4

620 28 6
                                    

Dinala ako ng mga paa ko dito sa may talon. Sobrang lungkot at sama talaga ng loob ko.

Bakit ganon si nanay? Bakit ayaw niya sabihin sakin yung dahilan? sabi ko sa sarili ko habang patuloy na umiiyak.

Maiintidahan ko naman siya eh kung sasabihin niya sakin. Hindi yung papahulaan niya pa sakin, eh hindi naman ako manghuhula, patuloy na kausap ko sa sarili ko habang umiiyak. "NAKAKAINIS!" umiiyak na sigaw ko habang nagpapapadyak

You're so noisy, mahinang sabi ng isang lalaki. Paglingon ko sa nagsalita ay nakita ko si Pak boy na nakapikit habang nakahiga doon sa may puno hindi kaluyaan sa pwesto ko.

Anong sabi mo!? pasigaw na tanong ko sa kanya kasi hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

Tsk, yan lang ang naging sagot niya sakin.

Tumayo ako sa pwesto ko at lumapit sa kanya. Nang makalapit ako ay umupo ako doon sa isang puno na malapit sa pwesto niya. Nananatiling nakapikit siya habang nakahiga. Nakaunan siya sa mga kamay niya. Tinititigan ko siya nang bigla siyang magsalita ulit.

Staring is rude.

Ano daw!?

Anong sabi mo ulit? nagtatakang tanong ko habang patuloy na nakatitig sa kanya.

I said stop staring at me, medyo malakas na sabi niya sakin sabay bukas ng mga mata niya at tumingin sakin.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya kasi namangha na naman ako sa mga mata niya. Ang ganda talaga ng kulay ng mga mata niya, isip isip ko.

Tsk! Crazy, mahinang sabi nito.

Crazy? Alam ko yun! Baliw ibig sabihin noon.

Hoy! Hindi ako baliw! sigaw ko sa kanya.

Really? nanunuyang sabi niya.

Alam mo lalo mo lang pinapasakit ang ulo ko, pwede ba huwag kang mag-ingles, pakiusap ko sa kanya kaso hindi na siya sumagot pa at pumikit na lang ulit.

Tahimik lang kami, walang sinuman ang umiimik. Tinanggal ko na rin ang pagtitig sa kanya.

Nakatingin lang ako ngayon sa kawalan. Naalala ko na naman ang naging pagtatalo namin ni nanay. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko sa pagtulo.

Tumigil ka na sa pag-iyak Lila, hindi ka ba napapagod ha? humihikbing tanong ko sa sarili ko. Dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay hindi ko na napigilan na humagulgol sa pag-iyak. Umub-ob na lang ako sa mga tuhod ko habang patuloy na umiiyak.

Here! Take this, narinig ko na sabi ng isang lalaki.

Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko si Sex na nakalapit na sakin at may inaabot na panyo. Hindi ko alam sa sarili ko pero mas lalo akong naiyak. Siguro dahil ito ang unang pagkakataon na may nag-alok sakin ng panyo habang umiiyak ako. Oo, mababaw para sa iba yung dahilan ko pero ngayon lang nangyari na may taong naniniwalang totoong malungkot ako, na gustong damayan ako. Kasi sa totoo lang, maraming pagkakataon na nalulungkot ako, na akala lagi ng iba na porket masayahin ako ay kayang kaya ko nang sarilinin ang lungkot na nararamdaman ko.

Nagulat ako nang biglang umupo sa harapan ko si Sex at siya na mismo ang nagpunas sa mga luha ko. Napatulala na lang ako sa kanya. Hindi ko alam pero medyo sumaya yung puso ko.

I don't know what happened or what's the reason behind your tears, sabi niya habang patuloy na pinupunasan ang mga luha ko. But don't worry about a thing 'cause every little thing is going to be okay, dugtong na sabi niya sabay ngiti sakin.

Hard To Handle (El Santiago Series #1) Where stories live. Discover now