang ako naging ganito kabalisa about Ysabel's actions..

I need to breathe..

*****************************

"You look problematic man!" bungad agad sa akin ni Anthony ng makarating ako sa exclusive area ng barkada rito sa Bar ni Tito Art.. na pinamana nya na kay Anthony ang pamamahala..

"Dont tell me? epekto ng pakikipagbreak mo kay Era iyan? Ganun ba sya kasarap kaya namroroblema ka?" sambit naman ni Dominic bago pa man ako makaupo..

Ngumisi naman ako..

"As if.. ni paa nga nun walang wala pa sa kuko ni Ysabel.. At kailan pa ba ako tumikim ng ibang putahe, ha Dominic.. epal ka rin eh.." Hampas ko pa rito..

Nagtawanan lang sila ni Anthony.. Tss.. Totoo naman eh.. Kaliwat kanan ang mga naging karelasyon ko.. But I never touch them intimately.. tanging si Ysabel lang ang ginagalaw ko..

"So? Anong atin ngayon? At nabisita ka rito sa lungga ko.." Tanong naman ni Anthony..

"Ysabel changed.." Simpleng sinambit ko lang.. at tinungga ang alak sa lamesa..

"Paanong nagbago? Hindi ka na nya mahal? HAHAHA.. Kasi naman pre! Sino ba tatagal sa kagaguhang pinanggagawa mo? Kasal ka na nga sa isang dyosa, nambababae ka pa.. Gago mo din eh.." Opinyon naman ni Dominic..

TAKE ME FOR GRANTEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang