10| 𝙸𝙺𝙰'𝚈 𝙽𝙰𝙶 𝙸𝙸𝚂𝙰

167 9 0
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Umiiyak si Lea habang nag lalakad sa daan, wala na syang pakialam kung pinag titingnan sya nang mga tao dito.

Sensitive na kung sensitive sya, hindi nya kaya na pinag tataasan sya nang boses ni Josh.

Naupo sya sa isang bench at umiyak nang mahina, gusto nya lang naman makatulog sa asawa nya mali ba?

Naramdaman nya naman na may tao sa harap nya pero hindi nya nalang ito pinansin at nag patuloy sa pag iyak, tatak na tatak sa utak nya yung sinabi ni Josh sakanya.

"Lea"

Napatingin sya dito at nag tama ang tingin nila ni Ken, napapunas sya agad nang luha. Lumapit naman si Ken sakanya at naupo sa tabi nya.

"Nag away kayo?" Tanong nya, tumungo lang si Lea. Binigay naman ni Ken ang panyo nya para punasan ni Lea ang mga mata nya.

"g-gusto ko lang naman..t-tulungan sya" mahina nyang ani sabay hikbi.

"Dapat siguro umuwi ka na, gabi na eh. Pag usapan nyo nalang ni—"

"Ayaw ko. Ayaw ko muna sya makita.." ani nya, napa buga naman nang hangin si Ken.

"Saan ka pupunta nyan?"

Tumingin naman sya kay Ken.

"S-sayo—"

"hindi, pwede. Baka masuntok ako ni Josh" ani nya at tumawa nang marahan.

"Kala Jah? Stell o Sejun??"

Umiling naman muli si Lea.

"Naka tira pa yun sila sa mga pamilya nila. Ayaw ko na maki dagdag" ani nya sabay punas nang luha.

"Saan ka na ngayon?"

Napaisip naman si Lea.

"S-sa parents ko.." ani nya, tumayo  naman si Ken.

"Ihahatid na kita doon" ani nito, humikbi naman si Lea bago tumayo.

"Wag ka na umiyak, wala talaga akong alam sa pag comfort" ani ni Ken at hinimas ang likod ni Lea.

Hinatid naman sya ni Ken sa bahay nang parents nya—kung asan sya nakatira dati.

"Salamat" mahina nyang ani, tumungo lang si Ken at kumaway. Nag tungo naman si Lea sa pinto nila, gaano nya na-miss tong bahay na to.

Kumatok sya dito at binuksan naman nang nanay nya.

"Lea? Bakit ka andito? Bakit ka umiiyak?" Nung nakita palang ni Lea ang muka nang mama nya hindi na nya mapigilan ang sarili na umiyak, agad nyang niyakap ang mama nya at umiyak sa balikat nito.

Hindi na nag tanong mama ni Lea at niyakap nalang ang anak.

"ano yan?" Ani nang tatay ni Lea, nagulat naman sya nang makita nya ang anak nya na umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" Puno nang pag aalala nyang tanong. Nag tungo sila sa sofa at naupo doon, umiiyak parin ang anak nila kaya nag tinginan ang mag asawa dahil sa pag aalala.

"Pinaiyak ka ba ni Josh?" Tanong nang mama nya, natigilan naman si Lea nung narinig ang pangalan ni Josh. Hinampas naman nang tatay nya ang coffee table.

"Rodney!" Tawag nang nanay nya sa tatay nya.

"Anong ginawa nya sayo!?" Galit nyang ani mas umiyak naman si Lea kaya sinamaan nya nang tingin ang asawa nya.

"bigyan mo muna nang time ang anak mo" ani nang mama nya at hinimas ang likod ni Lea para kumalma.

Humupa naman ang iyak ni Lea kaya binitawan na sya nang mama nya para maka upo nang maayos.

Humikbi parin ito.

"S-si Josh.." simula nya, nag dilim nanaman ang mata nang tatay nya.

"Ano ginawa nyan!?" Sigaw nya.

"Rodney!?"

"P-parang may hindi a-day gusto s-sabihin saakin...p-parang may tinatago sya.."

Napailing nalang ang tatay nya,.

"Niloloko ka ba nang gago na yan!?" Sigaw nanaman nang tatay nya.

"Kumalma ka nga Rodney!" Pangaral nang asawa nya.

"Dear, ano ginawa nya?" Mahinahon na ani nang mama nya at hinawakan ang kanang pisngi nya. Huminga naman nang malalim si Lea.

"H-hindi nya ako niloko.."

Nakahinga naman nang maayos ang tatay nya.

"P-parang may hindi ako a-alam tungkol sakanya.. ayaw n-nya sabihin.." 

Napaisip naman ang mama nya.

"Ang akin lang naman...mag a-asawa kami..d-dapat walang sikreto"

Ngumiti naman nang bahagya ang nanay nya.

"Dear, hindi naman kailangan lahat sinasabi mo sa asawa mo" mahinahon nitong ani.

"Baka..usapang lalake lang iyon kaya ayaw nya sabihin sayo" dagdag nito, napatingin naman ang mama nya sa tatay nya na tungo-tungo lang.

"Diba Rodney"mariin nitong ani, napatingin naman ang tatay nya sa mama nya.

"Oo, ako nga may mga bagay na hindi ko sinasabi sa nanay mo kasi usapang lalake lang. Malay mo ganoon si Josh? kaya ayaw nya sabihin sayo kasi baka nahihiya sya?" Ani nang papa nya, nakatingin lang sya sa tatay nya—unti unti nyang pinapasok sa utak nya ang mga sinabi nang tatay nya.

"Lea! Kausapin mo ako!" Napatingin si Lea at ang mga magulang nya sa bintana. Nanlaki ang mga mata ni Lea sa nakikita nya.

Si Josh.

Sino nag sabi kay Josh? Si Ken.

"Ano gagawin natin anak?" Tanong nang mama nya, umalis naman si Lea sa bintana.

"pauwi nyo na sya, ayaw ko muna sya makausap..." mahina nyang ani, naintindihan naman to nang mama nya kaya nag tungo sya sa pinto para kausapin si Josh.

"Mama! A-andyan po ba si Lea?" Tanong nito, ngumiti naman nang bahagya ang mama ni Lea.

"Josh anak, bigyan mo muna nang panahon si Lea" napakagat nang labi si Josh.

"P-pero...wala nang panahon...." mahina nyang ani, hinawakan naman nang mama ni Lea ang balikat ni Josh.

"Maayos din ito" ani nya at pumasok na sa loob at sinira ang pinto.

"T-teka!"

ʟᴇᴀ:
sᴇᴊᴜɴ, ᴘᴀᴋɪ ᴀʟɪs sɪ ᴊᴏsʜ ᴅɪᴛᴏ sᴀ ʜᴀʀᴀᴘ ɴᴀɴɢ ʙᴀʜᴀʏ ɴᴀᴍɪɴ ✔︎

Text ni Lea kay Sejun, Alam nya naman na walang balak umalis si Josh sa pinto nila.

Hanggang ngayon naririnig nya parin ang mga sigaw nito. Maya maya narinig nya naman ang ingay sa labas kaya napa silip sya sa bintana nila, dumating na si Sejun kasama si Stell at pinapauwi si Josh.

"H-hindi ako pwede umuwi! Kakausapin ko ang asawa ko!" Sigaw ni Josh, parang nadudurog ang puso nya at di maiwasan maiyak.

"Josh, gabi na. Bukas, babalik ka dito. Mag kikita lang naman kayo ni Lea sa school" ani ni Stell, labag sa loob namang Umuwi si Josh at napalingon pa sa bintana kung saan sya naka silip. Agad naman nyang tinakpan ito nang kurtina.

What's wrong Mrs. Santos [SB19 JOSH FF] ✔︎Where stories live. Discover now