dos

7 0 0
                                    

“OMG. Nandito na daw si Brye! Kahapon lang siya dumating.”

sabi ng isang teenager na may hawak pang newspaper na nagbabalitang nandito na nga sa bansa ang sikat na international superstar na si Brye

“Oo nga, nandun nga ko sa airport nun eh. Grabe ang gwapo niya lang talaga”
sagot naman ng isa pang teenager na kumakain ng cake.

“Sumali ka ba dun sa raffle promo?” tanong ulit ng babae.

“Oo, bumili talaga ko lahat ng album niya para macompile ko yung mga resibo nu. Jusko. Lifetime savings ko na ata ginastos ko para lang dyan. Pero, wala eh. Talo, nakapili na daw sila ng winner eh.”

sabi ng isa pa at tuluyan nang inubos ang cake.

“Hoy beb! Ano tinitingin-tingin mo dyan? Tulala ka ata?”
pukaw sakin ni Weng.

“Wala beb. Natutuwa lang ako dun sa mga teenagers sa may table 5” sagot ko sakanya.

Tiningnan naman din ni Weng ang kanina ko pang pinapanood na mga kabataan.

“Sus, palibhasa si great Gabryell Seth Lee ang pinag-uusapan.. huh! *gasp * OMG!” bigla naman siyang sumigaw.

“Oh bakit? Anong nangyari sayo dyan?” tanong ko.

“Di ba ikaw ang napili sa raffle?” bulong niya sakin.

“Oo nga, oh eh ano ngayon?” sabi ko sakanya. At patuloy sa paghalo ng batter na ibebake ko.

“Eh bakit nandito ka pa sa shop? Bruhildang Sam! Mag-ayos ka na! Anong oras na oh. Ako na bahala sa shop natin” sermon sakin ng bestfriend ko.

“Loka! 8Am pa lang po kaya. 4Pm pa yung meeting ko sakanila. And besides, ang daming orders ng cupcakes. Hindi ko pwedeng iwan”

“O sige. Tutulungan na kita, wala pa namang masyadong tao eh.”

Tinulungan nga ako ni Weng sa pagbebake. Bandang 12nn natapos narin kami at naipadeliver nanamin ang mga ito. Sinarado muna namin ang shop namin – twisted hangout. Katwiran ng loka, tutulungan niya ko mag-ayos sa muling pagkikita namin ni Brye. Nang malaman kong babalik siya dito sa Pilipinas, tuwang tuwa ako nun. At nang malaman ko ang tungkol sa raffle promo I grabbed the chance. Kinolekta ko ang mga tinago kong resibo nang mga CD's,posters o kahit anong memorabilya niya pa. Kumpleto ako ng mga CD's niya mula debut niya hanggang ngayon. Meron din akong mga original DVD's ng movies niya. Umuwi muna kami sa condo unit ko sa Makati. There tinulungan ako ni Weng sa pagpili ng damit at siya narin ang nag-ayos sakin. After two hours, natapos din kami. Sinipat ko ang itsura ko sa full length mirror ko sa kwarto. I am wearing a simple Blue halter dress that emphasized the shape of my body. Nakalugay lang ang straight kong buhok na umaabot lang sa may bandang dibdib ko. Light lang ang pagkakamake-up saakin. Tiningnan ko ang mga posters ni Brye sa pader ng kwarto ko. Ang isa ay kuha nang magconcert siya sa Madison Square Garden, bumili pa talaga ako ng ticket para mapanood siya. I was so happy and proud back there dahil naabot niya na ang pinapangarap niya. His droopy eyes expresses pain when he sang his ballad song. Hit ang concert niya nun kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng concert I bought foods at nagcelebrate akong mag-isa sa hotel unit ko.

“Huy!” pukol sakin ni Weng.

“Beb. I'm nervous,paano kung ayaw niya na ako makita? Paano kung hindi parin niya ako napapatawad sa kasalanan ko sakanya? What if he doesn't want to have anything to do with me again?”

“Ano ka ba Sam! You've come this far. Eto na oh! Eto na ang chance mo to explain to him your side of the story. Wag ka nang mag-back out. Kung wala lang magmamanage sa bar natin sana gogogo support ako sayo.”

“Okay lang yun Weng. Thanks for the words of wisdom. Hehe! Oh, Okay na ba itsura ko? Talbog na ba ang mga nakakadate ni Brye?”

dinaan ko nalang sa biro ang kabang nararamdaman ko.

“Oo naman. Mukha ka nang international model. Basta balitaan mo ko ha? O sige na 3pm na baka malate ka pa. Go!” pagtataboy sakin ni Weng.

Nagdrive na ko papunta sa hotel na tinutuluyan ni Brye. Doon kami magmi-meet together with the staff. Imi-meet daw ako ng isang staff para masamahan ako sa private restaurant kung saan kami magkikita-kita. Pero di ko inaasahan ang sasalubong sakin.

“Sam?” sabi niya.

“Dino?”

4 years, hindi kami nagkita ni Dino. 4 years. Magkakaibigan kami dati nila Kaibigan ni Dino si Weng na siyang naggpakilala sakin kay Brye and that's how we fell inlove.

“A-anong ginagawa mo dito? Don't tell me ik-”

“Yes. Ako ang nanalo sa raffle”
putol ko sa sasabihin niya. Halata sa kanya ang gulat. Alam ko naman ang baklitang si Dino ang manager ni Brye pero di ko aakalaing siya ang sasalubong sakin. Di ako nakapagready sa sudden meet.

“P-paano?” tanong niya.

“Edi sumali ako. Duh. Kumusta na Dino?” tanong ko. Nakangiti pa ako niyan ha.

“Okay naman ako, eto maganda parin. Hahaha. Ikaw? . Wow, honestly I was surprised.”

Natawa naman ako sakanya dahil halatang gulat na gulat siya. What more pa kaya kung si Brye nuh? Haaayy. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

“Same old, same old.Ganon parin. Nothing's changed. Just the age.” dinaan ko nalang ulit sa biro.

“Uhh, Ahm,, Let's go? Naghihintay na sila, Si .. si Brye pababa narin iyon” Sumunod nalang ako sakanya. I'm sure maraming gustong itanong sakin si Dino at ganon din ako sakanya. Habang hinihintay si Brye. Nag-usap kami ni Dino. Katapat ko siya sa table.

“Kamusta na siya Dins?” tanong ko.

“Okay naman. Nahirapan talaga siya nung magsimula siya, but he didn't gave up. And now, siya na ang topselling star.”

“I'm glad that I let him go nuh? Kasi he made this far” sabi ko pero may halong pait sa boses.

“Sam, bakit mo siya iniwan kasi?” tanong niya.

Ito na ang pinakakinakatakutan kong pangyayari. Ang itanong kung bakit ko sila iniwan, lalong lalo na si Brye nang walang pasabi. Sasagot na sana ako pero naudlot dahil sa isang taong nagsalita.

“Am I late?” Boses pa lang niya alam na alam ko na. Boses pa lang niya para akong nanigas sa kinauupuan ko. Nakita ko ang pagkagulat sa expression ni Dino. Dahil nakatalikod ako sa pinto, hindi pa ako nakikita ni Brye.

“No. Just in time” sabi ni Dino.

I am ready to face him. Determinado akong balikan siya. Determinado akong ibalik ang dating “kami”. Kung meron pa man. Nakita ko siya na umikot sa table na may ngiti sa labi. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakatingin siya sa phone niya. That smile, I missed it so much. Maibibigay niya parin kaya iyon saakin? Umupo siya sa tabi ni Dino na hindi parin inaangat ang tingin.

“Brye, this is the winner of the raffle promo” pakilala sakin ni Dino. This is it. I'm ready for it.

“Hel--” napatigil siya sa pagsasalita nang makita niya ako. The smile that is plastered on his face was gone right at the moment he set eyes to me. Nasaktan man ako sa pagbago ng expression niya, still I remained my composure and managed to smile at him.

“Hello Brye. I missed you” ====---------------========

Your Number #1 fanWhere stories live. Discover now