Chapter Ten

5.3K 87 1
                                    

PAUWI na si Pearl nang araw na iyon. Tapos na niyang ibigay sa kanyang mga estudyante ang huling exam ng mga ito. Huminto siya sa paglalakad nang maramdaman ang pagsunod ng kung sino. Lumingon siya para kilalanin 'yon. Awtomatikong tumaas ang kilay niya nang makita si Zedric. Nakapamulsa ito habang naglalakad. His hair was swayed by the wind, emphasizing his handsome features. He immediately gave her his signature smile. "Hey. Ang lakas naman ng radar mo, naramdaman mo agad ako."

"Malakas talaga. Naramdaman kong may panganib na paparating at..." lantaran niya itong tiningnan. "Tama ako."

Tumawa lang ang binata saka kinuha ang mga dala niya. "Ako na. Hindi dapat nagbubuhat ang mga prinsesa."

"Right. Ang mga alila dapat ang nagdadala ng mga gamit ng prinsesa." Binigay niya dito pati shoulder bag niya na mabilis naman nitong tinanggap.

"Ano'ng alila? Ang guwapo ko namang alila. Overqualified pa." Pasimple siya nitong inakbayan at hinila palapit dito. Hindi na siya tumanggi pa. She liked being this close to him. Palala ka na ng palala, neng!

"Knight in shining armor mo ako."

Siniko niya ito. "Hindi bagay sa 'yo."

"Tama. Overqualified rin kasi ako sa pagiging knight in shining armor."

"Nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko."

"Hey, lovebirds!" Dylan and Marc were smiling as they approached them.

"Looking good, ah," bati ni Marc sa kanila.

"Oo nga. Lookin uu-good u-good," dagdag naman ni Dylan. Nag-high five pa ang dalawa.

"'Tado!" Nakitawa na rin si Zedric sa mga ito.

"Christmas break na. Saan niyo balak mag-Pasko?" tanong ni Dylan.

"Sa probinsiya pa rin ako, as usual," sagot niya.

"Ako naman..." nakangisi niya nilingon ni Zedric. "Sa puso niya."

"Naks! Bumabanat na si boy banat!"

"Ang galing! Pare, pakiss nga."

Natatawang inilayo ni Zedric ang mukha ni Dylan nang akmang hahalikan ito ng huli.

"Pearl, isang kiss lang, ah."

Natatawang itinulak ni Pearl si Zedric kay Dylan. "By all means." Ngunit tumama ang mukha niya sa likod ni Zedric nang itinulak din ng mga ito ang huli papunta sa kanya.

"On second thought, huwag nalang pala. Ayaw na namin sa mga nalawayan na," ani Dylan.

"Oo nga. May taste rin naman kami paminsan-minsan," dagdag pa ni Marc.

"Sige, bye na sa mga mukha niyo. Baka nakaka-istorbo na kami," paalam ni Dylan.

"Children, behave, okay?" si Marc naman. Nagtatawanan pang lumayo na ang mga ito sa kanila.

"Di ba, matagal ka nang may gusto kay Desiree? Gusto mo ilakad kita sa kanya?" narinig nilang tanong ni Dylan kay Marc. Minura lang ito ng huli. "Sige, ire-regards kita mamaya sa kanya," patuloy ni Dylan. Muli lang itong minura ni Marc.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Zedric sa kanya nang mawala na sina Dylan at Marc sa paningin nila. "Pagpasensyahan mo na ang dalawang iyon. Magulo talaga ang mga siraulong iyon." Hinawakan nito ang pisngi niya. "Mukhang napalakas ang pagtama ko sa iyo kanina, ah." Maingat na hinalikan ni Zedric ang pisngi niya. "Does it still hurt?"

"Hoy, ang galing ah. Nakahalik ka agad."

"Well, ganyan talaga ang magagaling." Then he entwined his fingers with hers as they walked on the pathway to the parking lot. Sinubukan niyang bawiin ang kamay pero humigpit lang ang pagkakahawak ni Zedric doon. "Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo."

It's Only Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon