Chapter I

92 4 0
                                    

Chapter I : Ares & Keith

Ares' POV

Tahimik akong naglalakad patungo sa bundok na parati kong tinatambayan. Nang malapit na ako sa tuktok ay napansin kong may nakaupo na roon. Sino naman kaya iyon? Naglakad ako ng mabilis at napansin kong kilala ko ito.

Dahil natural na gago ako ay naisipan kong gulatin s'ya. Dahan dahan akong lumapit at akmang gugulatin na siya ng bigla itong magsalita dahilan para ako ang magitla at mapahawak sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Subukan mong manggulat, sasapakin ko bungo mo." Malamig na sambit nito kaya agad akong napatigil sa posisyon ko. Tss, kahit kailan talaga KJ. Siya si Keith, ang kaibigan ko.

"Hanep ah? May mata ka ba sa likod? Paano mo nalaman na nandito ako?" 'Di makapaniwalng sambit ko habang naupo sa tabi niya. Inirapan lang niya 'ko kaya nanahimik na lang din ako. Tss, kalalaking tao ang hilig mang-irap.

Tahimik kaming nakatitig sa kagandahan ng paligid — matataas na bundok, matatangkad na puno, malamig na simoy ng hangin. Hindi ko maiwasan na mapatingin kay Keith at mapansin na may pasa s'ya sa mukha.

"Anong nangyari sa 'yo? Ba't may pasa 'yang mukha mo?" Kaswal na tanong ko, sumandal ako sa puno at pinagkrus ang aking dalawang braso.

Agad naman siyang umiwas at napahawak sa bandang pisngi niya kung saan nandu'n ang pasa. "Ah ito? Wala. Dahil 'to du'n sa taekwondo class ko kanina. Nasipa ako ng 'di sinasadya sa mukha." Napatango na lang ako bilang pagtugon.

Oo nga pala, nalimutan kong nagta-taekwondo nga pala siya. Muli nakatitig lang kami sa kawalan. Unti-unti nang lumulubog ang araw at tahimik pa rin kami.

"Ang daya ng tadhana, 'no? Naging mabuting tao ka naman pero pilit ka niyang pinarurusahan sa bagay na hindi mo naman kayang mapigilan." Biglang tanong nito kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa kalawakan ng paligid, may mapait na ngiti sa kanyang mukha. Agad akong nagtaka kaya napaupo ako ng ayos at napahawak sa balikat n'ya.

"Ayos ka lang ba, Keith?" Nag-aalalang tanong ko. Nilingon niya 'ko at sinuklian ako ng ngiti na kahit kailanman ay hindi ko pa nakita sa kanya.

"Gago." Asar nito sa akin habang tumatawa siya at pinitik ako sa noo. "Okay lang naman ako, natanong ko lang. Curiousity ganu'n." Kaswal na sambit nito kaya napangiti na lang din ako.

"Ang lalim na naman ng pag-iisip mo. Kaya wala ka pa ring syota hanggang ngayon e." Pang-iinis ko dito habang bumabalik ako sa pagkakasandal pero bago pa man ako makasandal ay hinila niya ko mula sa batok at ni-lock niya ang leeg ko sa braso niya habang kinukuskos ang mga kamao niya sa bunbunan ko dahilan para mangati ito.

"Hayop, namemersonal ka na ah?" Tumatawa niyang sambit at patuloy pa rin sa ginagawa niyang pagkuskos ng kamao sa ulo ko.

"Gago, makati! Totoo naman 'yun. Bakit may syota ka na ba, 'di ba wala pa rin?" Pang-aasar ko pa lalo at sa wakas nakatakas na 'ko sa pagkaka-lock ng braso niya sa leeg ko.

"Ewan ko sa 'yo. Inaaway mo na naman ako." Kunyaring pagtatampo nito at natawa naman ako sa itsura niya. Bahagya ba namang nakanguso ito at sumandal muli sa puno ng magkakrus ang mga braso.

"Keith, mukha kang babae d'yan. Sabi na nga ba may mani ka talaga e." Agad siyang napatingin sa akin ng may nanlilisik na mata dahil ayaw niyang sinasabihan siya no'n. Nagtaas baba naman ang kilay ko tila nang-aasar, "Ganda mo maging babae, pre. P'wede ka bang ligawan?" Wala sa hulog na sabi ko kaya pareho kaming napatigil habang nakatitig sa mata ng isa't isa. Makalipas ang ilang segundo natawa na lang kami bigla dahil sa awkward moment na nangyari kanina.

"Kadiri ka, Ares. Pati ako papatusin mo na magka-syota ka lang." Pailing iling ang ulo niya. Pang-asar din ang hayup.

Tumayo siya bigla sa pagkakaupo kaya napatingin ako sa kanya. Ang posisyon tuloy namin ay nakatingala ako para makita siya habang siya naman nakayuko ng kaunti para makita ako.

"Sige, Ares. Una na 'ko. Maaga pa 'ko bukas." Pagpapaalam nito sa akin at ginulo ang buhok ko. Sa mga oras na 'yun nakaramdam ako ng kuryete na dumaloy sa buong katawan ko. Mga ilang saglit lang ay tinigil na niya ang paggulo dito. "Umuwi ka na din, gabi na." Pangaral nito sa akin.

"Oo na, maya maya na 'ko aalis. Ingat ka." Kaswal na sabi ko dito at tanging ngiti na lang ang sinagot niya sa 'kin. Umalis na siya at ako'y nanatili pa sa bundok na iyon ng ilang saglit pa.

Napakaganda talaga ng tanawin dito kahit bahagyang madilim na. Napakapayapa. Hinding hindi ako magsasawa na pagmasdan ang kagandahan ng lugar na 'to. Napahinga ako ng malalim dahil sa mga bagay na naiisip ko at hinayaan na lamang ang tanawin na gawing payapa ang isip ko.

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now